“Siguradong sigurado ka na?” muling tanong ni Zach sa kaibigan. Magkasama sila ngayon sa paborito nilang bar. Nag aya si Luke at sinabi netong me importante syang sasabihin dito.
“Oo. Siguradong sigurado.” Walang kagatol gatol na sagot ni Luke. “I want my freedom back.”
“Pare.. baka gusto mo muna pag isipan ng madaming beses. Hindi biro ang annulment pare – alam na natin parehas, magastos, may katagalan at kelangan natin pag isipan kung anong grounds for annulment ang ifafile natin. Hindi sapat na hindi mo sya mahal.” Paliwanag neto.
“Gaano katagal?” tanong nya dito.
“One year minimum. At walang kasigaruduhan yun na ma approve ang petition mo. Proseso to pare and Janine most likely will oppose your petition. Talk to her first and if she agrees, then, baka mas mapabilis.”
Hindi umimik si Luke. Kahit tumanggi pa si Janine, itutuloy nya ang pag file ng annulment. Wala ng makakapigil sa kanya lalo na ngayon nagkabalikan na sila ni Celine. Sinabi ni Zach na ibibigay neto sa kanya ang draft ng petiion nya in two days at pag ok na saka nya sasabihin kay Janine ang plano para papirmahin eto. Whether she likes it or not, he would annul her!
“Can we talk?” tanong ni Luke kay Janine habang inaayos neto ang mga damit nila sa cabinet. itinigil ni Janine ang ginagawa at nilingon si Luke. Sabado ngayon at parehas lang silang nasa bahay.
“About?” tanong ni Janine dito. Lumakad sya papunta sa kama at umupo.
“This.” Iniabot nya kay Janine ang folder na kanina pa hawak hawak. Marahang inabot yun ni Janine at tumingin sa asawa.
“Ano to?”
“Open it.”
Lumunok si Janine. Somehow she has an idea what’s inside. Pero nagbakasakali syang iba ang laman. She slowly flip the pages to read. She froze. Nanginig ang buong katawan ni Janine ng mabasa na annulment papers ang laman ng folder. Nakagat nya ng mariin ang labi at hindi sya makapagsalita. Parang gustong sumabog ng utak nya. Parang gusto na lang nya bumuka ang lupa at lamunin sya neto. Inilapag nya sa kama ang folder at tumayo sya at naglakad palabas ng kwarto nila. Dumeretso sya sa isa guest room at pagkatapos ay umupo sya sa upuang nasa tabi ng bintana at tahimik na umiyak. Pinigilan nya ang mapahagulgol dahil baka marinig ng mga anak ang pag iyak nya.
Inis na dinampot ni Luke ang folder at sinundan si Janine palabas ng kwarto. Nakita nyang pumasok eto sa guest room kaya sinundan nya eto duon. Hindi nakalock ang pinto kaya tahimik syang pumasok. He saw Janine crying silently. Tumaas baba ang balikat neto habang impit na umiiyak. Halatadong pinipigilan neto ang mapahagulgol. He watched him for few minutes and decided to go back sa kwarto nila. Inihagis nya sa kama ang folder at inis na hinaplos ang ulo. He was expecting na magwawala si Janine, magsisigaw at magmamakaawa but she did the opposite. Tahimik etong umiyak. Aaminin nyang nakadama sya ng awa para rito. Naisip na lang nya na pabayaan muna eto. Siguro mas magandang ganto ang reaction neto kesa magwala eto. Baka sakaling mas madali nya etong mapapayag at makipag cooperate sa annulment nila.
Halos isang oras na umiyak si Janine. Nang mapagod ay saka sya tumigil. Mabuti na lang siguro at busy ang mga anak kaya hindi sya hinahanap. Sumandal sya sa upuan. Hindi nya kaya. Hindi nya kayang ibigay ang gusto ni Luke. Hindi nya pipirmahan ang annulment. Nang kumalma na sya ay bumalik sya sa kwarto nila at naabutan nya si Luke na nanunuod ng tv. Agad netong pinatay ang tv at hinarap sya. Mukhang hinihintay lang talaga sya neto.
“Hindi ko yan pipirmahan.” Buo ang loob na sabi ni Janine.
“Janine!”
“Hindi mo ako mapipilit Luke!” matatag nyang sagot dito.
“I don’t love you! Give me back my freedom Janine! I want it back!” gigil na sigaw ni Luke. baliktad, mukhang sya ang magwawala.
“Bakit bigla mo gustong maghiwalay tayo?” tanong ni Janine.
Hindi agad umimik si Luke. Katulad ng payo ni Zach, hindi nila pwedeng ipaalam na nagkabalikan sila ni Celine.
“I realized we’re both wasting our lives to this loveless marriage. I just want to be free Janine. That’s all I want. I think fifteen years is enough for you to know na hindi kita mahal at hindi kayang mahalin!”
“Dahil hindi mo ako sinubukang mahalin. Ginawa ko na lahat mapatawad mo lang ako, bakit ang damot mo? Hindi masasayang ang fifteen years natin kung sinubukan mo lang sana ako mahalin. Luke tiniis ko at tinanggap lahat.. hindi pa ba sapat yun?” umiiyak na sya ulit. Sobrang sakit na. Durug na durog na sya.
“I’m sorry. Hindi hinihingi ang pagmamahal Janine. Kusa yung nararamdaman. And yes, I still have not forgiven you for ruining my life. If you want to be forgiven, give back my freedom!” matigas na sabi ni Luke.
Please Comment and Follow Me
Thank you for reading!