Chapter 17 - She Knows Everything

863 Words
Hindi umimik si Janine ng marinig ang sinabi ng asawa. Pakiramdam nya ay nahihirapan syang huminga. Pumasok sya sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay bumalik sa cabinet at itinuloy ang ginagawa. Inis naman na umupo sa kama si Luke. Sa tingin nya ay walang planong magsalita si Janine. Makalipas ang ilang minute ay lumabas muli ng kwarto si Janine. Pinabayaan lang ni Luke na lumabas ang asawa sa isip nya ay baka bababa eto para magluto. It’s almost 5 pm. Pero narinig nyang umandar ang sasakyan ni Janine. Umalis eto! Lalong nakadama ng inis si Luke sa asawa. Pero kinalma nya ang sarili at inisip na lang na marahil ay gusto lang mag isip ni Janine. At sana nga ay makapag isip eto ng mas maayos. O baka naman pupunta sa bestfriend neton si Chloe. Pasado alas otso na wala pa si Janine at nagtatanong na ang mga anak kay Manang Susan kung nasaan ang ina. Hindi rin naman alam ni Manang Susan kung saan nagpunta ang amo dahil hindi nagpaalam si Janine kanya. Sinabi na lang nya na baka me emergency sa hospital. Palakad lakad si Luke sa kwarto habang iniisip kung nasaan na ba si Janine. Kahit papaano ay nag aalala na rin sya para dito dahil alam nyang mataas ang emosyon neto ng umalis. Naisipan na lang nya tawagan ang asawa. Pero nagulat sya ng marinig na magring ang celphone ni Janine sa loob ng kwarto. Tumayo sya at hinanap kung nasaan ang celphone neto at nakita nyang nasa loob ng cabinet. Siguro ay nawala sa isip ni Janine na dalhin ang celphone kanina. Pinatay ni Luke ang celphone at dinampot ang celphone ng asawa. Pagkatapos ay bumalik sya sa kama at umupo. Mas nag alala sya dahil walang dalang celphone si Janine. Baka kung ano ang mangyari dun at alam nya, sya ang masisisi. Tinitigan ni Luke ang celphone ni Janine at swinipe. Me password. Wala sa sariling sinubukang buksan eto. Una nyang ginamit ang birthday ni Janine pero hindi gumana pagkatapos ay birthday ni Cody at ayaw pa rin. Gagamitin nya sana ang birthday ni Christine pero naisip nyang birthday nya ang gamitin at bahagya pa syang nagulat na nag open ang phone neto. So birthday pala nya ang password sa celphone ng asawa! Picture nya pa pala ang wallpaper ni Janine sa celphone. Napailing sya. Wala sa loob na kinalikot nya ang celphone neto. Napapunta ang pangingialam nya sa email ng asawa. Ini open nya ang yahoo account neto at wala sa loob na inisa isa ang inbox neto. Napahinto ang kamay nya sa pagscroll ng makita ang isang pangalan: Ram Toledo. Out of curiousity at binuksan nya eto. Files ang laman ng email at wala sa loob na binuksan ang attachment at nanlamig sya sa nakita. It was all pictures of him and Celine! Mga kuha eto nun nasa Ilocos sila! Nanlamig si Luke! Bumalik sya sa inbox at chineck kung me iba pang email galing kay Ram Toledo at meron nga. Base sa pagkakaunawa nya, nag t trabaho eto sa isang private investigation firm! So Janine knows everything all along! Alam ni Janine ang tunkol sa kanila ni Celine pero hindi eto nagsasalita! Naikuyom ni Luke ang kamao. Yes. Janine knows everything pero nanahimik sya sa pag asang aalis din naman si Celine. Ilang araw pa lang ang nakalipas mula ng manggaling sila sa anniversary ng mga byenan, napansin na nya ang malakeng pagbabago kay Luke. Bagamat hindi pa rin eto pala imik, tila lagi etong masaya. Napansin din syang nagshopping pa eto ng mga bagong damit at tila naging active sa pag gi gym ulit. Bukod dun, bumili eto ng pabango na dati netong ginagamit nun sila pa ni Celine. Nagduda din sya sa madalas na out of town daw neto at laging late umuwi. Kaya naman ng sabihin netong pupunta eto ng Ilocos, komontak sya ng private investigator para pasundan ang asawa. Totoo naman nasa Ilocos nga eto, pero kasama neto si Celine. Halos ikamatay na nya ng makita ang mga litrato ng dalawa pero nag tiis sya. Piping nagdasal sa Dyos na magising ang dalawa sa kasalanang ginagawa ng mga eto. Pero ngayon, gusto ng tuluyang lumaya ni Luke. Pero hind nya talaga na mawala eto sa kanya. Tanggap na nya na mambabae eto basta manatili etong kasal sa kanya. Dun man lang, masabi nyang pag aari nya eto. oo tanga sya. Selfish. Baliw. Pero mahal na mahal nya talaga eto. Mag aalas dies na ng gabi umuwi si Janine. Sa isang park sya pumunta at tumambay at nagpalipas ng mga oras. Hindi nga sya kumain dahil hindi rin sya nakaramdam ng gutom. Naalala nya lang ang mga anak kaya bumalik sya sa huwisyo lalo na ng marealized nyang hindi nya pala dala ang phone nya. malamang hinahanap na sya ng mga eto. Tahimik syang pumasok sa kwarto at naabutang tulog na ang asawa. Nagshower sya at nagbihis at pinasok ang kwarto ng mga anak para tingnan sila. Tulog na ang mga eto kaya marahan  na lang niya na hinalikan sa noo ang mga anak at bumalik sa kwarto nila. Humiga sya sa tabi ni Luke at natulog.  ***** Please comment and follow me. Thank you for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD