CHAPTER 4

1802 Words
ROSY POV “SUMAKIT na naman ang tenga mo dahil kay mom, Rosy. Kaya kung ako sa iyo lumaban ka na or sabihan si mom kung ano ang hindi magandang ginagawa ng Stephan na iyon.” Nilingon ako ni kuya Ali habang nag—da—drive sa papunta sa Lazaro University. Napagsabihan na naman ako ni mom kaya habang kumakain ako ng breakfast ay boses niya ang naririnig, nagsasawa na ako. Huminga akong malalim at napabuntong hininga. “Sanay na ako, kuya Ali.” “Lagi ka lang ba masasanay, Rosy?” Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi. “See? Hindi ka makasagot sa sinabi ko. Better kung sabihin mo sa Stephan na iyon na tigilan ka na at sabihing siya na mismo ang makipaghiwalayan sa iyo,” madiin na sabi ni kuya Ali sa akin. “I know, kuya Ali. I will do that.” Huminto ang sinasakyan kong kotse nang makitang nandito na kami sa Lazaro University. “You should do that, Rosy.” Tumango ako sa kanya. “Bumaba ka na at baka mahuli ka pa sa class mo.” dagdag niyang sabi sa akin. Binuksan ko na ang pinto sa passenger seat at lumabas na ako. Ayoko ng marinig tungkol sa Stephan na iyon. Lumakad na ako papasok sa loob ng campus at heto na naman ang pamilyar feeling kapag pumapasok ako, nakatingin sila sa akin. Huminga na lang akong malalim habang diretso ang lakad ko. Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa mga tingin nila sa akin, kaya imbis na pupunta pa ako sa canteen para bumili ng sandwich, hindi na ako tumuloy. Naka—akyat na ako sa classroom namin, sa third floor ng education building. Nakita kong wala pa rito si Cheska, paniguradong late na naman siyang darating. Habang wala pa si Cheska ay inayos ko muna ang ipapasa naming requirements ngayong araw. Kaya pumasok kami ay para rito after this ay pʼwede na kaming hindi pumasok dahil summer na. Habang busy ako sa pag—aasikaso sa aming requirements ay nagulat ako nang makitang umiilaw ang aking phone. Tinigil ko muna ang ginagawa at chineck iyon, ang akala ko ay si Cheska ang nagchat, pero si Stephan pala. Stephan? Anong pakay niya sa akin? Hindi naman siya nagcha—chat kung wala siyang kailangan sa akin. Mostly, ako ang unang nagcha—chat sa kanya. Chineck ko ang aking phone at pinindot ang message niya sa akin. Stephan: Hello, Rosy! Are you busy this week? Saturday exactly. Can we date? Nanlaki ang aking mga mata at kinusot ko pa ito at baka mali lang ang nabasa ko pero iyon talaga ang chinat niya sa akin. Rosy: A date? This Saturday? When and where? Hindi ko mapigilang mapausbong nang malaki ang aking labi. First time niya akong niyayang mag—date. First time ito kaya hindi ko mapigilang mapangiti talaga. “Hey, Rosy? Bakit kinikilig ka naman, ha? Anong mayroʼn, aber?” Nawala ang tingin ko sa aking phone nang mabasa ko ang chat ni Stephan sa akin. Hind ko napansing nasa gilid ko na si Cheska. “Ah, nandito ka na pala, Cheska. Um, niyaya ako ni Stephan na mag—date this Saturday,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang hindi makapaniwala. “Date? Kayong dalawa, really?” tanong niya sa akin. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Yeah. Look at this,” saad ko at pinakita ang aking phone. “See? Mag—date raw kami this Saturday.” pagpapatuloy na sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang aking phone at tinitigang mabuti iyon. “Ah, itʼs real. Ano naman kaya nakain ng isang ito at niyaya kang i—date? Sa tagal kong kakilala ka, this is the first na niyaya ka niya, ha? Amazing! Ano kaya talaga ang nakain niya, ano?” Naiiling na sabi niya at binalik ang phone sa akin. Tinignan ko siya kung paano siya naupo sa kanyang upuan. “Pupunta ka sa date na niyan? Hindi pa nagre—reply muli sa iyo, ha? Baka i—date ka niyan sa soccer field! Kumain sa soccer field food habang pinapanood ang laban. Naalala kong may semi finals tomorrow ng soccer dito sa Pilipinas.” Nagulat ako nang ipakita niya sa akin ang kanyang phone. “See? Semi—finals bukas. Baka dito ka niya dalhin.” “At least, date?” Tumaas ang kilay niya sa akin. “Date? Matatawag bang date niyan, ha? Ang date dapat ay sa isang fancy restaurant at hindi sa katulad ng soccer field, ano. Ang init—init doon, Rosy. Manunuyot ang balat mo, okay? Hindi lang iyon baka ma—haggard ang pretty face mo,” sabi niya sa akin. “Kaya huwag kang pumayag na doon kayo mag—date, okay? Pilitin mong mag—date kayo sa isang fancy restaurant, Rosy. Deserve mo ang bagay na iyon, okay? Kaya pilitin mo roon ka dalhin at hindi sa isang soccer field.” Tinapik pa niya ang aking braso para sumang—ayon ako sa kanya. “Oo na. Ipipilit kong sa isang fancy restaurant kaming pupunta,” sabi ko sa kanya para maniwala siya sa akin. “Dapat lang, ano! Teka, ano ba niyang nasa desk mo?” Ningitian ko siya nang malaki. “Requirements natin ngayong last semester as being third year student. Kaya tulungan mo ko. Ako na nga gumawa rito kaya—” “Oo na, Rosy. Heto na nga, oh. Tutulungan na kita,” sabi niya sa akin at inayos itong requirements namin para pʼwede na kaming hindi pumasok. Naging mabilis ang ikot ng orasan kaya heto ay sinundo na ako ng driver namin, walang ibang susundo sa akin. Nakatingin lang ako sa right window habang iniisip kung saan talaga kami pupunta sa mismong date namin ni Stephan. Wala pa akong ideya. Nang makauwi ako sa bahay ay unang sumalubong sa akin ay si mom. Nakita ko ang ngiti niyang malaki. “Finally, you are here, Rosy. I heard about Stephan na niyaya mo siyang magdate this Saturday. Mabuti naman kung ganoʼn. Kailangan din ni Stephan na magpahinga,” sabi ni mom sa akin. Tumaas ang kanang kilay ko sa kanyang sinabi. “Huh?” takang tanong ko sa kanya. “I said na niyaya mo pala si Stephan na makipag—date this Saturday. Are you deaf, Rosy? So, saan mo siya dadalhin this Saturday? Huwag sa soccer field, okay? Enough the soccer field. Ilayo mo naman siya roon. Iʼll give you my card para dalhin siya sa iba, okay?” Nakangiting sabi ni mom sa akin. Wala akong maisagot dahil iba yata ang nalaman niya. Mom, si Stephan ang nagyaya sa aking makipag—date at hindi ako. Tumango na lang ako sa kanyang sinabi at umakyat na lang ako sa aking room. Sinarado ko ang pinto ng aking room at tinanggal ang bag ko. Naupo ako sa gilid ng aking bed habang iniisip ang sinabi ni mom sa akin kanina. “Ano ang totoong pinarating ni Stephan kay mom? Bakit sinasabi ni mom na ako ang nagyayang makipag—date sa kanya. Bakit ganoʼn ang sinabi niya?” Kausap ko sa aking sarili kaya kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Cheska. Gusto kong malaman ang reaction niya rito. Nagrequest ako ng video call sa kanya, sana nga lang ay hindi pa niya kasama ang kanang Ninong Xeron, boyfriend niya iyon. “Oh, hello, Rosy! Namiss mo ba agad ako? Grabe naman ang best friend ko, sobrang miss agad ako. Donʼt worry ikaw lamang ang best friend ko, okay? Kahit kasama ko si Ninong Xeron ngayon, nasa kitchen siya and pinaglulutuan niya ako ng favorite kong tuna pasta,” madaldal niyang sabi sa akin. “Nice. Thatʼs great, Cheska.” “W—wait! I feel like you have a problem, Rosy. What it is?” tanong niya sa akin. Naramdaman niya agad na may problema sa akin. Ganito siguro kapag magkakilala na kami simula pagkabata kami. “Um, yeah, I have a problem... A lot, Cheska.” “Ano na naman ang problema mo, Rosy? About sa mom mo? Or, kay Stephan na hindi matutuloy ang date ninyo this Saturday?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Nope. Matutuloy yata ang date namin, naka—depende sa akin kung saan kami pupunta,” sabi ko sa kanya. “Ano naman problema roon, Rosy? At least, ikaw ang magde—decide kung saan kayo pupunta this Saturday. Huwag kang pumunta sa soccer field, kahit ipilit niya—” “Cheska, what I mean... Akala ni mom ay ako ang nagyayang makipag—date kay Stephan this Saturday. Iyon ang sinabi niya sa akin nang makauwi ako kanina. I should date Stephan sa ibang place, na walang kinalaman sa soccer field, ganoʼn. Kaya I was shocked nang malamang ganito ang pagkasabi niya sa akin. Naguguluhan ako,” paliwanag ko sa kanya. “Ano? Sinabi ng sigbin na iyon na ikaw ang nagyaya ng date this Saturday? Wow! Ang lakas ng apog, amputa!” malakas niyang sabi sa akin. “Um, yeah, ganoʼn nga.” “Tsk! Hindi ako makapaniwala sa sigbin na iyon. Ayaw niya talagang umeepal, ano? Like, ayaw niyang ipakitang siya ang naghahabol sa iyo kaya pinapakita niyang ikaw ang naghahabol sa kanya. Wow! Huwag mong ituloy na niyang date ninyo, Rosy. Huwag na!” madiin niyang sabi sa akin. “Mapagagalitan ako, Cheska. Momʼs know na ako ang nagyaya. Alam mo naman ang ugali niya. Sinabi pa nga niyang kunin ko ang kanyang card para iyon ang gamitin ko to our date.” “Parang mas anak pa niya ang Stephan na iyon kaysa sa iyo. Ituloy mo niyang date ninyo ni Stephan then ikaw ang mamuno. Ikaw humawak sa card ng mom mo, okay? Then, mag—shopping ka with your Momʼs card at dalhin ang sigbin na iyon sa fancy restaurant. Ikaw ang mamuno at hindi ang sigbin na iyon, Rosy, okay?” madiin niyang sabi sa akin. “Copy, Cheska. I will do that. Ako ang magcha—chat sa kanya kung anong oras kami mag—da—date this Saturday. Sinabi naman niyang ako ang nagyaya, right? Kaya ako ang masusunod.” “Ganyan dapat, Rosy. Be an alpha, okay? Wait, I need to hang up this. Papunta na si Ninong Xeron ko. Bye! Good luck sa date ninyo ng sigbin na iyon, okay? Balitaan mo ko, bye!” “Bye!” Binaba na niya ang video call namin at ako naman ay nilapag ang aking phone sa side table ko. Be an alpha. Okay, Iʼll do that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD