Napahinto ako sa aking ginagawang pagsasanay nang marinig ko ang boses ni Grover na nagsasalita sa hindi kalayuan sa akin. "Leader, andito ang hukbo ng palasyo," diretsong sabi niya na agad akong napatingin sa ilang miyembro ng Army na naglalakad malapit sa kinatatayuan ko. "Prinsesa Arranya, pinatawag ka ngayon ng Empress sa palasyo," diretsong sabi niya sabay abot sa akin ng ethics paper. Kinuha ko iyon sa kanya at binasa. "Sa anong dahilan kaya bigla akong pinatawag ng Empress?" tanong ko kay Chief General Finn. "Patay na si Prime Minister Frail sa kanyang selda kaninang umaga. Natagpuan siyang naliligo ng sarili niyang dugo, lahat ay suspect ngayon dahil sa nangyari sa kanya." "Prinsesa Arranya, sumama ka sa amin ngayon sa palasyo," diretsong sabi niya. "Okay, I will go with you,

