"Daddy, why are you saying sorry?" naguguluhang tanong ni Rovi sa kanya. Dali-dali kong muling hinila si Rovi palayo sa kanya na siya namang paglabas nina Mama at Manang Minda. "Romir?" gulat na tanong sambit ni Mama sa kanyang pangalan ng makita siya nito. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa dalawang hindi inaasahang bisitang darating ng mga oras na 'yon. "Ma, please. Take Rovi inside," pakiusap ko kay Mama at agad din naman siyanh tumalima. "Rovi, c'mon. Pasok muna tayo," aya sa kanya ni Mama at agad namang sumunod si Rovi kahit pa luhaan ang mga mata. "Why are you here?" tanong ko kaagad sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Nakita kong binalingan niya ng tingin ang kasamang babae na nakalambitin na ang mga kamay nito sa kanyang braso. "Maiwan ko muna kayo. Honey,

