TRUST
Nakarating na siya sa country club kung saan ginanap ang engagement party ni Mati. Una niyang hinanap si Luis Aragon pero hindi niya ito makita. Sa halip ay si Mati ang kanyang nakita na nakaupo sa isang rounded table, katabi ang isang chinitong lalaki.
He didn't know whether to feel sorry for himself or maging masaya nalang para kay Mati.
As far as he could see, parang hindi naman masyadong nag-uusap ang future bridegroom. In fact, it looked like the guy was conducting a business meeting right there at the dinner table, samantalang si Mati ay nakikinig lang.
Not that it was any of his business. Dahil kung tutuosin, wala naman talaga siyang karapatan sa dalaga. Pwede siyang ikasal kahit sino pa. The only thing he cared about was finding her father.
-----
MATI
Gusto siyang isayaw ni Jerson at pinaunlakan na lamang niya ang binata. Habang nagsasayaw sila kasama doon sa limang pares ay nasulyapan niya ang pamilyar na lalaking nasa gilid ng seven-layer cake pero agad din naman itong naglaho.
Tama, siya yong lalaking nakita niya sa mall pero imposibleng nandito rin siya, sa isip niya. Yong lalaking nakita kasi niya sa mall ay naka plain black shirt lang at faded jeans, samantalang ang nakita niyang lalaki dito sa venue ay naka tuxedo.
Sundan mo siya Mati, para malaman mo kung siya nga ba yong lalaki sa mall.
Huminto siya sa pagsasayaw na ikinagulat naman ni Jerson. "I'm going to the ladies room." paalam niya kay Jerson.
Napatango naman sa kanya si Jerson. Pang limang beses na yata niyang pumunta sa bathroom simula ng dumating siya.
Pagkalabas niya sa bathroom, isang baritonong boses naman ang nagpagulantang sa kanya. "The next dance is mine." anang baritonong boses.
Heat gathered deep inside her chest. Hindi man niya narinig ang boses nito noon, and yet there was something familiar about the sound.
Lilingon ba siya? o iignorahin na lamang niya ang isang to?
"Halika sumayaw tayo." anito, at nararamdaman niyang papalapit na ito sa kanya. "This is your party, isn't it?"
"Meron akong pinsan na gustong may makasayaw, pwede kitang irekomenda sa kanya."
"Pero ikaw ang gusto kong makasayaw."
"Ayoko, pwede bang iba nalang ang isayaw mo."
"Kung si Jerson Bermudez ang inaalala mo, I don't think he'd mind. Parang busy parin sa kanyang business ang lalaking yon."
He was probably right about that. Wala naman talaga silang pakialam ni Jerson sa isa't isa, pero hindi naman sila pwedeng ma ugnay sa kahit na sinuman dahil eskandalo daw yon sa kanilang mga pamilya.
Sa wakas, napalingon na rin siya sa lalaki, at napatanto niyang ito nga yong lalaki sa mall. "Kung imbitado ka nga dito sa party, patingin nga sa invitation mo."
Ngayon niya malalaman kung imbitado ba talaga ang lalaking ito, alam kasi niya kung sino lang naman ang mga imbitado dahil sila ng future mother-in-law niya ang nag lista sa mga invited guests. If his name was on the list, she recognize it, and if not, ipahuhuli talaga niya sa mga security guards ang gatecrasher na ito.
"Kinuha na nila ang invitation ko sa may entrance pa lang."
Napanganga naman siya sa sinabi ng lalaki, naalala kasi niyang may mga nakabantay ngang guards sa may entrance, at tama nga ito na kukunin muna nila ang invitation ng mga bisita bago pa makapasok ang mga ito.
"Sino bang nag imbita sayo?" she demanded.
He smiled, but the forbidding expression in his eyes didn't change. "Matagal na kaming magkakilala ng ama mo."
Mapanganib ang lalaking ito, ginamit pa ang kanyang ama, sa isip niya. But still there was something, some elemental force that drew her closer, even as she longed to move away.
"Ang ibig mo bang sabihin, na ang daddy ko ang nag invite sayo?"
"Who else?" anito habang nililibot ang paningin sa paligid. "Nasaan nga pala ang daddy mo?"
"Wala siya dito."
"I can see that. So, where is he?"
Pinagkrus naman niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib nang mapansin niyang nakatitig sa kanya ang lalaki roon. "He won't be joining us tonight." sagot niya.
"Baka ayaw sa mapapangasawa mo kaya hindi dumalo."
"That's not funny." angil niya sa lalaki. Pero tinitigan lamang siya nito.
Nang para na siyang matunaw sa mga titig nito. Tumikhim siya para lang ma divert ang atensyon nito. "Simula kasi nong nagka heart attack si daddy, hindi na siya--"
"Nagka heart attack ang daddy mo?"
Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya ito sa lalaking hindi niya ka anu-ano. Para lang kasing may nagtulak sa kanya na kailangan niya itong sabihin sa lalaki.
*****