Chapter 16 : Persistent

476 Words
TRUST   Parang tumalab naman sa puso niya ang sinabi sa kanya ni Mati patungkol sa ama nito. A heart attack, parang hindi yata niya ma imagine na ang isang katulad ni Luis Aragon na matatag at parang di matatablan ng kung anuman ay aatakihin lamang sa puso. Syempre, mortal na tao lang si Luis Aragon, sa isip niya. "Akala ko hindi siya matatablan ng--" hindi niya tinapos ang sasabihin dahil sa kuryoso siyang tinitigan ni Mati. "Mabuti nalang at nadala agad sa hospital si dad. He's doing great now, pero hindi pa siya pwede sa mga ganitong party. Gusto ko sanang i-postpone ang kaganapan sa araw na to hangga't hindi pa fully recovered si dad, but he insisted we go ahead with the plans." "So where is he?" "Nasa rancho namin." "Saan yon?" Parang nag-aalinlangan naman ang dalaga na sagotin siya. "Kung totoong matagal na nga kayong magkaibigan ni daddy, hindi mo na kailangang itanong ang mga bagay na yan." He flashed a smile and said. "Do me a favor and refresh my memory." "This is a ridiculous conversation," she said, turning away. "If you'll excuse me--" He grabbed her wrist. "Kailangan ko talagang makausap ang daddy mo." Parang pinukaw naman ang natutulog niyang sistema sa katawan nang mahawakan niya ulit ang dalaga. Napatingin si Mati sa pagkakahawak niya at nagpupumiglas ito. "Bitawan mo ako." "Hangga't hindi mo sinasabi sakin kung saan nagtatago ang ama mo, hinding-hindi kita bibitawan." "Nagtatago?" she pulled her arm away. "Pwes, hindi siya nagtatago. Sinabi ko na sayo, nandoon siya sa rancho namin." Well, naninibago lang talaga siya. The Luis Aragon that he'd known would have move heaven and earth to be at his daughter's side for her engagement party. Pero alam naman niyang hindi nagsisinungaling sa kanya si Mati. Kaya lang kailangan na talaga niyang makausap ang ama nito bago pa mahuli ang lahat. He looked at Mati. At nakita niyang tinitigan rin siya nito ng maigi. Kung alam lang nito, na ang taong kaharap niya ngayon ay ang taong nakasama niya sampung taon na ang nakalipas. Tingnan mo ako sa mga mata Mati, para makita mo kung sino talaga ako. Pero ito ang unang nag-iwas ng tingin, at labis siyang nasaktan don. It's better that way, sabi niya sa sarili. He had no time for complications and no stomach for confrontation. Wala naman talaga siyang kailangan kay Mati, maliban nalang kung ituro nito ang daan papunta sa kanilang rancho. Mas lalong lumakas naman ngayon ang tunog ng musika. Tuloy naalala niya ang pag alok niya sa dalaga na makasayaw ito. "Halikana sumayaw na tayo. Please, just one dance." pinapungay niya ang mga mata habang nakikiusap siya sa dalaga. "Para sa ama mo." "You're very persistent." Humakbang naman siya papalapit sa dalaga at nilahad ang kamay niya. "Just one dance," pangungulit parin niya. "Hindi naman siguro kalabisan yon, diba?" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD