ROSY POV
TOMORROW is our date, Stephan and I. Chineck ko muli ang aking phone and tinignan ang message namin ni Stephan.
Rosy:
Stephan, donʼt forget tomorrow.
Our date.
We will meet at Trinity Mall, okay?
Cade Me Crazy by 11:30AM, okay?
Sharp iyon, Stephan.
See you tomorrow!
Chinat ko muli siya dahil puro lang siya like and okay ang sine—send sa akin.
Pumasok ako sa walk—in closet ko at chineck ang gagamitin ko muling dress, a hot red dress na hanggang sa aking itaas na tuhod with may maong sleeve jacket. Iyon ang ayos ko bukas sa aming date.
This is my first time na pupunta sa date sa tagal naming magka—relasyon ni Stephan. Kaya everyone doesnʼt know about us, me being his girlfriend.
Lumabas na ako sa room ko para bumaba at kumain ng early dinner, hindi pa ako kumakain ng meryenda ko. Iniiwasan ko si Mom dahil sa paulit—ulit niyang pagpapaalala sa akin na dalhin si Stephan sa mamahaling restaurant at bilhan siya ng mga gamit pang—soccer niya.
Hindi ba naaalala ni mom na ako ang babae at hindi ako ang lalaki? Dapat si Stephan ang pinapaalalahanan niya about this at not me. Siya iyong lalaki at hindi ako.
“Rosy! Finally, bumaba ka na rin! Kanina pa kita hinihintay na bumaba, iha!”
Napahinto ako nang marinig ang boses ni mom. “What the? Bakit nandito siya sa ibaba ngayon? Hindi pa naman dinner, kaya nga maaga akong kakain ng hapunan para hindi ko siya masabayan mamaya,” bulong ko sa aking sarili.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso. “Rosy, alam mo na ba kung saan mo dadalhin si Stephan? Tomorrow na ang date ninyo, right?” Nakangiting tanong niya sa akin.
“Um, mom, bakit ako ang mag—iisip kung saan ko siya dadalhin? Dapat siya ang mag—isip dahil siya ang lalaki at siya ang nagyaya sa akin na makipag—date bukas at hindi ako,” sabi ko sa kanya.
Naiinis na ako sa paulit—ulit niyang sinasabi.
“Rosy! Ano naman kung lalaki siya, ha? Wala siyang alam about sa date na iyan dahil naka—focus siya sa kanyang soccer kaya dapat ikaw na mag—isip!”
Napasinghap ako sa kanyang sinabi. “Mom, naririnig mo ba ang sinasabi mo? He can search about that, or pʼwede siyang magtanong sa mga friend niya kung saan kami pʼwedeng magkitang dalawa. Lumalabas nga siya with his friends kaya impossible na wala siyang alam about sa date!” asik ko sa kanya. “And, I repeat, siya ang nagyaya sa akin makipag—date at hindi ako.” dagdag na sabi ko sa kanya.
“Ikaw man ang nagyaya or siya, ikaw pa rin humanap kung saan mo siya dadalhin, Rosy! Kaya saan mo siya dadalhin?”
Nakatitig ako ngayon kay mommy habang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
“Whatʼs happening here?”
Napalingon kami nang may marinig na boses, nakita namin sina dad, kuya Richard and kuya Ali na galing sa company namin. May business kaming Restaurant and body essentials, sila ang namamahala and si mom lalo na ang business niyang for body essentials.
“Si Rosy! Tinatanong ko siya kung saan niya dadalhin si Stephan tomorrow para sa date nila,” sabi ni mom sa kanila.
Umikot na lang ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
“Mom, why are you asking Rosy about that? Stephan is the man so he should be the one to think about their date,” saad ni kuya Richard.
Ganyan din ang sinabi ko sa kanya, kuya Richard.
“Argh! Pare—parehas kayo ng mga ugali! Kanino ba kayo nagmana, ha? Ah, sa dad ninyo!” matinis na sabi niya at tinignan si dad. “Rainer, dahil sa iyo ito! Nakuha nilang lahat ang ugali mong ganyan! Makasarili!” malakas niyang sabi sa akin.
“Alison, donʼt say that, okay? Tama naman ang sinabi ni Richard, dapat si Stephan ang nag—aasikaso sa date nila at hindi si Rosy. Babae ang anak natin, Alison!”
“Babae? Yes, she is! Pero, walang alam si Stephan about sa date dahil naka—focus siya sa soccer. Sana naiintindihan niyo iyon! Bakit ba pakiramdam ko ay ayaw ninyo kay Stephan!”
Lumalakas na naman ang boses niya.
“Hindi namin ayaw kay Stephan, Alison. Sadyang hindi lang siya nag—e—effort kay Rosy. Nakitaan mo ba siyang nagdadala ng kahit si Stephan para sa anak natin?” tanong ko sa kanya.
“Busy nga siya sa kanyang soccer career. Sana naiintindihan ninyo iyon lalo ka na Rosy!” sabi niya sa amin.
Kami na naman ang mali.
Huminga akong malalim. “Okay, ako na mag—se—search kung saan ko dadalhin si Stephan tomorrow,” sukong sabi ko para hindi na muli mag—away—away sina mom and dad.
“Dapat noong una pa lang ay sinabi mo na agad! Hindi ka na ako kakain ngayong gabi Nawalan na ako ng ganang kumain!” malakas niyang sabi at umakyat na sa itaas.
Kasalanan ko na naman.
