Chapter 14 : Engagement

1143 Words
MATI   "Mati." paangil na salubong sa kanya ni Jerson. He sounded annoyed, at parang bad mood. "Masarap daw ang ginawa mong cake sabi ni mommy." sabi nito sa halip ng kanyang pagkairita. Masarap daw e pinag praktisan ko lang naman ang paggawa non. Napangiti na lamang siya kay Jerson, ang taong ipinagkasundo sa kanya na pakasalan. Gwapo naman si Jerson, para nga itong isa sa mga bida na lalaki sa mga koreanovelas. Matangkad ito, maputi, chinito, at matangos ang ilong. Ano pa ba ang hahanapin niya sa isang mapapangasawa? Bukod pa don, matagal na nilang kilala ang pamilya ni Jerson. At sa tagal na nilang magkakilala, ngayon pa lang yata niya napapansin ang taglay na kagwapuhan ni Jerson. "Mati, papalapit na pala satin si mommy." Nang makalapit na sa kanila ang mommy ni Jerson, agad naman siyang bineso-biso nito. "Ang sarap talaga sa ginawa mong cake, hija." "Thank you po sa compliment, tita." magiliw na sagot niya. "At ang napili mong lugar na pagdadausan ninyo ng engagement party ay sobrang nakakawili din." "Pero teka, nasaan na nga pala ang daddy mo, Mati?" tanong sa kanya ni Mrs. Bermudez. "Parang kanina ko pa siyang hindi nakita ah." "Masama po kasi ang pakiramdam ni daddy." she said smoothly. "Sinabi ko na nga sa kanya na i-postone nalang muna namin ang engagement party, pero nagpupumilit po siya na ipagpatuloy nalang kung anong napagkasunduan." "Napaka considerate talaga ng ama mo, Mati." Tipid naman siyang napangiti sa ginang. "Ahm, Jerson, tita, babalikan ko nalang kayo ha, hahanapin ko pa kasi ang mga kapatid ko." Samantalang sa ladies room naman niya natagpuan ang nakababatang kapatid na si Sab. "Ate, what took you so long?" asked Sabrina as the door closed behind her, tas nagsindi ito ng sigarilyo. She grimaced and waved her hands in the air. "Akala ko ba huminto ka na sa paninigarilyo." "I did," sabi ni Sab. "but I started again the day you said you'd marry that jerk." "Tigilan mo na nga yang paninigarilyo mo, Sab." awat niya sa kapatid. Sab stubbed out her cigarette in a crystal ashtray. "Kaysa pakialaman mo ako ate, isipin mo muna yang future mo kay Jerson." "I love you Sab, but right now I don't feel like listening to you." "You're making a mistake, ate. I know it, and you know it." "Sabri--" "Malaking pagkakamali, ate." pagpatuloy pa rin ni Sab, ignoring her protests. "Pero hindi pa huli ang lahat ate, pwede ka pang mag back out." "Hindi ako mag ba-back out, Sab. I'm marrying Jerson of my own free will." "Right. And daddy's insanity has nothing to do with it." "Ano bang gusto mong sabihin ko?" "Yong totoo." ani Sab. "Diba gusto mong pakasalan si Jerson para makuha mo lang ang mana mo?" "Higit pa don," nakangising wika niya. "Gusto kong pakasalan si Jerson para makuha ko rin ang mana niya." Parang hindi naman makapaniwala si Sab sa sagot niya. "Nababaliw ka na ba, ate? Kung ako lang, hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal kahit manahin ko pa ang mana niya." "Kung ikaaangat nga ba sa pwesto ko sa kompanya, why not?" matatag niyang sabi. "I love the company as much as you do." sabi pa ni Sab. "Pero hindi ako gagamit ng ibang tao para umangat sa pwesto ko." "It's different for me," aniya pa. "I'm an artist. My vision is tied in the company." "May ibang paraan pa naman, ate. Yong hindi mo na kailangang magpatali sa lalaking yon." "May pinagkasunduan na kasi kami ni Jerson." katwiran pa niya. "We want the same things from life." "Ate naman. Kung hindi ka honest sa akin, magpakatotoo ka naman sa sarili mo. Marriage is a tough decision. Kung hindi mo siya mahal, pwes wag mo siyang pakasalan dahil wala yang katumbas na kayamanan." With that, Sabrina stalked from the room, leaving her alone in the ladies room. Tama ka nga Sab, sa isip niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Hindi nga ito ang mukha ng babae na malapit ng ikasal, sa halip ito yong mukha ng babaeng nakagawa ng maling desisyon sa buong buhay niya. Sa mahabang panahon matapos niyang mabalitaan ang pagkasawi ni Trust, sinisi niya ang kanyang daddy dahil kung hindi lang sana niya pinaalis si Trust sa araw na yon ay baka malayo pa ito sa aksidente. She even called her dad a heartless monster dahil parang hindi nito naranasan ang ma in love. Binalewala lang kasi nito ang nararamdaman niya noon, kung kaya't hanggang ngayon malayo pa rin ang loob niya sa kanyang ama. Pero kung ano man ang nangyari noon ay hindi na mahalaga sa kanya ngayon. Nakapag move on na rin kasi siya. Aragon & Daughters pawnshop was her lover now. She'd learned to take all her passion, all her pain sa pamamahala at pag didisenyo sa kanilang mga jewelries. Sabi nila, napakatalino niya daw, na ang talento niya ay bukod tangi lamang, at kung meron mang susunod sa mga yapak niya ay di siya nito kayang pantayan. Marry or lose your inheritance, sabi ng kanyang ama. Kung ang pagpapakasal kay Jerson Bermudez ang tulay upang makamit niya ang posisyong pinangako ng kanyang ama, then pakakasalan niya ito, kahit pa hindi niya ito mahal. Pero hindi naman iyon ang totoong rason kung bakit ginagawa mo ito, Mati. Tama nga si Sab. Na hindi ka nagpakatotoo sa sarili mo. Pagod na rin kasi siyang mapag-isa, at magpanggap na masaya. Kaya nang binigyan siya ng ultimatum ng kanyang ama kung magpapakasal ba siya o mawawalan siya ng mana, mas pinili niya ang una. "Naku friend, ang swerte mo talaga kay Jerson, hindi lang ito gwapo at mayaman, napakahusay din nito sa larangan ng business." sabi ng isa sa kanyang malapit na kaibigan nong college. Hindi naman niya maitatanggi ang sinabi ng kanyang kaibigan tungkol kay Jerson dahil totoo naman ito. Napakaseryosong tao lang ni Jerson, parang di nga ito mabiro. Kung kakausapin nga niya ito ng ibang topic bukod sa kanilang business ay umiwas naman ito. Marriage of convenience lang talaga itong set-up nila. Ayaw niya non walang involve na pagmamahal sa pagitan nila, just pure business. Basta lang manatili silang loyal sa isa't isa, para malayo lang daw sa eskandalo ang mga pamilya nila. At kung iisipin man ng iba, katulad ng inisip ni Sabrina sa kanya na pinagpalit ang sarili sa mana, ay problema na nila yon. Parang biglang nanikip naman ang dibdib niya, marahil sa kanina pa siyang nasa loob ng ladies room at parang naso-suffocate na rin siya. Sumagi naman sa kanyang isip ang lalaki kanina sa may ATM machine. Para bang nabuhayan siya ng loob pagkakita niya sa lalaking iyon, at para bang nanumbalik sa kanya ang nakaraan. Gabi ito ng engagement party niya, kaya hindi niya dapat pagtuonan ng pansin ang estrangherong iyon. Jerson Bermudez is a big catch, so why settle for anything less? *****   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD