It's a gloomy day for me, and as I sat in the backseat, I was wondering what I should do if I got there. Kuya Sinan and Toby have left because they are studying in New York, and I am traveling to Marinduque.
"Ma'am may malapit na karinderia dito kung gusto nyo bumili muna tayo bago tayo mag patuloy sa pag byahe?" Sabi ni kuya driver.
"Ah sige po bili na rin po kayo ng Inyo at mag pahinga po muna kayo kahit isang oras lang" sabi ko at ngumiti.
Dapat pala sumama na lang akong New York para hindi ako na lulungkot dito. I have options be with daddy in Marinduque or in newyork, but I choose Marinduque kasi walang kasama sila mom at dad at nag sisisi na ako kasi magiging walang kwenta na naman ang buhay ko.
Dumaan muna kami ni kuya sa karinderia para kumain at nag takeout na lang kami kasi wala na kaming mapuan sa sobrang daming tao ang karamihan ay mga pahinante at mga driver. Nag pahinga muna kami bago mag byahe ulet at umidlip muna ako saglit kasi kulang ang tulog ko maaga kasi kaming umalis kanina.
Nagising ako sa ingay ng phone ko at tumatawag pala ay si daddy. Buti na lang may signal pa sapart na to.
"Hello dad"
"Honey, tumawag saakin si tito mo sabi doon muna tayo manatili sa bahay nya para may kasama si tita lilet mo, inaayos pa pala yung bahay natin ngayon lang din nag sabi sila kung kailan nakarating ako" sabi ni dad sa kabilang linya.
"Okay dad, kumain na po ba kayo? Si mom?"
"Hindi pa nga eh inaantay pa namin kayo, ang mommy mo ay nakatulog mukhang napagod sa byahe. O sya sige nasabihan ko na si kuya na dumeretso dito sa tita mo pinapaalam ko lang sayo, goodbye sweetie and take care" napangiti ako sa sinabi ni dad.
"Okay bye po" pag katapos ng tawag nakatulog ulet ako.
Ginising ako ni kuya driver nung pag karating namin. Mag gagabi na rin pala nung makarating kami sa bahay ng tita ko.
"Kamusta naman ang byahe ninyo iha? Medyo natagalan kayo ah?" Tinanong ako ni tita lilet sa kalagitnaan ng pag kain. Ni lunok ko muna ang pag kain at uminom ng tubig bago ko sagutin si tita.
"Medyo nakakapagod pero ayos naman po, galing pa po kase ako ng school bago mag byahe tita" tumango lang sya, nag patuloy sila sa pag kwentuhan at ako naman ay tahimik lang habang nakikinig sakanila.
Pag katapos kumain nag paalam na rin ako na mag papahinga na at sila naman ay pinag patuloy ang kwentuhan sa living room. Kakapasok ko lang ng guestroom ng maramdaman ko agad ang lamig ng Aircon kaya pinatay ko muna.
Pumunta ako sa closet para i arrange ang mga gamit ko. Hindi ko maipag kakaila na maganda at malawak ang closet ng guestroom na ipinagamit saakin ni tita pero konti lang naman ang dala kong gamit kaya hindi ko masyadong mauukopa ang ubong closet.
Inilabas ko ang Ilan sa mga gamit ko galing sa maleta at kalaunan kumuha ako ng isang pares na pajama para makaligo na. And to my surprise there's a bathtub, makakapag enjoy ako neto.
Sa kalagitnaan ng pag babad ko sa bathtub nakarinig ako ng mga yapak kaya hinawi ko ang curtain, pero wala naman akong nakita kaya napag desisyunan kong tumayo at mag tapis.
Lumabas ako ng bathroom para tignan kung sino iyon at naramdaman ko agad ang lamig, pero wala pa rin akong makita kaya lumakad ako ng kaunti papaunta sa kama. Biglang pumasok si ate galing sa balcony.
"Haaa"
"Haaaa"
Nag kagulatan kami.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Natataranta kong tanong sa stranger na nasa harapan ko.
"Sorry ma'am, pinapakuha kasi ni ate lo yung mga lumang bedsheets at punda pati na rin yung mga basahan na nakasampay sa balcony. Pasensya na po talaga kung natakot ko kayo kala ko po kasi eh nasa kabilang guestroom po kayo" sabi ni ate na mukhang natatakot. Napa higpit ang hawak ko sa towel sa kahihiyan.
"Ah sorry rin po ate hindi ko sinasadya, kayo naman kasi eh parang multo eh bigla na lang nasulpot, sorry rin pala sa outfit ko ha medyo kadiri" sabi ko at nag madali ng mag paalam at pumunta ng bathroom para matapos na ang ritual ko.
Maaga akong nakatulog nung gabing iyon kahit buong byahe naman akong tulog, at maaga rin akong nagising nung umaga dahil siguro nakasanayan kona. Binati ko si tita na nasa kitchen nag luluto, maaga pala talaga silang nagigising dito sa province.
"Kamusta naman ang tulog mo iha? Masarap ba ang tulog mo?" Tanong saakin ni tita nung pag kaupo ko sa lamesa.
"Okay naman po, pero siguro po nalimutan kong patayin yung Aircon kagabi" sabi ko at nag timpla na ng mainit na chocolate at ipinag timpla ko na rin si tita ng kape kasi sabi nya hindi pa sya nakakapag kape.
Nag sabay na kami nila tita at ng mga kasama sa bahay na kumain, maaga daw pala na umalis sila mom at dad. Hindi naman kami na awkward kasi sanay naman na ako na kasabay lagi ang mga tauhan pag nakain.
Nung matapos kumain umakyat muna ako sa kwarto para maligo at bumaba rin naman para makatulong na makapag linis dahil wala rin naman akong gagawin, mababagot lang ako kung wala akong gagawin.
Nakilala ko yung mga kasama nila dito sa bahay at mukha namang mga hospitable sila. Wala namang aberya ang nangyari ng mag hapon kaya nung natapos na ang mga gawain nag paalam ako kay tita na mag lilibot at nag text na rin ako kanila mom at dad na lalabas ako.
Hindi ako pinayagan ni tita na umalis ng mag-isa kaya pinasama nya yung anak ni ate lo saakin. Kabisado nya rin ang nga daan kaya less hassle. Masaya kasama si Mira hindi ka mababagot kasi madaldal sya at hindi sya nauubusan ng kwento.
Habang nag lalakad kami may mga nakakasalubong kaming mga local na halos karamihan kilala sya at binabati kami.
Marami syang ipinakita saakin at nakaka enjoy talaga. Pero hindi ko maipag kakaila na sumasakit na ang paa ko kasi nag lalakad lang kami simula pa kanina.
"Tara doon tayo?" Sabi nya sabay turo nya sa nag kukumpulang mga tao at hinila nya ako.
"Wait wait teka lang ano ba ang meron jaan?" Takang tanong ko.
"May pinapamigay na origami jaan tapos susulatan mo ng hiling o kahit na ano at ipapa agos mo doon sa ilog" sabi nya sabay turo sa ilog na medyo malakas ang ragasa ng tubig.
Pinili ko ang hugis speed boat na origami at glow in the dark rin sya kaya bagay na bagay dahil medyo madilim na. Nag lagay muna ako ng notes bago ako pumunta sa ilog at pinaagos ito kasama ng karamihan.
"Ang galing naman, pero bakit may ganon? Parasaan?" Nakakatuwa naman pag masdan ang iba't- ibang disenyo ng mga origami boat na umaagos sa ilog, ito ay kumikinang para silang sumasayaw ng paulit-ulit.
"Matagal na iyang gawain ng mga kasapi sa simbahan, ng mga kabataan. Maski ako hindi ko rin alam basta ang alam ko nakakatuwa silang pag masdan" sabi nya habang nakangiti at pinag masdan ang mga natitirang origami.
Matapos ng ilang sandali umalis na rin kami dahil madilim na rin at baka hinahanap na kami sa bahay. Medyo malayo-layo pa kami sa bahay at habang nag lalakad may naramdaman akong may mabalahibong humihipo sa mga binti ko kaya napasigaw at napa takbo ako hanggang sa makakaya ko at sa may puno ng mangga ako tumigil at nag tago. Nag tago ako doon dahil medyo madilim at hindi ako makikita ng kung sino man iyon, huli na ang lahat ng ma realize ko na may kasama pala ako.
Ilang sandali pa nakita ko nang tumakbo si Mira at mukhang hinahanap ako. Nung mukhang wala namang naka sunod saakin lumabas narin ako at saktong papalapit na saakin si Mira.
Nang makalapit sya ang sama ng mukha nya at hinahapo rin, na gi- guilty ako sa ginawa ko. Medyo magugulatin at matatakutin kasi ako kaya hindi ko sinasadya yun.
"Ano ba yun? Nang iiwan ka naman eh!" Galit nyang sinabi.
"Eh kasi eh may parang mabalahibo ang dumapo sa mga binti ko kaya nagulat ako" sabi ko at naligaw ang mga mata ko sa paahan nya at nakita ko na may hayop na kulay itim na may pag ka pula at sobrang balbon kaya napatalon ako sa takot at hinila ko sya para mag tago sa ligod nya.
"Wait wait lang ano ba!" Sigaw nya.
"Hindi ka naman kayang kainin nyan kaya mag relax ka at huwag kang mag tago jaan sa likod ko" sabi nya ng mas mahinahon ngayon kaya unti-unti akong lumabas.
"Si pigo ito, aso sya ng kapitbahay. Ang breed nya is Pomeranian baka naka takas lang sya" kinuha nya yung aso at itinapat saakin kaya medyo napaatras ako ng kaunti.
Oo nga aso nga hindi ko lang masyadong makita kanina ng ayos kaya natakot ako. Ang weird naman kasi ng combination ng color nya eh at ang liit pa.
"Tara hatid muna natin sya" sabi ni Mira sabay ngiti.
Lumiko kami sa isang makipot at maputik na daan pero keri ko naman. Ilang lakad lang ang ginawa namin at may nakita na akong hagdan. Umakyat kami doon at pag kanan namin mas marami pang mga bahay at halos mga ilaw lang ng kanilang mga tahanan ang makikita mo, masyadong tago ang lugar na to at madilim kaya nilabas ko ang aking phone para may ilaw kami.
Ilang sandali lang huminto si Mira sa isang maliit na bahay. Para makapasok sa bahay kailangan mong gumamit ulit ng hagdan kasi medyo malalim ang pag gawa sa bahay. Hindi na ako sumama kay mira pababa kahit medyo natatakot ako.
Pero ang malas ko sa lugar nato kasi medyo may mag sasaka na galing siguro sa bukid na may dalang kalabaw ang dadaan, umusod ako ng kaunti para makadaan sila pero nadulas ako at nahulog, inantay ko na tumama ang sakit sa pwetan ko kaya napapikit ako pero wala naman akong naramdaman sa halip isang malaking braso ang naramdaman ko sa aking pwetan at sa likod ko.
Halong gulat at takot ang naramdaman ko nung mag sink in sa akin lahat. Buhat- buhat nya ako ng parang pa bridal pero nasampal ko sya ng malakas kasi naramdaman kong gumalaw ang isang daliri nya sa bandang pwetan ko. Kaya nahulog ako at bumagsak ako sa putikan na kung saan kasama ko ang maliit na biik.
"Bastos ka!" Sinabuyan ko sya ng putik pero naka iwas parin sya.
"Anong bastos? Ikaw na nga tong sinalo Ikaw pa tong galit? Eh kung hindi kita sinalo nabalian kana ng buto!" Sigaw nya.
"Eh bakit may gumalaw ha?" Dumakot ako ng putik at tumayo para sure na matamaan ko sya sa pag kakataong to. Pero mukhang alerto sya sa kilos ko kaya binti lang nya ang natamaan.
"Inayos ko yung daliri ko kasi nabaluktot at masakit!" Dahilan ng manyak na to!.
"Ang dami mong dahilang manyak ka!" Sinubukan kong humakbang para sana habulin sya pero doon ko na naramdaman ang sakit.
Habang nag aaway kami at sigawan may narinig akong mga sigaw galing sa bahay at ilang sandali pa lumabas na ang isang matandang lalaki at iba pang kalalakihan at kasama rin si mira.
"Ano ito?" Tanong ng isang matanda galing sa loob.
"Kasi po itong lalaking ito eh manyak" sabi ko.
"Anong manyak? Dapat nga mag pasalamat ka saakin eh kasi sinalo kita!" Ilan pang dibati eh pumagitna na si mira saamin para umawat.
Habang nag papalitan ng salita naramdaman ko na lang na unti-unti nang pumapatak ang ulan at medyo lumalakas na.
"Good job ang malas naman eh!" Malapit na akong umiyak sa sobrang inis.
"Kung umamin ka na lang edi sana natapos ang usapan para maturuan ka ng leksyon ng daddy!" Pakikipag talo ko kahit umuulan na ng malakas. Walang nagawa ang ibang mga nakikiusyoso kundi bumalik sa loob dahil mababasa sila sa ulan pero hindi sumama si Mira kahit sinasabihan na nila sya.
"Hindi nga kasi ako manyak eh inayos ko lang ang daliri ko kasi kung nag kataon baka maputol pa dahil sa bigat mo!, Anong hirap ba intindihin doon ha?" Naiinis na rin sya.
"Eh ayun naman pala eh, ano ba kasing ikinagagalit mo at papaano kang nahulog?" Sinabi ko yung nangyari sa maikling paraan na alam mo.
"Pumasok muna kayo at sa loob nyo pag usapan iyan at baka mag kasakit kayo!" Sigaw ng matanda na lumabas ulit na ngayon ay may hawak ng payong.
Pumasok kami sa loob ng bahay dahil nilalamig na rin ako. Binigyan nila ako ng towel para hindi ako masyadong lamigin.
"Sinabi ko naman sayo eh ganoon ang nangyari eh atsaka may sugat ako sa kamay kaya ko ginawa iyon!" Sa puntong ito mahinahon na ang boses nya at inirapan ko na lang sya. Hindi parin ako kumbinsido pero pinipilit kong intindihin ang katwiran nya kasi totoo ngang may sugat sya at nahihiya na ako. As much as possible ayokong ibuka ang bibig ko kasi baka masigawan ko sya ulet lalo na at naiinis na ako sa boses nya.
Nagulat ako ng may nag lagay ng isang tasang sabaw sa harap ko pero pa dabog ang pag lagay. Kapatid siguro ng manyak na to ang isang to kasi medyo hawig sila simula sa mukha at sa katawan, may itsura sila at magaganda rin ang pag kakahulma ng katawan nila na ngayon ko lang napansin. Pero iba ang aura ng isang to mukhang suplado at mayabang at ang Isa naman na kaaway ko ay mukhang manyak lang.
"Bago ka mang husga dapat alamin mo muna ang rason nila"sabi ng mayabang na nag bigay saakin ng tasa. Sa totoo lang nainsulto ako sa sinabi nya pero inirapan ko lang sya. Uminom na lang ako ng kaunti baka kasi ipahamak pa lalo ako ng bibig ko lalo na at ang sama na ng tingin nila saakin. Mukhang sabaw ng tinola ang ibinigay nila kaya medyo napagaan nito ang pakiramdam ko kahit papaano.
"Sya nga pala iha ano ba ang pangalan mo? Bago ka dito ah?" Tanong ng nakaupong matandang babae saakin.
"Luzette po pero Lizzie na lang" sabi ko at ngumiti at tumango naman sya.
"Eh anong ba talaga ang nangyari?" Malumanay ang kanyang boses.
Sa pag kakataong ito sinabi ko na sakanila ang nangyari simula ng dumaan yung magsasaka dahil ayokong mag mukhang walang respeto pero hindi talaga maiwasan na mag karoon ng argumento sa pagitan naming dalawa.
"Ahem" nag peke ng ubo si tita lilet habang nag aagahan kami. Sinadya kong tanghali na bumaba para hindi sya maabutan pero mukhang sinadya nya ring sumabay saakin kaya kami na lang ang natira.
Nginitian ko si tita ng pilit kasi nahihiya na talaga ako kagabi pa. buti nalang nakatulog ako ng maaga kagabi kahit tumatakbo parin sa utak ko yung mga nakakahiyang pangyayari kagabi.
"May gagawin ka?" Tanong nya at ipinatong nya ang kanyang dalawang siko sa lamesa at pinag salikop ang dalawa nyang kamay, ngunit makikita ko rin na nakangiti sya na para bang may magandang balita na natanggap.
"Wala po" ayokong pahabain ang usapan kasi nahihiya ako.
"Pero may sasabihin ka?"
"Wala rin po" maikling sagot ko. Tumango sya na para bang ok lang. Pero alam ko ang ugali ni tita, hindi nya ako titigilan o si Mira na sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyari. Pag karating na pag karating namin kagabi inintriga nya na kami agad.
"Mira, pwede favor?" Tanong ko at nilingon nya ako na may pag tataka.
"Hmm sige ba, ano yun?"
"Pwede mo bang huwag sabihin kay tita ang buong nangyari?, Nahihiya kasi ako eh" paano na lang kung malaman nila dad at mom. Lalong nakakahiya yun.
"Ano ka ba, kahit hindi ko sabihin ang nangyari makakarating pa rin kay ate yun lalo na at mga chismosa ang mga tao dito" sabi nya habang naka ngiti at parang masaya pa sya ha.
"Bakit parang masaya kapa?" Medyo napalakas ang boses ko kaya tinawanan lang ako lalo.
"Hindi naman, Natutuwa kasi talaga ako sayo kanina. Palaban ka rin pala ha pero hindi halata, at ang cute mo pag magalit. Kahit madilim nakikita kong namumula ka sa galit" sabi nya at humagalpak na sya sa pag kakataong ito kaya tinulak ko sya.
"Siguro tomboy ka ano?, Ano nababakla kana saakin? Sabagay sinong hindi maku cute- tan saakin eh ang ganda ko at cute" sabi ko at humagalpak na rin ng tawa.
"Yuck! Kadiri ka ha!. Hindi noh at may pag ka mayabang ka rin pale eh" Ngayon mukhang nainis na sya kaya medyo mabilis na ang mga hakbang nya kaya sinabayan ko rin ang bilis ng lakad nya kasi ayokong maiwan masyadong madilim dito.
Habang nasa daan nag aasaran kami. Nakakatuwa talaga kahit isang araw pa lang ang itinagal ko dito hindi ko nararamdamang malungkot.
"Sya nga pala bakit Ikaw lang mag isa?" Somai gulay ang klaseng tanong yan?
"Anong big mong sabihin?"
"Hindi ba may mga kapatid kapa? Noon kasi pag nakikita ko kayong nabisita rito lagi kang may kasama" sabi nya sabay lingon at ngiti saakin. Ang genuine ng ngiti nya, kahit kanina hindi ko na ramdaman ang ilang.
"Ah ayun ba? Nag aaral kasi yung mga kapatid ko ibang bansa Ngayon" sabi ko sabay ngiti.
"Ikaw ba? Bakit parang hindi kita nakikita noon?"
"Si mama lang ang nag ku-kwento saakin noon at sa plaza ko lang kayo nakikita. Minsanan lang kasi ako makapunta kanila ate dahil bawal kasi maliit pa lang ako noon walang mag babantay saakin kasi may trabaho si mama doon" sabi nya at tumango lang ako.
Tinupad nga ni mira yung sinabi ko pero hindi parin talaga ako nakatakas kay tita lilet ngayon.
Natapos ang breakfast namin ni tita ng walang nag sasalita.
"Sya nga pala lizzie pupunta pala si geon dito" Lumingon ako kay tita na may pag tataka.
"Tauhan sya ni donya jaan lang sa malapit, may ipapakisuyo sana ako sayo" sabi nya sabay ngiti.
"Gusto ko sana na sumama ka kay geon papunta sa bayan, kasi sya ang naatasan kuhanin ang mga supplies para sa gaganaping handaan jaan" apaka talaga hindi muna ako tinanong kung may gagawin ba ako o wala. Tumango na lang ako para hindi humaba ang usapan pero syempre hindi ko pa rin napigilan ang bibig ko.
"Tita mukha po ba akong maid nila para sumama? May gagawin kasi kami ni mari mamaya eh" pag dadahilan ko pero totoo rin naman kasi may usapan kami na pupunta kami sa sapa.
"At sino po ba yong geon na sinasabi nyo?"
"Yung anak ni kilor isa sa nga tauhan namin, at ang sabi ni mari mamayang hapon pa kayo eh pero mag kikita rin naman kayo ni mari sa bayan. may utos ako sakanya at pinapasabay ko na sainyo pauwi" sabi nya sabay nag paalam na kaya hindi na ako nagkaroon ng Isa pang chance na makapag dahilan.
"Ma'am lizzie nag aantay na po si geon sa baba" kumatok ang isang katulong sa pintuan ko.
"Sige po pababa na" sumigaw ako para marinig nya galing sa labas.
Katatapos ko lang mag ayos at lumabas na ako ng kwarto ng mag vibrate ang phone ko sa bulsa.
Unknown number.
"Sino naman kaya to? Hello?" Pero walang sumasagot tinignan ko kung may signal ba ako pero meron naman.
" Hello? Kung ayaw mo sumagot ibaba ko na ito wala akong panahon sayo dahil may gagawin ako ngayon asap!" Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng may nag salita.
"Hindi ka parin nag babago Lizzie hanggang ngayon" hindi ko alam kung mabibigla ako o magagalit sa pamilyar na bosesna yun.
"China?" Napalakas masyado ang boses ko para pag tinginan ako ng mga katulong na nag linis sa hallway.
"Where have you been? For God sake!" Sabi ko habang pababa ng hagdan.
"Bakit ngayon ka lang tumawag? O kahit text? Mag paramdam?" Sunod sunod na mga tanong ko.
"Sorry Lizzie, ayoko lang talaga maka abala sainyo kaya hindi muna ako nag pakita. May mga inaayos lang ako pero soon as possible lilipad na rin ako pa pinas" malumanay ang pag kakasabi nya.
"Ano? So totoo nga ang sabi nila ha na wala ka sa pinas? Ano ba kasi ang pinag gagawa at plano mo ha? Kamusta ka naman kung nasaan ka man?"
"Chillax ka lang kuala humihinga pa ako at ok na ok at katulad pa rin ng dati" hindi pa rin ako kumbinsido. Habang kinakaisap ko si china sa kabilang linya parang gusto ko ng bumalik sa taas at matulog na lang ulet kahit abutin pa ako ng twenty four hours.
Muntik ko ng masagi ang vase na nakatayo sa gilid lang ng hagdan. Sya yata ang sinasabi ni tita na geon... Geon my face!
Kahapon sya nakita ko ngayon sya parin. Alam ko na ang ginagawa ni tita ang dami pa nyang dahilan.
"Hello? Lizzie nanjaan ka pa ba?"
"Bakit parang gulantang ka jaan? halikana ang bagal mo at marami pang gagawin!" Sabay irap.
"Ah china tawag na lang ako sayo ha? Thank you at nag paramdam kana at be safe always" sabay patay ng tawag.
Inirapan ko na sya at nauna ng mag lakad sakanya. Tinapakan ko yung paa nya at nag lakad ng mabilis papunta sa main door. Narinig ko ang malakas nyang sigaw galing sa Sala. HAHA.
Sya pala yung geon na sinasabi nila na mayabang na nag bigay saakin ng isang basong sabaw kagabi. Naiinis na rin ako sakanila kaya ko sya inapakan at sakto naman kasi medyo may mababang takong ang pumps ko.
"Hoy! Punyeta ka ang sakit ng paa ko! Humanda ka sakin!" Sigaw nya sabay lakad ng pa ika- ika at ako naman ay pumasok na sa hindi pamilyar na sasakyan nila tita, mukha naman kasing dala nya ito dahil may kaunting laman ang likuran.
Hindi nga ako nag kamali dahil pumasok sya ng may sama ng tingin saakin.
"Bakit nasa shotgun seat ka? Sino nag sabi sayo na jaan ka ha?"
"Eh saan naman aber? Kung sa likod ako uupo masyadong masikip at mainit noh!" Sabi ko sabay irap.
"Sino ba nag sabi na sa likod ka? Doon ka sa likuran sa labas!" Irap lang ang sagot ko sakanya.