ANG “as soon as possible” na sinabi ni Matthew ay hindi akalain ni Sienna na gagawin din kaagad nito nang araw na iyon. Matapos nilang tanggapin ang mga pagbati ng mga empleyado ay inaya siya nitong lumabas ng opisina.
Sumama naman siya sa pag-aakalang magle-late lunch lang sila. Ngunit nagulat siya nang sa city hall ng San Juan sila nagtungo, sa office ng municipal judge. At wala pang kalahating oras ay kasal na sila.
Napakabilis. Para siyang mahihilo sa bilis ng pangyayari. Bahagya na lang sumalit sa isip niya ang legalidad ng ganoong klase ng kasal.
Was there such a thing as a photo-finish wedding? Kung mayroon man ay ang sa kanila sila siguro iyon. Paano ang mga requirements at lisensya?
Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Siguro nga ay ganoon ang nagagawa ng impluwensiya.
Dinala siya ni Matthew sa isang five-star hotel, doon din sa lugar kung saan sila nag-dinner date. Ngunit sa halip na sa restaurant sila tumuloy ay kumuha ito ng suite.
Pakiramdam niya ay lumulutang siya at tinatangay ng hangin. Sunud-sunuran siya sa anumang sabihin nito. Bawat suhestiyon ni Matthew ay sinasang-ayunan lang niya.
Nang tumuntong siya sa loob ng suite ay wala siyang kibong nakamasid lang. Blangko ang tingin.
“Don’t tell me I married a shocked woman,” nanunudyong wika ni Matthew. Inakbayan siya nito at inakay papasok.
“Matthew...” Puno ng alinlangan ang tinig niya.
“Sweetheart, legal ang kasal kung iyon ang inaalala mo. Iniwan lang natin ang kopya dahil ipapa-register pa iyon ni judge.”
“Napakabilis nito,” aniya.
Tumawa nang mahina si Matthew. “We’re not getting any younger.”
Mabilis na dumating ang room service dala ang in-order nilang pagkain. Ngunit bahagya lang iyon nagalaw.
“Still nervous, my wife?” Tinapos na rin ni Matthew ang sariling pagkain. “Champagne?” alok nito pagkuwa ay sinalinan din ang kanyang kopita. Nang angatin nito ang sariling baso ay kinuha rin niya ang kanya. “A toast to the best of both of us!”
Lumikha ng tunog ang pingkian ng mga baso. Sinimsim lang niya iyon at ibinaba na ulit. Said ang laman ng baso ng asawa nang ibaba nito iyon.
Tumindig si Matthew.
“Come. Let’s ease your tension.” Inalalayan siya nito sa pagtayo.
Kuwarto ang tinutungo ng kanilang hakbang. She exactly knew what would happen next. At gusto niyang pagalitan ang sarili sa sobrang tensyon na nararamdaman.
It was definitely not her first time. At kakatwang ang aktuwasyon niya ay tulad ng sa isang prudish virgin.
Nakatitig lang siya kay Matthew habang dahan-dahan nitong ibinababa ang zipper ng kanyang bestida. Tumaas ang kamay nito sa magkabila niyang balikat at marahan ding ibinaba ang damit.
Humantad ang mga markang nauna nang ginawa nito. There was a glint of amusement in his eyes, bagama‘t nanatiling tikom ang mga labi nito at maramot sa pagngiti.
Walang ingay na bumagsak sa paanan niya ang bestida. Tumambad sa paningin ni Matthew ang kanyang kabuuan. At habang naglalakbay ang mga mata nito sa paghanga sa mahubog niyang katawan ay ilang na ilang naman siya. Ngunit wala rin siyang ginagawang kilos para takpan ang sarili.
Humigit ng malalim na hininga at tinawid ni Matthew ang maliit na distansya sa pagitan nila at ikinulong siya sa mga bisig nito. Kataka-taka ang ingat sa bawat paghaplos nito at pagdampi ng mga halik kung pagbabatayan ang mga naunang pinagsaluhan nila.
“Let’s take a shower together.” His voice was husky.
Nang hakbangan niya ang bestidang nahubad ay nagmamadali na ring tinanggal ni Matthew ang sarili nitong kasuotan. It could be record-breaking. Dahil iglap lang ay nahubad nito ang lahat-lahat. Ni kapirasong saplot ay hindi nagtira.
Gusto niyang hangaan ang kabuuan nito. Maganda ang katawan ni Matthew at walang anumang nag-alsahang taba. He was not all muscles yet he looked so good to one’s touch. He was well-shaped.
