Pagkatapos ng seremonya sa palasyo, agad kaming naglakbay kasama si Prinsipe Sawyer, ang grupo ng Ashes Army, at ang grupo ng Mossy Thorn Army papunta sa Flower Mountain. Dalawang araw na lang, magaganap na ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa. Habang kami ay nasa kalsada at naglalakbay sakay sa aming mga kabayo, huminto kami sa pagitan ng dalawang matataas na bangin. Agad namang nagbigay ng hudyat si Prinsipe Sawyer kay General Hector na mag-scout muna. Tahimik ang lugar kaya nilibot ko ang mata ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Pagkaraan ng ilang sandali, bumalik si General Hector mula sa pagsusuri at agad na nagsalita. "Your Highness, wala tayo dapat ipag-alala," diretsong sabi niya. Agad kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Flower Mountain. Pagd

