CHAPTER 6:SPG

1729 Words
ROSY POV “ARE you sure na hindi kita hihintayin dito, Rosy?” pagtatanong ni kuya Ali nang dumating kami sa Trinity Mall. Umiling ako sa kanya. “Hindi na po, kuya Ali. Ayos lang po talaga ako.” Napatingin ako sa wristwatch ko, 11:15AM na. Na—traffic kami sa daan at mabagal kumilos si kuya Ali. Hindi ko ba alam kung sinasadya niyang bagalan ang kanyang kilos. “Tsk, okay! Kung magpapasundo ka na, chat or call me para mapuntahan agad kita, Rosy, okay?” bilin niya sa akin. “Copy, kuya Ali! Bye, ingat sa pagda—drive, what I mean, good luck sa pag—i—stalk,” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita ko ang mga mata niyang naningkit na naman. “Just kidding!” sabi ko sa kanya at kumaway na sa kanya. Lumakad na lang ako papasok sa loob ng Trinity Mall, nakita ko ang paligid na marami—rami na rin ang tao sa loob. Lumakad ako papunta sa Cade Me Crazy kung saan kami magkikitang dalawa. Dumating ako sa restaurant, kinausap ko ang isang staff at sinabi ang aking reservation for two kaya pumasok kami sa loob at pumunta sa table na iyon. Napatingin ako sa paligid nang makitang may iilang tao na rin na nandito, mukhang couples din sila. “Maʼam, ilalabas na po ba namin ang order ninyo?” Napataas ang tingin ko nang makita ang nakausap kong staff na babae. “Um, mamaya na lang. Can I have a sparkling soda? Iyon muna ang iinumin ko,” sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin at muling umalis sa harap ko. Napa—check ako sa aking phone, nakita kong 11:46 naʼng tanghali. “Nasaan ka na ba, Stephan?” tanong ko sa aking sarili at lumingon sa pinto. Tinignan ko ang message namin, nandoon pa rin ang chat niya kanina na see you later, pero until now ay wala pa rin siya. Rosy: Stephan, where are you? Nandito na ako sa Cade Me Crazy, okay? Iʼm still waiting for you. Chat ko muli sa kanya at muling bumalik ang staff para bigyan ako ng sparkling soda. Ngumiti ako sa kanya at ininom ito, nanunuyot na ang aking lalamunan. Bumibilis ang takbo ng oras. Nakita kong 12:30PM na, isang oras na siyang late. “Maʼam, i—se—serve ko po ba ang food ninyo?” tanong niya sa akin. Napatingin ako sa hawak kong phone. “Um, kalahating oras pa. Kalahati pa. B—baka dumating na rin iyong kasama ko,” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita ko ang alinlangan sa kanyang mukha. “Okay po, Maʼam. Balik na lang po ako kapag kalahating oras na.” Tumango ako sa kanyang sinabi. Rosy: Stephan, where are you? Kanina pa ako rito sa Cade Me Crazy. Hindi mo naman siguro nakalimutan ang date natin, right? Napalunok ako habang mabilis na kumakabog ang aking dibdib. Mga ibang kasabayan ko kanina ay nakaalis na at ang ibang kasama ko ngayon ay mga bagong dating. Hindi ko alam pero ang aking kamay ay pumunta sa newsfeed ko para pamatay oras, pero mukhang mali ang nagawa ko. Nakita ko ang post ng ka—team niya, naka—tag siya roon. I gasped nang makita kong nanonood siya ngayon ng semi—finals ng soccer. “What the?” bulalas kong sabi kaya napatingin sa akin ang ibang kumakain. Nahiya ako sa ginawa ko kaya ngumiti ako nang malaki at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nakalimutan ba niya ang date namin? No, hindi niya nakalimutan ang date namin. Ilang beses akong nagpaalala sa kanya about our date. Kaya impossible talagang nakalimutan niya. Nanginginig ako sa galit ngayon habang nakita kong masaya siya kasama ang kaibigan and ka—team niya. I bit my lower lip habang pinipigilan kong umiyak dito sa restaurant na ito. Tinaas ko ang aking kamay kaya napatingin sa akin ang Waitress. “Yes, Maʼam?” tanong niya nang makalapit siya sa akin. “Um, kunin ko na iyong food ko but iyong isa... Pakibalot na lang, take out,” nakangiting sabi ko sa kanya habang nakangiti nang malaki. Nakita ko ang mukha niyang nagtataka. “Okay, Maʼam. Dadalhin ko na agad.” Nakayukong sabi niya at umalis na muli sa aking harapan. Pinipigilan ko talagang hindi mapaiyak. Dumating ang food ko at maging take out na food dapat ni Stephan. Mabilis ko iyon kinain, hindi ko pinapansin ang ibang customer na pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ngayon at maging ang Waitress na nagse—serve sa akin. Kaya halos wala pang sampung minuto nang maubos ko ang aking pagkain, hindi ko na kinain na ang aking dessert. Basta na lang ako umalis doon habang dala ang paper bag na may dalang take out food ni Stephan. Mabilis akong naglakad paalis sa restaurant na iyon habang mahigpit ang hawak ko sa bagay na ito. Nag—book ako ng car at dumating din iyon, sumakay ako roon habang hinahawakan pa rin ang luhang tutulo sa mukha ko. Nakita kong 1:30PM na sa aking wristwatch, ilang oras akong naghintay. Ilang oras akong