Iniwas lang niya ang tingin nang dumako ang tingin niya sa bandang ibaba. Naroon ang palatandaan ng kahandaan nito.
Pumihit siya at tumalikod.
“Shy, my dear?” Napansin ni Matthew ang kilos niya at maagap itong yumakap mula sa likod niya. Gumawa ito ng maliliit na halik sa batok niya habang inaalis ang pagkakakawit ng kanyang bra sa likod. Nang maalis iyon ay basta na lang initsa kung saan.
Parang napigil ang kanyang paghinga nang yakapin siya ni Matthew. Mas mahigpit kaysa dati at dama niya ang pagdidiin nito ng sarili sa kanyang likod.
Napasinghap siya nang dumako ang daliri nito sa garter ng kanyang underwear. Ngunit anuman ang protestang nunulas sa mga labi niya ay hindi na niya nagawa. Naipihit na siya ni Matthew paharap dito at siniil ng halik.
He was diverting her attention. At kulang na lang ay lunurin siya nito ng mga halik. Mindlessly, she stepped out of her panties at madali na siya nitong nadala sa shower.
Nag-aagaw ang lamig ng tubig at init na nagmumula sa kanilang mga katawan ang naramdaman niya. At sa isang iglap ay napagtagumpayan ni Matthew na alisin ang lahat ng inhibisyon niya sa katawan.
Kung paano natapos ang paliligo nila nang halos hindi naghiwalay ang kanilang mga labi ay hindi na niya napansin. Kulang na lang ay huwag tuyuin ng asawa ang tubig sa kanyang katawan at dalhin na siya sa naghihintay na kama.
He was gentle yet tormenting. He was taking all the time at walang pakialam kung abutin man sila nang gaano katagal. At nang sandaling dalhin na siya ni Matthew sa walang katulad na kaligayahang iyon ay sabay pa nilang naisigaw ang pangalan ng bawat isa.
HUPA NA ang damdamin nila ngunit patuloy pa rin si Matthew sa mga maliliit na paglalambing nito sa kanya. He whispered “I love yous” countless times to her at waring hindi ito napapagod na sabihin iyon.
Nang maisip niyang alamin ang oras ay lampas na ng alas-otso. At sa normal na oras ng pag-uwi niya ay kanina pa siya dapat na nakauwi.
Hinagilap niya ang telepono at nag-dial ng numero.
“Kanino ka tumatawag?” tanong nito.
“Sa bahay.”
Nag-ring sa kabilang linya. At muli ay ang pagsalakay ng kaba. Nanghihingi ng tulong ang anyo niya nang lingunin si Matthew na hindi rin humihiwalay ng tingin sa kanya.
“Hello, Mickey?” May panic sa boses niya.
Relax. Iyon ang nabasa niya sa pagka-lip read niya sa asawa.
“Mommy, where are you? Ba’t di ka pa umuuwi?” ani Mickey sa kabilang linya.
“Ano, Anak... kasi...” Hindi siya makaapuhap ng sasabihin.
“Si Ariel,” bulong ni Matthew.
“Si Tito Ariel? Let me talk to him.”
“Anong oras ka muna uuwi? Ang tagal mo naman,” kulit pa rin nito.
“Anak, ipakausap mo muna sa akin si Tito Ariel, okay?” she said in a motherly tone.
“He’s out!” nagdadabog na sagot ni Mickey. “Nasaan ka talaga, Mommy?” Kung ano ang tonong ginamit niya ay ganoon din ito. At sa kabila ng problema niya ay hindi niya naiwasang makadama ng galit. Pinaghihimagsikan ba siya ni Mickey?
“Watch your tongue, Mickey!”
Kumilos si Matthew at tinabihan siya. Hinaplos siya nito sa balikat. May paghingi ng paumanhin sa sulyap na ipinukol niya rito.
“I’m alone in this house, Mommy.” Narinig niyang nagbaba ng tinig si Mickey. At may awang humaplos sa dibdib niya. Naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang makasita ang anak. Hindi lang pag-aalala ang nasa tinig nito kundi lungkot. Bihira ang pagkakataong maiwan itong mag-isa sa mga katulong.
“Where’s Mama Sylvia?”
“I don’t know. Mommy, please, come home.” Nagpapaawa ang tinig nito.
“Oo, sige.” Mabilis siyang gumawa ng desisyon. “Pauwi na ako.”
“Bye,” malungkot na wika ni Mickey.
Mabigat din ang loob niyang ibinaba ang telepono. Nilingon niya si Matthew.
“Paano na ngayon?” Hindi maikakaila ang takot sa dibdib niya.
“He has to know.”
“Matthew, not now. Masasaktan si Mickey. Ni hindi ka nga niya kilala tapos bigla ko na lang sasabihin sa kanya na asawa kita?”
“But that is the truth. Sienna, you have to tell him now. Hindi ko gustong ang asawa ko ay sa ibang bahay pa rin uuwi.” Kaswal lang ang tinig nito, ngunit alam niyang sa likod niyon ay kailangan niyang sumunod.
Tumayo na siya at isa-isang dinampot ang damit. Si Matthew man ay ganoon din ang ginawa. Halos magkapanabay silang natapos magbihis.
Matthew settled the bill at tinungo ang sasakyan.
“IBALIK mo ako sa opisina. Nandoon ang kotse ko.”
“Ihahatid kita.” Walang makakabali sa tono nito.
Hindi na rin siya tumutol. At hanggang sa makarating sila sa White Plains ay hindi na siya nagsalita. Si Matthew ang bumasag sa katahimikan nila.
“Sabado bukas, Sienna. Walang pasok sa opisina. Ano`ng balak mo?”
Iling ang isinagot niya.
“Hindi puwedeng hindi mo alam,” banayad pa ring wika nito. “Kung ako lang ang masusunod, gusto kong sunduin na kayong mag-ina bukas din. Tell them na nagpakasal na tayo, then pack your things. Sa Corinthian ka na uuwi.”
Hindi na siya umimik. Kung sasabihin niyang wala pa siyang lakas ng loob na ipagtapat iyon sa lahat, lalo na kay Mickey ay malamang na maubos na ang pasensya nito.
Nasa tapat na sila ng bahay ng mga Sebastian at anyong iibis na siya nang pigilan siya nito.
“Siguro naman ay hindi masamang ngayon mo kami ipakilala sa isa’t isa ng anak mo,” kaswal na wika nito.
Tumango siya at sa halip ay ibinaba ang bintana ng sasakyan, sinenyasan ang guwardiya na buksan ang gate.
Nasa terrace si Mickey at naglalaro ng remote control car. Halatang inaabangan ang kung sino mang mauunang darating. Nagmamadali itong humakbang patungo sa driveway nang huminto ang kotse.
“Mickey.” Hinagkan niya sa pisngi ang anak. Kung mayroon mang hindi ipinagbago si Mickey na nakapagpapasaya sa kanya ay ang pagpapahintulot nitong halikan pa rin niya.
Gumanti ito ng halik. “You’re very late, Mommy,” sita pa rin nito. Kitang-kita niyang nag-iba ang mukha nito nang makita si Matthew. “Who’s he?”
Nakangiti si Matthew. A casual smile without trying very hard to win her son. At may palagay siyang tamang gayon lang muna ang gawin nito.
“Mickey, he’s Tito Matthew.”
“Tito?” Nagsalubong ang mga kilay nito. At hindi itinago ang pagsimangot nang muling bumalik ang tingin kay Matthew.
“How are you, Mickey?” Palakaibigan ang tono nito.
Iling ang itinugon ni Mickey. “It’s not Mickey. My name is Miguel,” puno ng kumbiksyon ang tinig na pagtatama nito.
“Miguel,” ulit ni Matthew. “How old are you, young man?”
“Twelve,” matabang na tugon nito.
Nagkatinginan sila ni Matthew. Hopelessness ang nasa mga mata niya. At pag-asa naman ang kay Matthew.
“Hindi na ako magtatagal,” ani Matthew sa kanya. At bumalik muli ang tingin nito kay Mickey. “Goodbye, Miguel.”
“Goodbye.”
Nang tumalikod ito ay sumunod siya. She was about to say “sorry” ngunit naunahan siyang magsalita ni Matthew.
“Hanggang bukas, Sienna. Sa hapon ko na kayo susunduin. Kailangan nga rin palang ipahanda ko ang magiging silid niya.”
Parang maiiyak na tumingin siya rito. “Please, Matthew. Don’t pressure me. Alam mong hindi ko pa kaya.”
“Of course, you can. And you should. Kung hindi ay ako ang gagawa ng paraan para mapabilis ang lahat,” puno ng awtoridad na wika nito.
Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Sandali lang iyon ngunit ang epekto ay kagaya rin ng kung paano niyang naramdamang halos tumakas ang lakas sa kanyang mga tuhod.
At ninanamnam pa niya ang ligayang dulot niyon nang marinig nilang pareho ang pagbagsak ng remote control na sadyang ibinalibag ni Mickey.