Napamura si Zach ng marinig neto ang sinabi ni Luke. Hindi sya makapaniwala na ganun katindi ang kayang tiisin ni Janine wag lang mawala si Luke sa kanya.
“So anong plano mo? Mukhang mahihirapan ka nga kay Janine.”
“Hindi ko pa alam. Pero ituloy natin pre. Balak ko na ding umalis sa bahay.”
“Tsk.. so wala na talagang urungan to?”
“Wala na. Alam naman na din nya. Ewan ko ba bakit nananahimik sya. Pero ok na din yun, less gulo.” Kibit balikat ni Luke.
“Sana bro, tama tong desisyon mo. Aaminin ko, nun, pinayuhan kita ng annulment pero sa totoo lang, sa ngayon, mas gusto ko sana, pag isipan mo maigi. Baka kasi.. kapag tuluyan na kayong hiwalay ni Janine, saka mo marealize yung worth nya. Besides, me mga anak kayo. Meron at merong epekto sa mga bata eto Luke.” payo ni Zach. Sa totoo lang awang awa na sya kay Janine.
Hindi umimik si Luke. He can’t think of anything but his freedom. Halos tatlong linggo na lang sa Pilipinas si Celine at gusto nya sana mas maraming oras ang gugulin nilang dalawa na magkasama. Kaya gusto na nyang umalis sa bahay nila at umupa ng lang muna ng apartment para dun na pumunta si Celine tuwing magkikita sila at magkasama pa sila magdamag. Kapag nagkikita kasi sila, ay uuwi at uuwi sya sa bahay nila.
“Aalis ka?” halos mautal si Janine pagkakita sa asawa na nag eempake ng mga damit. Kakarating niya lang galing hospital.
“Yes. I’m leaving. So please do yourself a favour and sign the papers Janine. You can’t stop me.” walang emosyong sagot ni Luke. Isinara neto ang zipper ng maleta nya at inumpisahang ilagay ang iba pang damit sa isa nya pang maleta.
“Luke.. please no.. please no.” nanginginig na pakiusap ni Janine.
“Janine.. paulit ulit na lang tayo. Hindi ko na kayang makisama sayo. Ni hindi ako makahinga dito sa bahay. Let me go.”
“Luke.. hindi ko kaya. Maawa ka naman. Kahit hindi na sakin kahit sa mga anak na lang natin. Luke.. please.. please..” she started to unpack Luke’s clothes pero tinabig sya neto dahilan para matumba si Janine. Napatigalgal si Janine dahil sa loob ng labinlamang taon, hindi naman sya sinaktan physicaly ni Luke. At alam nyang hindi naman neto sinasadya ang pagkakatabig sa kanya.
Natigilan din sa Luke ng makitang tumumba ang asawa. Mabilis na tumayo si Janine at pagkatapos ay yumakap sa kanya.
“Luke.. please.. please..”
“Janine.. let me go!” kumalas sya sa pagkakayakap neto pagkatapos ay inakay nya si Janine papunta sa kama at inupo. Bumalik sya sa ginagawa ng mapansing tahimik na lang ulit na umiiyak si Janine at pinanuod ang ginagawa nya.
“Iiwan mo na kami dahil kay Celine Luke? Ipagpapalit mo ang mga anak mo sa kanya? Wala ka ba talaga kahit kapirasong pagmamahal para sa mga anak mo?” luhaan nyang tanong dito.
“Hindi ko papabayaan ang suporta ng mga bata Janine. Da – dadalawin ko din sila.” Isinara ni Luke ang zipper ng ikalawa nyang maleta. Dinampot ang isang back pack sa tabi na mukhang gamit din nya ang laman. Isinuot nya ang back pack at hinila ng magkabilang kamay ang dalawa nyang maleta. Malapit na sya sa pintuan ng patakabo syang hinabol ni Janine at niyakap sya mula sa likuran.
“Luke.. parang awa mo na.. kung gusto mo.. sa kabilang kwarto ako. Dun ako matutulog basta dito ka lang umuwi. Hahayaan ko kayo ni Celine na magkita habang nandito sya sa Pilipinas. Wag mo lang akong iwan.. maawa ka sa akin Luke..” humahagulgol na pagmamakaawa nya dito.
“Janine.. don’t be too hard on yourself.. this is the best for us.” Binuksan neto ang pinto mablis na naglakad papunta sa hagdan habang humahabol si Janine.
“Luuuuke.. wag maawa ka..” this time lumuhod na si Janine at niyakap si Luke sa mga binti neto. “Please.. don’t leave me.. don’t leave us!”
Nagkatinginan ang magkapatid na Cody at Christine na marinig ang tila pag iyak ng ina kaya magksunod silang lumabas sa kwarto at nanlake ang mata ni Cody ng makita ang inang nakaluhod sa likod ng ama at nakayakap sa binti neto.
“Mom!” mabilis syang tumakbo sa ina at pinilit na hinila eto papalayo sa ina. Chritine came crying too. Napalunok si Luke ng makita ang mga anak. Somehow ayaw nya din na makita sila ng mga eto sa gantong sitwasyon.
“Cody.. he’s leaving us.. tell him not to leave please?” hagulgol ni Janine sa anak. Chrisitine hugged her mom too.
“No. Let him leave mom.” Malamig na sagot ni Cody. Napatingin si Luke sa anak at tila me kaba syang naramdaman ang malamig netong tingin sa kanya. He saw hatred and disgust in his eyes!
“Cody! Please anak. Pigilan mo ang daddy mo!” hiyaw ni Janine na ngayon ay nakalupasay na sa sahig at nakayakap pa din dito ang umiiyak na si Christine na matalim na tingin din ang ipinukol sa ama.
“I won’t stop him mom and don’t beg. Let him leave!” matigas na sagot ni Cody pagkatapos ay inalalayan neto ang ina at pinilit itinayo. Tila napako naman si Luke sa kinatatayuan.
“What? Why are you still there, Mr Mendez? Aren’t you leaving? Go and f*****g leave! We don’t need you!” nanigas si Luke sa narinig buhat sa anak. He called him Mr Mendez!
“Cody! He is your dad!” sigaw ni Janine sa anak.
“Dad? He was never my father! Kelan sya naging ama samin ni Christine? Sa apelyido? I couldn’t wait to be of legal age so I can change my last name because I never wanted anything from that man! I am disgusted to be called his son!” galit na galit na sagot ni Cody.
Nabitawan ni Luke ang maletang hawak at sinuntok ang anak dahilan para mapatili ng malakas si Janine!
“Bastos!” bumalibag si Cody dahil sa lakas ng suntok ng ama. Kahit matankad sya ay mas matankad pa rin ang ama at mas Malaki ang katawan neto. Kahit hilo sa pagkakasuntok ng ama ay pinilit ni Cody bumangon. Pinunasan ng likod ng palad neto ang dugo mula sa pumutok na labi.
“Why? Did you get hurt? Aw. I don’t believe you! Just leave Mr Mendez and go to your mistress!” sigaw pa neto. “Do you think I don’t know? I know you have an affair with tita Celine!”
Nanigas si Janine sa narinig. Alam ng anak? Paano? Kelan pa?
“Cody? Anong sinasabi mo?”
“Yes mom I know it! I know his having an affair with tita Celine. And I know you know too. So let him leave so we can start a new life without him.” malamig na sagot neto.
“What is going on here?” isang dumadagundong na boses mula sa baba ng hagdan ang narinig nila at nakita ni Janine nasa baba ang ama kasunod ang ina.
“Papa?”
*****
Please comment and follow me.
Thank you for reading!