nagmukhang tanga. Tapos malalaman kong nasa soccer games siya ngayon. Wow! Pinagmukha niya akong tanga. Naabutan pa ako ng traffic sa daan kaya nakarating ako sa bahay bandang 2:34PM. Nagbayad na ako sa sinakyan ko at pumasok sa loob ng bahay namin, pero ganoʼn na lang ang gulat nang makita si uncle Nickel sa may sofa. “Oh, bakit napaaga ang uwi mo? Alam kong date ninyo ni Stephan, Rosy?” tanong niya sa akin. Hindi ako nakakibo sa kanyang tanong. “Alam ko na kung bakit nandito ka agad? Nasa soccer game ang pamangkin—” Hindi ko pinatapos ang kanyang sasabihin nang lumakad ako papunta sa kitchen para ilagay itong pina—take out kong pagkain, ibibigay ko na lang sa kasambahay namin. “Ate, sa inyo na lang po ito.” sabi ko sa isang kasambahay namin at tinaguan niya ako. “Salamat po, Miss Rosy.” Ngumiti ako sa kanya at lumingon sa aking likod para makapag lakad naman papunta sa second floor, sa mismong room ko. Pero, hindi ko alam kung bakit sinusundan ako ni uncle Nickel. Hinayaan ko lamang siyang sundan ako. Bakit ba nandito ang isang ito? Nasaan si kuya Richard? Paniguradong nandito rin siya dahil nandito si uncle Nickel. “Am I correct? Kaya ka ba nandito dahil ka sinipot ni Stephan sa date ninyo?” Narinig ko na naman ang sinabi niya. Teka lang, ha? Paano niya nalaman may date pa kami ng pamangkin niya? Ah, sinabi siguro ni kuya Richard sa kanya. Boto siya sa isang ʼto. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang binuksan ko na ang pinto ng room ko, isasarado na sana ang pinto nang humarang siya roon. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. “What? Pʼwede bang umalis ka dʼyan, uncle Nickel! Magpapahinga po ako!” madiin na sabi ko sa kanya. “Magpapahinga? Na—stress ka ba? Naghintay nang matagal sa pagdating ni Stephan pero nalaman mong nasa soccer game pala siya today?” tanong niya sa akin at pinakita ang kanyang phone sa akin. “Nag—myday siya ngayon—ngayon lamang. Masaya siyang kasama ang friends and teammates niya. While ikaw, naghihintay sa isang restaurant na siputin ka niya. Hindi ka niya sinipot. Ilang oras kang naghintay sa kanya?” dagdag niyang sabi habang nagpi—play sa harapan ko ang kanyang phone. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang naririnig ko ang pag—cheer sa background ng myday na iyon, lumulutang ang boses niya video na iyon. Huminga akong malalim. “Ha! Alam mo naman pala, uncle Nickel. Kaya pʼwede ka ng umalis po sa kʼwarto ko. Magpapahinga pa ako,” madiin na sabi ko muli sa kanya. Nakita ko ang paghakbang niya papasok sa loob ng room ko, narinig ko ang pagsara ng pinto. “W—what are you doing? Get out to my room!” malakas kong sabi sa kanya pero hindi siya nakinig sa akin. “Ilang oras ka niyang pinaghintay, Rosy?” Nag—iba ang tono ng kanyang boses, nakatatakot. Napalunok ako sa klase ng kanyang titig sa akin, isama pang hinawakan niya ang aking baba at pinatingin niya ako sa kanyang mukha. “Ilang oras ka niyang pinaghintay?” ulit niyang tanong sa akin. “Um, t—three hours? I guess,” nauutal kong tanong sa kanya. Hindi ako sigurado kung ilang oras, pero dumating ako roon bandang eleven. Na—traffic lang naman ako kaya natagalan ako sa labas. “f*****g three hours, really? Thatʼs brat!” madiin niyang sabi at nagulat ako nang halikan niya ako sa aking labi. Namilog ang aking mga mata sa kanyang paghalik sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang labi sa aking labi. Hindi ko alam pero kusang gumalaw rin ang aking labi. Napahawak ako sa kanyang batok habang lumalalim ang aming halikan na dalawa. Nalulunod ako. Sunod kong naramdaman ay pagpwersa niya sa kanyang dila na pumasok sa aking bibig kaya doon ay nahimasmasan ako, hindi lang iyon dahil napiga niya ang kanang dibdib ko kaya tuluyan ko siyang tinulak. Hinihingal ako nang mapigilan ko ang halikan namin. Nakatitig ako sa kanya, nakita ko ang mata niyang walang pag—aalinlangan sa ginawa niyang paghalik sa akin. “f**k!” malutong na mura niya habang nakatingin sa aking mga mata. “G—get out! You need to get out!” malakas kong sabi nang magising ako sa nangyari sa aming dalawa. Mabilis akong kumilos, binuksan ko ang pinto ng room ko at tinitigan siya. “Get out!” muling sabi ko sa kanya habang nakaturo sa labas ng room ko. Nakita ko kung paano humaplos ang kanyang kanang kamay sa buhok niya. Alam kong nagpipigil siyang may sabihin sa akin. Nakarinig na lang ako ng buntong hininga at lumabas na rin siya sa kʼwarto ko. Nang makalabas siya ay sinarado at ni—lock ko ang pinto. Napaupo ako sa likod nuʼn habang iniisip kung paano at bakit nangyari ang halikan naming dalawa ni uncle Nickel. Sinagot ko ang kanyang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD