ROSY POV NAG—AASIKASO na ako para sa pagpunta namin ni Cheska sa mall. Kailangan kong bumili ng damit na magagamit ko sa farm nila uncle Nickel. Three days kami roon kaya three days ko rin siya aakitin. Naka—terno wear na lang ako na pants at saka ako lumabas sa walk—in closet ko, naka—sneaker ako na black and white. Paglabas ko ay bigla akong may narinig na kumakatok, kaya napalingon ako roon. “Miss Rosy, nandito na po si Miss Francheska.” May narinig akong boses mula sa labas ng room ko. Kaya nagmadali na akong kumilos, kinuha ko ang aking phone at nakita ko ang message si Cheska. Cheska: Rosy, Iʼm here! Lumabas ka na dʼyan! Nang mabasa ko iyon ay lalo akong nagmadali sa pagkilos at nilagay ang aking phone and wallet sa sling bag na dala ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko s

