CHAPTER 3

2110 Words
"Ano nga ang ginagawa nyo dito na nakapatay ang ilaw? ayun ang tanong ko" sabi ko sabay ngiti ng may malisya. "Nag papahinga lang, paalis na dapat" tamad na sabi ni geon sabay bunting hininga. "Salamat nga pala kanina lili ha, medyo kulang lang yata talaga sa atensyon yun si Morgan palibhasa anak mayaman laging mag isa" sabi naman ni monti. Mukhang nakalimutan na nya ang nangyari noong isang araw ah pero okay lang medyo nakakasawa naman rin kasing kaaway sya, mukha naman kasing nice sya medyo na judge ko lang sya ng kaunti at kasalanan ko rin naman eh. "Lizzie" pag tatama ko sakanya. "Ano ka ba kulang talaga sa atensyon yun. Yung nag kita nga kami sa manila iniwanan sya sa ere ng friends nya nung pinutol ni mayor yung card nya eh tapos tinanggalan sya ng alipores ng isang buwan" sabi ko sabay tawa. "Bakit parang natutuwa kapa?" Sabat naman ni mari. "Natutuwa talaga ako paano ba naman kasi naturuan sya ng leksyon ng dad nya, at bago pa mangyari yun nag kaingkwentro kami sa cafeteria niyayabangan nya pa ako ng luho nya hindi naman ako nainggit" sabi ko sabay halakhak. "Hindi ba gabi na uuwi pa rin ba kayo?" "Malamang!" Ang sungit talaga ng geon na to konti na lang iisipin ko ng may gusto to saakin. "Bakit hindi na lang kayo dito matulog? Lalo na at medyo malayo ang bahay ni mari kumpara sa inyong dalawa... Delikado" "Nakakahiya sa donya. Binigyan na nga kami ng trabaho tapos makikitulog pa kami dito" "May guestroom maraming guestroom sa bahay na to, mga walang laman kaya pwedeng pwede kayo kahit tag iisa pa kayo. Tsaka gusto ni tita donya na may mga natutulog dito para naman may silbi yung mga kuwarto." Sabi ko at pinilit sila na sumunod saakin. "Saan kayo nag ta trabaho?" "Sa donya" sabay na banggit nila ni geon at monti. "Nakaakyat na kayo sa pangatlong palapag?" Tanong ko. Mukhang masarap silang dalhin sa pangatlong palapag. "Hindi, ipinag babawal" "Gusto nyo?" "Ang utos ng donya ay susundin namin Lizzie" bumuntong hininga ako sabay hakbang sa unang palapag ng hagdan papuntang ikatlong palapag. Masama ang tingin nilang tatlo saakin nung binlingan ko sila ng tingin nung nasa gitna na ako ng hagdan. Sinenyasan ko sila at kahit medyo nag hesitant sila umakyat parin sila mukhang gusto rin tignan kung ano ang meron sa itaas. Binuksan ko ang ilaw para makakita kami sa palapag na iyon. "Alright, see wala namang nakakatakot dito eh masyado lang kayong matatakutin at... Masunurin." hindi nila ako pinansin dahil namangha na sila sa mga paintings na nakasabit at mga antique collections ng mga Lolo ko. "Nakaka amaze naman dito Lizzie" mukhang namangha sila sa mga kagamitan. "Sino sila?" Tanong naman ni geon habang nag papabalik balik sa mga paintings at antiques. "Mga great great grandparents namin yan" sabi ko at pinuntahan ang isang pinaka malaking paintings na nakasabit sa may bandang dulo ng hallway. "Tignan nyo ito" pag tawag ko sa atensyon nila. "Sino sya? Kamukha sya ni sir Teodoro" sabi ni mari at halos hindi maialis ang mata sa painting. "Ang taong nag umpisa sa lahi namin si zihan Fu go, sabi nila binata daw sya nung bumisita sa pilipinas ng mga early 19th century para daw sana makipag sosyo sa mga ibang negosyante pero hindi na bumalik sa china noong makilala nya ang great great grandmother ko." At itinuro ko sakanila ang katabing painting. Kamukha ni china ang great great grandmother namin pero may pag ka morena ang lola at si china naman ay mistisa katulad ng Lolo. "Lizzie, bakit kamukha mo sya" malakas ang pag kakasabi ni geon galing sa malayong bahagi kaya narinig namin. "Sya ang grandmother ko galing sa side ng mother ko" "Eh bakit nandito?" Si monti. "Mahabang kwento pero ang alam ko dating mag kasintahan ang Lolo at sya pero hindi sila nag katuluyan... Ang Lolo ko ang nangulekta ng lahat ng mga ito at nagulat na nga lang daw sila dad at tita kung bakit nandito ang painting ng tita ni mommy." "TOTGA" "Kamukhang kamukha mo Lizzie!" Nginitian ko na lang sila at ilang minuto pa ang itinagal namin duon bago namin napag disiyunang bumaba na dahil gumagabi na rin. Bago kami makababa nakita na namin si tita donya, nag hintay siguro. Medyo kinakabahan ako baka pagalitan sila o sisantehin. Nakababa na kami sa ikalawang palapag ngunit hindi parin napapawi ang kabang nararamdaman ko lalo na dahil iba ang naka pinta sa mukha ng tiyahin ko. "Monti at geon dito na kayo matulog, umuwi na lang kayo bukas ng umaga sainyong mga bahay, mari matulog kana sa kwarto ni Lizzie, at Lizzie mag uusap tayo bukas ng umaga." May diin sa pag kakasabi ni tita ngunit parang nawala ang kabang nararamdam ko nung marinig ko ang boses nya. Pag katapos ng sinabi ni tita umalis na sya papunta siguro sa kwarto nya at sinamahan ko naman sila geon at monti papunta sa tutulugan nila, pumasok na rin kami ni mari sa kwarto na tinutuluyan ko ngayong gabi. "Lizzie baka pagalitan ka bukas!" Sabi ni mari na may halong pag aalala. Pero mukhang hindi naman, alam kong galit si tita donya pero hindi naman siguro ganon. Medyo kampanti akong natulog sa gabing iyon. "Lizzie pinapatawag ka ng donya, bilisan daw!" Ginising ako ni mari na mukhang natatakot at nag aalala. Bumangon ako at nag asikaso muna bago bumaba. Sa pag baba ko wala na sila geon at si tita lang ang nasa hapag kainan. Sa totoo lang medyo natatakot na ako sa lagay na to. Naupo ako sa harapan nya at binati ng magandang umaga para naman mabawasan ang kasalanan ko. "Kain na ineng" ang weird nya ngayon. Hindi sya galit dahil sinuway ko sya kagabi? "Ah tita hindi po kayo galit saakin?" Nag babakasakali ako na hindi ako masigawan ngayong umaga. Kung si daddy ang sinuway ko baka hindi nya ako pinalagpas kagabi pa lang. "Tungkol saan?" Kalmado lang sya at tuloy ang pag hiwa nya sa kanre na nasa pinggan. "Dahil pi sinuway ko kayo at dinamay ko pa po sila sa kakulitan ko!" Na gi- guilty tuloy ako lalo kasi parang wala syang planong sigawan ako o ipaintindi saakin kung ano ang tama o mali. "Alam mo naman pala na mali ka so ano pa ang silbi kung pagalitan kita?" Medyo gulantang ako sa sinabi nya hindi rin ako makakibo. Hindi ganito ang ine expect ko kagabi lalong kanina nuong pag gising ko. Kung noon parang kilala ko si tita ngayon parang hindi na sa pangalan na lamang. "Alam mo ineng nasa saiyo kung susundin mo ang utos o hindi pero kung ang iniisip mo ay pagagalitan kita dahil sa ginawa mo kagabi nag kakamali ka, sa idad mo hindi pwedeng hindi ka sumuway paminsan minsan kahit ako ganyan ako noon mas malala pa nga eh pero sana pag sinusuway mo ang utos ng mas nakakatanda saiyo sana alam mo at tanggap mo na nag kamali ka at kung pwede disiplinahin mo ang sarili mo o kaya naman ay parusahan mo ang sarili mo." "Ang point ko dapat matutu kang pigilan at disiplinahin ang sarili mo kasi hindi pang habang buhay may disiplina sa iyo, at huwag kang mag alala ngayon lang kita palalagpasin sa sunod na suwayin mo ulit ang utos ko sa pamamahay na ito parurusahan na kita, gets mo?" Sabi nya sabay ngiti. Alam kong mali ako pero ang cool nya talaga. "Sorry po tita pero..." "Pero?" "Mag papaalam na lang po ako sainyo pag gagawin ko po ulit yun!' joke yun pero hindi ko expected na tatawa sya. Habang nag uumagahan hindi kami nauubusan ng kwento ni tita sa tagal naming hindi nakasama ang isa't-isa. Sa kalagitnaan ng pag kain namin may bumabang isang kasing idaran ko lang na lalaki. Kung bisita sya dito kagabi wala akong pake pero hindi ko sya nakita kagabi sa party. Lumapit sya kay tita at humalik sa pisngi at ako naman ay tumayo sa aking kinauupuan upang makipag kilala sa panauhin na hindi ko alam kung saan galing at ganon na rin ang ginawa ni tita. "Ah iho ito nga pala ang pinsan mo, anak sya ng tito teodoro mo" masayang pakilala ni tita. "Lizzie" "Bion" iniangat ko ang aking kamay para sana makipag kamay ngunit hindi nya iniabot. "Hindi ko alam na may pag ka masungit ang Isa sa myembro ng pamilya ng mga go tita" parinig ko at mukhang umepekto naman dahil sobrang sama ng tingin nya saakin na parang may karumaldumal akong sinabi. Natapos ang umagahan na namin ng hindi sya nag sasalita kung mag salita naman ay tipid. Pag tapos kumain umuwi na ako sa bahay ni tita lilet para maligo at baka hinahanap na rin ako. Pag dating ko nag aagahan na sila tita kasama ang mga tauhan pero wala parin sila mom at dad. Binati ko lang muna sila bago nag paalam na umakyat muna at ng makaligo na. Hinihintay ko sila mom at dad mula dito sa balcony ng kwarto ko at tanghali na at wala parin sila. Gusto ko sana silang kausapin kahit kinse minutos manlang kasi mukhang impossible mangyari ngayong araw. Wala rin naman akong magawa kasi may trabaho sila mari pag summer at mahina masyado ang signal sa lugar na to kaya hindi ako makapag check ng mga emails ko. Nag basa na lang ako ng favorite book ko from nicholas Sparks kahit ilang beses ko ng nabasa. Sumapit ang hapon hindi ko na kaya ang boredom sa bahay kaya lumabas na lang ako at napag desisyunan na mag punta na lang sa sapa kahit medyo hindi ko na tanda masyado ang daan papunta roon. Nag tanong tanong na lang ako sa mga taong nadadaan ko kung saan ang papuntang sapa. hindi ako aware na medyo maputik ang dadaanan ko, naputikan tuloy ang paa ko at medyo dumudulas ang talampakan ko sa tsinelas. Habang tumatagal lalong lumalalim ang putik at kumakapal ang putik sa paa ko, nakarating ako ng sapa na puro putik kaya nag hinaw na lang ako bago puntahan ang totoong pakay ko sa lugar na ito. Sana hindi pa sira o giniba! Tinahak ko lang ang pa norte mula sa sapa, medyo mahaba haba ang nilakad ko bago makarating sa isang bahay na sira. Naalala ko noon dito kami nag lalaro ng mga pinsan ko kahit abutin kami ng ulan o gabi, minsan pa nga eh napaparusahan kami pag buong araw kami hinahanap at hindi kami nakita. Buti hindi pa giniba o sinira ang lugar na ito, memorable kasi ang lugar na ito saamin. Saksi sa lahat ng away, bati, at pag subok ang lugar na ito saamin. Sa lugar na to namin inaasar si kuya sinan at yung crush nya na taga bario lang din, umabot nga sa point na dinala namin yung lamesa, upuan, mga pag kain, at mga inumin para lang Maka pag date sila ng maayos noon. Ayaw kasi nilang nakikipag kita si kuya sa babeng yun. "Sana kuya sinan at mga pinsan nandito kayo ngayon... Kasama ko" umiyak ako habang sinasambit ang mga salita. "Miss na miss ko na kayong lahat, sana mag kita na tayo. Naalala ko noon dito natin nakasanayang mag palipas ng oras sa tanggahali pag tumatakas tayo pag nap time, pati yung time na tinaguan natin si dawn para hanapin tayo pero hindi naman nag tagumpay yung lampa na yun!" Hindi ko na mapigilan ang luha ko, hindi nag tagal humagulgol na ako. "Sobrang sya na masakit at the same time na bumalik sa lugar na to" kinuha ko sa bulsa ang panyo ko ngunit mukhang hindi ko na dala kasi puro balat lang na candy na max ang laman kaya lalo akong umiyak na parang timang. Nagulat ako na may halong dismaya ng may nag abot saakin ng panyo. "Sorry kahiya" pinunasan ko ang luha ko at suminga. Si bion yung nag abot ng panyo saakin, nakakdismaya kasi hindi tulad ng fairy tale na romantic. alam kong bagra ang ginawa ko pero kasi masakit na ang ilong ko. "Ah sorry sa panyo alam kong medyo bagra" sabi ko at nginitian sya pero as usual sinimangutan lang ako at inirapan. "Yuck!" Bulong nya pero rinig ko naman. "Ahm nakakahiya yung narinig mo, ipag palagay mo na lang na wala kang narinig ha!" Pero ganun parin walang response. Tumayo ako at pumunta sa harap nya at tumingkayad ng Todo kasi medyo may katangkaran sya. "Pwede bang mag salita ka naman kahit papaano!?" "Ikayayaman mo ba?" Naiiritang tanong nya. "Yunnn ohh! Hindi pero ikatutuwa ko" sabi ko at nag beautiful eyes pa pero inirapan lang nya ako at umalis sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD