Santana’s POV Malalim na ang gabi, pero gising na gising pa ang mga mata ko habang nakatago ako sa likod ng isang puno. Kanina pa ako nakatingin sa pamilyar na tao na nakatayo sa gilid ng daan. Si Alaya ‘to, ang gagang kaaway ko ay abala sa pakikipag-usap sa isang lalaki na hindi ko kilala. Pinagmamasdan ko siya, sinusuri ang bawat kilos niya, naghihintay sa tamang pagkakataon para kumilos. Hindi niya dapat ako makakita, hindi ngayon, dahil nasa kaniya ang kailangan ko para tuluyang mawasak ang pagkukunwari niyang perpektong babae. Sikat daw pala siya dito sa bayan nila bilang mabait at palatulong. Nakakatawa, plastic siya masyado. Nasa gilid kami ng isang mabuhangin kalsada na tanging mga poste ng ilaw at mga anino ng puno ang nagbibigay liwanag. May dala akong kamera na pang-capture