Narinig namin ang mabigat niyang paa na umaakyat sa second floor, talagang pinaparinig niya sa lahat.
“Rosy, huwag mong pansinin ang mom mo, okay? Hayaan mong magalit. Hindi mo kasalanan kung bakit nagalit siya. Donʼt be sad, okay?” Tinapik ni dad ang aking balikat at ningitian niya ako. Nakita kong umakyat na rin siya pa—akyat sa second floor, mukhang kakausapin niya si mom.
“Hey, Rosy, huwag kang magpapa—apekto kay mom, okay?”
“Kuya Richard is right, Rosy. Hayaan mo si mom. Tapos ang Stephan na iyon ay dalhin mo sa turo—turo!” sigaw ni kuya Ali at umakyat na rin siya papunta sa second floor.
Ako na lang ang naiwan dito kaya lumakad na ako papunta sa dining hall para kumain ng dinner. Mauuna na ako sa kanila dahil ayokong makasabay si mom, ayoko.
Nang matapos akong kumain ay mabilis akong umakyat sa room ko, chineck ko ang aking phone kung may reply ang Stephan na iyon, luckily, mayroʼn naman.
Stephan:
I know.
Donʼt worry, sisipot ako, Rosy.
Nakahinga ako nang maluwag sa reply niyang iyon. Kaya nagreply muli ako pabalik.
Rosy:
Okay! See you tomorrow!
Binaba ko na muli ang aking phone. Kinakabahan ako para bukas dahil iyon talaga ang first ever date ko simula ng ma—engage kaming dalawa when we are 15 years old.
15 years old, now we are 20 years old.
Five years na kaming engaged.
Kailangan ko ng matulog para bukas ay fresh ako. Sana maging maganda ang kalabasan ng date naming dalawa.
Kinabukasan, nagising ako ng bandang 8AM. Naligo na ako, nag—asikaso at sinuot ang aking red dress. Naglagay rin ako ng make—up sa aking mukha, light lamang. Nagsuot din ako ng earrings, necklace, bracelet and rings. Hindi ako nag—aayos ng aking sarili at nagsusuot ng accessories, ngayon lang dahil first ever date namin ni Stephan.
Huminga akong malalim habang nakatingin sa full body mirror na nasa harapan ko ngayon. Umikot pa ako at hindi naman maikli ang dress na suot ko ngayon. Hindi lang iyon, hindi rin gaanong daring. Okay siya for semi—occasion. Sinuot ko na rin ang jacket ko at lalong bumagay sa aking suot na dress, naka—heels din ako ng half inch lamang.
Lumabas na ako sa walk—in closet nang makita kong 9:45AM na. Kaya nagmadali akong kumilos. Kinuha ko ang aking phone and wallet, napansin ko ang message ni Cheska, binuksan ko muna iyon.
Francheska:
Hey, Rosy!
Today is the date, right?
Date ninyo ni Stephan?
Sana maging maganda ang date ninyo, ha?
Sana bumawi man lang ang sigbin na iyon.
Anyway, chinat lang kita para suportahan.
Bye! Love lots!
Napangiti ako nang mabasa ang message na iyon.
Rosy:
Yes, it is.
Naka—ready na ako.
This is me today, Cheska!
Ayos lang ba ang suot ko? Hindi ba masyadong daring?
Hot red dress, heto iyong gift mo sa aking last year. Hindi ko aakalaing magagalit ko siya today.
Reply ko sa kanya at sinend ang mirror selfie ko kanina.
Inipit ko ang ilang hibla ng aking buhok sa magkabilang tenga ko. Hihintayin ko sana siyang mag—reply pero mukha hindi siya magre—reply kaya pinasok ko na lang ang phone sa dalang sling bag at lumabas na rin.
“Good morning, my pretty sister!”
Napalingon ako nang makita ko si kuya Ali. “Good morning too, kuya Ali! Pʼwede mo ba akong ipag—drive papuntang Trinity Mall?” tanong ko sa kanya habang nasa harap ako ng hagdan.
Nagsalubong ang kanyang magkabilang kilay. “Trinity Mall? Why? Hindi ka ba susunduin ng gagong iyon?” baritonong tanong niya sa akin.
“Um, ako nagsabi na roon kami magkita na dalawa. Sa Cade Me Crazy kasi kami kakain ng lunch,” sabi ko sa kanya.
I heard his tongue click. “Tsk! Ikaw, talaga ang nag—isip, ha? Okay, ihahatid kita sa Trinity Mall. Wala naman akong gagawin today.” Lumakad siya palapit sa akin. “Gusto mo bang hintayin kita? Baka hindi sumipot ang gagong iyon.”
Umiling ako sa kanya. “Hindi na, kuya Ali. Paniguradong sisipot ang isang iyon kaya ayos lang ako roon, kuya Ali. And, nalaman ko kay kuya Richard na may hinahabol kang girl, right? Sundan mo na lang iyon,” sabi ko sa kanya.
Tinitigan niya ako nang mata niyang singkit. “Madaldal talaga ang Richard na iyon. Hindi ko hinahabol ang isang iyon, may atraso sa akin. Nabangga niya iyong kotse gamit ang e—bike niya kaya sinusundan ko at baka hindi ako bayaran sa pagpapagawa,” sabi niya sa akin at naunang bumaba.
Hindi bayaran? Alam kong may insurance ang kotse naming lahat.
Naku, baka natamaan na ang cold kuya Ali ko.
Sana maging si kuya Richard din.