Chapter 45

1546 Words

"Aalis kayo ni Rovi?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama Marcyl sa akin. Sinabi ko na sa kanya ang plano ko. Alam kong tutol siya pero buo na talaga ang desisyon ko. Kailangan naming umalis ni Rovi para makalimot at sana sa aming paglayo, tuluyan na naming maiwan ang anumang sakit na aming nararanasan. "Pero, nak. Sa tingin mo ba makakalimot kayo kapag lalayo kayo?" tanong ni Mama na may halong pagdududa. Kahit ako, hindi ako 100 percent sure kung makakalimot nga kami pero 'yon talaga ang hinihiling ko. "Kahit saan ka man mapunta, kapag ang isang tao ay nakatatak na sa puso mo, mahihirapan ka talagang kalimutan siya," dagdag pa niya. "Pipilitin ko po," sabi ko. Napabuntong-hininga si Mama sa aking sinabi. "Kaya mo ba?" Napaangat ako ng tingin at diretso akong napatingin sa mga mata n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD