"That girl you want to marry is my daughter, Ivanna Marie Mondragon." Paulit ulit na parang sirang plaka na umaalingaw ngaw sa kanyang tenga ang mga salita na iyon. Ang katotohanan sa pagkatao ng kanyang kasintahan. "Sir Adam, andito na po tayo." Pukaw ng driver sa kanya. Parang wala sa sarili na umibis siya ng sasakyan. Nagtuloy siya sa tirahan ni Ivanna. Kakatok sana siya pero nakita niya na nakaawang ang pinto. Dahan dahan niya itong itinulak. Wala siyang nakita sa sala at kusina na makikita mo agad pagpasok ng pinto. Napansin niya ang paggalaw ng kurtina dahil sa electric fan na nagsisilbing harang sa nag iisang silid na nandon. Lumapit siya at bahagyang sinilip ang silid. Andon ang dalaga natutulog. Pinilit niyang huwag gumawa ng ingay at mataman itong pinag masdan. Pinakiramd

