ROSY POV KINABUKASAN, nagising akong may saplot na ako sa aking katawan. Bumangon ako sa kama at pumasok sa bathroom para makaligo na ako. Tumapat ako sa shower nang matanggal ko ang aking saplot at naligo na rin ako hanggang makaramdam ako ng gutom. Pumasok ako sa walk—in closet at nagbihis na ako. “Nagugutom na ako.” I murmured at napahawak sa aking tiyan nang kumalam na naman iyon. Lumabas na ako sa room niya at nasa hagdan pa lang ako nang maamoy ko ang mabangong amoy na iyon. Napahawak ako lalo sa aking tiyan nang umingay muli iyon. “Nagugutom na talaga ako.” Sinundan ko ang amoy na iyon hanggang nakababa na ako at dinala sa dining area niya, doon ay nakita si uncle Nickel na nasa tapat ng kalan. “Ang bango!” bulalas na sabi ko nang maamoy ko ang familiar na amoy na iyon. Napal

