CHAPTER 2

2107 Words
"ahm saan ang next stop natin?" Tanong ko. Kakatapos lang kasi namin pick up-in yung order nilang mga tarp at mukhang tutungo kami sa kalapit na bayan. "Pwede bang huwag ka na lang mag salita?" Iritado nyang sabi. "Bakit parang galit ka ha? Nag tatanong lang naman yung tao eh!" Buong byahe namin ay awkward kaya napilitan akong I on ang radio. Pero Unti-unting bumibilis ang takbo ng sasakyan kaya sinuot ko kaagad ang seatbelt. "Ano ba ang problema mo ha? Bagalan mo nga!" Pero hindi pa rin sya tumigil kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Pero ang hudas biglang huminto kaya muntik na akong tumalsik sa kinauupuan ko buti na lang at nakahawak ako. "Hoy, ano ba!" Sigaw ko sa sobrang takot. Tumawa lang sya ng tumawa ng dahil siguro sa reaksyon ko. Nag tanggal sya ng seatbelt at lumabas ng sasakyat pero hindi pa rin matigil ang kanyang pag tawa. Sumunod ako sakanya para sana magalit sakanya pero pag kalabas at pag kalabas ko sa sasakyan iniabot nya saakin ang isang medyo may kaliitang kahon pero mabigat. Hindi ko alam kung guni-guni ko nga lang ba ang nangyari kanina sa loob ng sasakyan, kasi parang kanina lang tumatawag sya ngayon walang reaksyon. "Ang bigat naman" reklamo ko. Sinamaan lang nya ako ng tingin sabay punta sa likod para ilagay ang mga dala nyang box, sumunod na rin ako kasi medyo mabigat ang box na dala ko. Medyo nag wo-wonder ako kung ano ang laman ng box na dala ko. Ilan pang sandali pumunta sya sa tawid at kumuha ng isang box kaya sumunod ako para tulungan sya. "Bumalik kana sa loob ng sasakyan" sabi nya na parang kaya nya akong pasunurin. Pumasok ako sa sasakyan dahil wala na akong magagawa pa dahil baka lalo lang syang magalit saakin at iwanan nya ako dito. "Bakit ba nagiging masunurin ako pag dating sa isang yun?" Bulong ko habang pinapanood sya at ang iba pang mga kalalakihan na tumawid at ilagay sa likuran ang mga dalang box. Ilang sandali pa ay bumyahe na kami pabalik, hindi nag tagal ang byahe dahil walang traffic at malapit lang naman. Dinaanan na namin sila mari at ang Isa pa nyang kasama sa bayan. Sobrang tahimik ng byahe namin, kung siguro wala ako ako dito magiging maingay sila. Habang pabalik sa bahay nagawi ang paningin ko kay geon, pinag masdan ko sya na parang isang kurap ko lang mawala sya sa paningin ko. Aaminin ko na medyo may itsura sya kumpara sa mga ibang mga taga probinsya na mga nakilala ko noon pa man, iba ang titig nya at iba rin mga binabato nya reaksyon. "Hay sawakas naman dumating na kayong mga bata kayo!" Sabi ni tita donya. Half-sister sya nila tita lilet at ni daddy. Dumapo ang paningin nya saakin at parang nag tataka sya kung sino ako. "Sino ka naman ineng?" Sabi nya sabay taas ng drawing nyang kilay. Mukhang hindi nya talaga ako makilala dahil bata pa lang ako noon nung bumisita kami dito. "Hello po tita donya. Lizzie po, anak ni Teodoro" sabi ko sabay ngiti. Medyo gulat ang reaksyon ni tita kaya ako na ang nag adjust, lumapit ako at niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Namiss ko rin si tita donya at dahil medyo matagal kaming hindi nag kita. Nakatira sila sa abroad before at three months ago lang sila umuwi base sa balita saamin ni dad. "Wait wait wait iha! Lizzet Ikaw na ba yan?" Sa sobrang tuwa ni tita masyadong napahigpit ang kanyang pag yakap saakin. "Kailan kayo dumating ha? Bakit hindi ka nag sabi? Nakakatampo ka ha, Lizzie!" Sabi nya sabay pinaulanan ako ng halik sa mukha ko. Tumawa ako habang niyayakap pa rin ng mahigpit ang bewang ni tita. Sa lahat ng mga tita ko si tita donya ang favorite ako at laging pumapabor saakin noon pa man. "Noong isang araw ng gabi lang po tita!" Sabi ko. Dinala ako ni tita sa office nya sa mansion para makipag kwentuhan pa saakin ng mas matagal at tumagal iyon ng halos dalawang oras. Medyo na miss ko rin ang bahay na to, mukhang na alagaan ang bahay na ito through renovations. Noon pag bumibisita kami dito sa marinduque lagi kaming tumatakas sa body guards namin para lang maka bisita sa bahay na ito. Maraming mga antique na bagay na naiwan ang mga grandparents namin dito at mahilig din kami pumunta sa basement ng mansion, marami ring mga mga hidden rooms dito kaya lagi dito namin napipiling mag laro ng hide and seek. Ang pinaka favorite kong lugar sa bahay na ito ay yung garden at ang likod bahay, maraming mga paru-paru at mga bugs na sobrang gustong-gusto ko. Kaso nahinto lang din ang pag visit namin dito kasi si nalagay sa alanganin ang family business at ang buhay ng pamilya namin, kaya need namin na lumayo sa marinduque at manirahan sa manila at sila tita lilet naman at si tita donya napilitan at pansamantalang tumira sa abroad. Simula noon hindi nakami nagkaroon ng communication nila tita at ng mga pinsan ko hindi pa kasi gaano uso ang cellphone noon at palitan pa lang ng sulat. "Syempre may balak naman po ako tita pero ang kaso po medyo na busy lang, sinong hindi matutuwa na makita kayo?" Nag kwentuhan kami ni tita kaya hindi na namin namalayan na oras na para sa preparation para sa party kaya kinatok kami ng secretary ni tita dahil dumating na daw ang mga make-up artist. Hindi ko alam na nag prepared pala si tita lilet ng susuutin ko para sa party at pinadala na lang ng isa sa mga tauhan nya. Hindi na ako bumaba kasi ginawa ko na lang ang sariling make-up ko at hair style. Sa totoo lang hindi ko alam kung para saan ang party na to, hindi naman ako gaano ka interesado kasi may plano ako for tonight. Dumating na daw sila mommy at daddy kaya hindi muna ako bumaba kasi gusto ko muna silang makausap bago mag start ang party baka kasi mawalan na ako ng pag kakataong kausapin sila pag na busy na ulet. Umalis na ang mga katulong sa kwarto kaya nag muni-muni muna ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, at kung hindi pa ako gigisingin ng kasambahay ay baka buong gabi akong wala sa party, sayang naman yung oras na pag prep ko kung ganon. Pero mukhang hindi muna sila umakyat para makita ako... Pero nag text naman ako sakanila ah!. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na lang kahit medyo masama ang loob ko sa mga magulang ko. Nag kita parin naman kami nila dad at mom sa party at pinakilala rin nila ako sa mga tao, yung iba namumukhaan ko pero yung iba hindi kaya okay lang ako ng okay pag nag papakilala sila saakin kahit medyo limot ko na yung panaglan ng iba. Nakaupo ako sa assigned table namin nung makita ko sila mira at yung kapatid ni geon pati narin si geon. Patapos na ang party ng maisipan kong mag pahangin sa garden since medyo madilim, mahangin, malawak, at walang tao sa garden masarap ma pag Isa kahit saglit. Tumayo ako sa table at nag nag madaling pumasok sa kitchen at dumaan sa likod para walang makakita saakin. Kailangan ko pang dumaan sa porch para makarating sa garden. Habang papalapit sa porch may narinig akong mga taong nag tatawanan, kaya umiwas ako sa porch at dumaan na lamang sa ibaba ngunit nakita ako ni mari. "Lizzie, Tara!" Tumango na lamang ako dahil nakakahiya dahil ang limang pares ng mga mata ay nakatuon ang atensyon saakin, at kumapit ako sa fence para iangat ang sarili ko at para dumaan na lamang sa halamanan para makarating sa porch kung saan nandoon sila. "Anong ginagawa mo sa baba? Ipinag babawal ng donya ang pag punta jaan kasi delikado daw!" Sabi naman ni mira. Alam ko! "Sya nga pala alam kong kilala mo na si geon pati si monti, eto nga pala sila matt at si Casper." Pakilala ni mari. Binati ko rin naman sila at nag pakilala. "Ano nga palang ginagawa mo dito miss?" Tanong ng Casper. Medyo kakaiba ang ngisi nya pero sinagot ko pa rin sya. "Ah pahangin lang, kayo?" Sabi ko sabay ngiti. Pero nahagip ng mga paningin ko ang mag kapatid kaya tinarayan ko na lang. "Quick break lang, miss" tumango ako bilang sagot. Medyo mahabang awkward na ang situation kaya nag tanong lang ako ulet para mabago naman ang ilang nila saakin. "Tara na baka hinahanap na tayo, wala rin naman tayong mapapala sa plastic brat na yan!" Medyo harsh yung salita ng geon na to pero hind ako nag pa tinag. "Anong plastic brat? Ang harsh mo ha!" Agap ko. "Bakit ba ang sungit mo? Inaano ba kita?" Sa puntong to hindi ko na nacontrol yung tono ko kaya medyo napa taas. Pero inirapan lang nya ako at tumalikod na pero hindi pa sya nakaka isang hakbang bumukas na ang malaking pinto at lumabas sila Morgan. "Oh well nandito pala ang mga hampas lupa!" Nakaka pantig sa tenga ang kayabangan nya sa totoo lang. Siniko ko si mari para tanungin kung anong nangyari, hindi naman kasi yata pipiliin ni morgan na insultuhin ang mga ito kung walang nangyari diba?. "Medyo nag ka ingkwentro lang kanina dahil sa kayabangan ng Morgan na yan!" Bulong ni mari. Hmm... Mukhang alam ko na kung ano ang gusto ng isang to. "Miss pwede ba nandito kami para mag trabaho hindi ang makipag away sa isang tulad mong makitid ang utak!" Sabi naman ni monti. "Anong sinabi mo? Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan hampas-" hindi na nya na ituloy ang sasabihin kasi pumagitna na ako. "Hi Morgan!" Sabi sabay ngiti. "Oh well ano naman ang ginagawa ng isang walang kwentang tulad mo sa pang sosyal na to?" Mukhang nakakalimot ang higad na ito. "Baka Ikaw? At mukhang nakakalimot ka, MORGAN?" sabi ko na may diin sa pangalan nya. "First of all, mas maganda ako sayo pangalawa mas angat ako sayo!" Nanlilisik na ang mata nya at parang sandali na lang ay mananampal na sya. Kaya sinasaway ako ni mari na wag na pumatol sa spoiled assuming anak ng mayor brat na to. "First of all, wag kang assuming kasi bahay to ng pamilya ko. second of all, wag kang mayabang baka isampal ko sayo yung mga bagay na afford ko at hindi mo afford?" Tinaasak ko sya ng kilay. "Mayabang ka lang naman kasi mayor ang tatay mo sa lugar na to? At Isa pa kung ganyan ang itatrato mo sa mga tao lalo na saakin never mong makukuha ang pangalang Go kasi hindi gawain ng pamilya namin ang mang maliit ng mga tao!" Sabi ko sabay taray. Nakita ko ang gulat nyang reaksyon bago ako umalis at sumunod naman sila mari saakin. Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang mga gawain sa gabing iyon at ako naman umakyat na lamang sa itaas dahil nawalan na ng ganang mag pahangin sa Hardin. Tapos na ang party pero hindi ko pa rin baka usap sila mom at dad. Hindi rin ako makatulog kaya bumaba muna ako para mag timpla ng gatas. Habang papasok ako sa kitchen may naaaninag akong mga anino kaya tahimik akong nag lakad para malaman kung sino sila. Si geon ay naka upo sa sink si mari naman ay naka tayo sa tabi ni geon at si monti naman ay naupo sa countertop. Tahimik akong pumasok at pumunta sa ref para hindi sila maistorbo pero nakarinig parin ako ng sigaw. "Sino ka!?" Tanong ni mari. Humarap ako at naabutan ang mga gulat nilang reaksyon. "Ako lang to huwag laying matakot!" Sabi ko sabay bukas ng ilaw. "Nang gugulat ka naman eh, lalo na at naka puti ka at nakalugay ang buhok!" Sabi naman ni monti. Tinarayan ko lang sila at pumunta na sa kabinet para kumuha ng tasa at kutsara. "Sino ba kasi ang nag sabi na mag patay kayo ng ilaw at gamiting ilaw ang sinag ng buwan kung mag uusap kayo dito?" Sabi ko at pinag patuloy ang pag titimpla ng gatas. "Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Diba doon ka natutulog kay ate lilet?" Tanong naman ni mari at tumango na lang ako. "Oo pero tinatamad akong umuwi na kaya natulog na lang ako sa kwarto ni tita lilet noon" sabi ko sabay saw-saw ng bread na kinuha ko sa ref kanina. "Eh kayo anong ginagawa nyo dito?" Sabi ko sabay taas ang kilay. "Hoy! Wag kang epal jaan, alam ko ang iniisip mo. Wala kaming ginagawang masama nag kukwentuhan lang!" Masyadong difensive!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD