Part 14

2034 Words
“LET’S stop this.” Tila napapasong kumalas si Sienna. Halos lundagin niya ang mesa at nagmamadali ang kilos ng mga kamay para ayusin ang damit. Hindi siya halos magkandatuto. Pinanginginigan siya ng mga daliri at may palagay siyang buong kilos niya ay gayundin. “Allow me,” mabigat pa rin ang tinig na wika ni Matthew. Marahan nitong isinara ang zipper. Ang bahagi ng balat nito na dumantay sa kanyang balat ay may hatid pang init. Patunay na may tensyon pa ring naghahari sa pagitan nila. Gusto niyang tumakbo palabas ng opisina. Ngunit hindi niya magagawa iyon nang hindi magtataka ang mga empleyadong makakapansin sa kanya. At maging ang mga tuhod niya ay hindi kayang pakinggan ang dikta ng kanyang utak. Nangangalog iyon para sa isang maliit na hakbang na ginawa niya. “Let’s take a seat.” Kinabig siya ni Matthew sa baywang at dinala sa mahabang sofa. Sabay na bumagsak sa malambot na kutson niyon ang mga katawan nila. “Sa palagay mo ay ano ang gusto mong gawin? Ang lumipad palabas ng kuwartong ito?” Nasapo niya ng mga palad ang iniyukong mukha. “Please, Matthew,” she said helplessly. “Don’t ask anything.” “Why?” “Why?  Huwag mo akong kausapin. Nalilito ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.” She sounded like she was in panic. “Sienna, pang-ilang beses ko na bang narinig sa iyo iyan? Nalilito ka, hindi mo alam ang gagawin mo. Wala namang dapat ikalito. I told you, let’s get married. And everything will be fine.”  Binitawan siya nito para magkaroon siya ng sapat na espasyo.  Lihim niyang ipinagpasalamat iyon. She felt some comfort with such space. Nag-angat siya ng mukha at pinuno ng hangin ang dibdib. “Nothing is fine!” Hindi niya alam na sumigaw na siya. “Naguguluhan ako sa sitwasyon na ito. You told me you love me and wanted to marry me. And you insist that it’s for the best! Hindi ko alam kung tama. I hardly know you. Yet when you kissed me I lost myself! My God! Ano ang mukhang ihaharap ko sa iyo?” Kinabig siya ni Matthew at itinuro nito ang kanyang mukha. “This face, Sienna. The same face I fell in love with...” Anyo siyang hahalikan nito ngunit maagap siyang umiwas. “Oh, no, please don’t!” Hysterical na siya. Ilang sandali siyang pinagmasdan ni Matthew bago tumayo. Lumabas ito ng opisina at nang bumalik ay may dala na itong isang baso ng tubig. “Drink this,” utos nito. At sa pagitan ng pag-iyak ay natiyak niya ang awtoridad sa tinig na iyon at wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Inilang lagok lang niya ang tubig. Halos masaid iyon nang ibaba niya ang baso. “`Calm now?” untag nito. Iling ang isinagot niya. “Sienna, sweetheart...” Kinuha nito ang kamay niya at ikinulong sa palad nito. “Yes, we may hardly know each other but that’s not a big deal, really. I love you. That’s why I’m in a hurry to marry you.” Kinintalan nito ng halik ang likod ng kanyang palad. “Napakabilis nito.” “Don’t you believe in love at first sight? Believe me, when I first saw you that day in Greenhills, I was like Superman looking for you. Pero nawala kang parang bula. I don’t know where to find you. I don’t even know you. Then one day, I just saw you sitting here in my office. I had to control myself from laughing aloud. Instead, I settled myself in a wide grin.” Sa haba ng sinabi nito ay kumalma na siya. Isang bagay ang tumimo sa isip niya. Greenhills. “Greenhills?” Isinatinig niya ang nasa isip. “When did you see me there?” “Does ‘Fine Porcelains’ ring a bell?” She nodded mindlessly. “So?” “Wala kang naaalalang nakabangga? You were rushing out from the store.” Naalala niya. “Was that you?” “U-huh!” He made a trail of small kisses at the length of her arm. Napapasong binawi niya iyon. Nagsisimula na naman si Matthew at alam niyang mahirap nang tanggihan iyon. They already established a s****l awareness between them. Tumindig siya at hinagod ang damit. Kailangan niyang umiwas hanggang nasa tamang estado ang kanyang isip. “Babalik na ako sa mesa ko. Matagal na ako rito. Baka kung ano na ang iniisip ng ibang empleyado.” Hinaltak nito ang kamay niya dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak muli sa sofa. Ngunit maagap si Matthew. Bago saluhin ng sofa ang katawan niya ay sa matipunong katawan ng lalaki siya bumagsak. “To hell with what my employees would think. I want to feel my future wife beside me and nobody should contest to that!” Ramdam niya ang mga palad nitong nais galugarin ang buo niyang katawan. Halos nasa lahat ng dako at tila gustong damhin ang kabuuan niya sa isang iglap. “Matthew...” “Oh, not even you..!” Nag-aalab ang mga labi nitong dumantay sa kanyang makinis na leeg. IT WAS almost lunch time nang payagan si Sienna ni Matthew na lumabas ng opisina nito. She was trapped. At hindi siya nito pinayagang lumabas hangga’t hindi siya pumapayag na magpakasal dito. Kahit pinayagan siya ay hindi rin naman niya gustong lumabas. Paano niya ipapaliwanag sa makakakita sa kanya ang mga labi niyang halos mamaga sa mga halik nito? At huwag nang idagdag pa ang mga naiwang marka sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung ilang irap ang tinanggap ni Matthew mula sa kanya habang pinipilit ikubli ang mga markang iyon sa pamamagitan ng pagtataas ng kuwelyo ng damit. But to no avail. Kailanman ay hindi babagay sa estilo ng kanyang damit ang standing collar. Kung ipagpipilitan pa niya, it would only emphasize the obvious. At tuwing umuungol siya ng reklamo ukol sa mga markang iyon ay nagbabanta naman si Matthew na daragdagan pa iyon. She dared to challenge him. At napatunayan niyang walang inuurungang hamon ang lalaki. Ipinagpapasalamat na lang niya na ang mga markang idinagdag nito ay maitatago na ng damit. She sighed in wonder. Hindi niya alam kung ano pa ang pumipigil kay Matthew para angkinin siya nang lubusan. She had given him all the chances. Munti mang pagtutol ay hindi namutawi sa kanyang bibig ngunit maliban sa mapupusok na halik at paghaplos nito ay hindi na lumagpas pa roon. “You have nice hair,” pansin nito nang pilit niyang sinusuklay ng mga daliri ang buhok. Naalis na iyon sa maayos na pakaka-clip. “Keep them that way, will you?” “I will, “ aniya.  Pumihit na siya para tunguhin ang pinto. Bahagya niya iyong iniawang. Nagi-guilty siya sa ginagawa. Para siyang daga na masusukol ng pusa. At halos panlakihan siya ng mga mata nang sa munting kilos ng pinto ay awtomatikong lumipat doon ang pansin ng mga nasa labas. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang pinto. “What’s the matter?” kunot-noong tanong ni Matthew. He was fixing his tie. Kung hindi lang importante ang dadaluhang luncheon meeting ay ipapa-cancel nito iyon. “T-them,” aniya. “They all seem to be aware of us.” Para siyang high schooler na nahuli ng crush na nagmamasid dito. Kinakabahan siyang sumandal sa inilapat na pinto. Tumawa si Matthew. Humakbang ito papalapit sa kanya. “Halika nga.” Inabot siya nito at niyakap. He planted a soft kiss on her temple. “Bakit ba sila ang inaalala mo?” “Matthew...” “All right, sweetheart, for your peace of mind, don’t leave this room until they have all left for lunch. Get your bag and go home,” may lakip na lambing na utos nito. “Paano ang trabaho ko?” wala sa loob na tanong niya. He grinned. “Sa palagay mo ay anong trabaho ang na-accomplish mo ngayong umaga?” Napaawang ang kanyang mga labi ngunit inagapan iyon ng lalaki. “Don’t do that, Sienna. Or I would kiss you again. Makakalimutan ko na nang tuluyan ang appointment ko.” But then, he nipped her lower lip gently na mabilis ding tinapos. “Huwag mong intindihin ang sinabi ko. Really, higit na importante sa akin ang oras na ibinigay mo sa akin ngayong umaga kaysa anumang trabahong iniwan mo sa labas.” “Babalik ka ba agad?” Hindi niya alam pero mukha siyang batang ayaw maiwan ng ina. Nagtatanong ang mga matang tinitigan siya nito. Gusto niyang pagalitan ang sarili. Hindi pa sila kasal ngunit parang binibilang na niya ang oras nito. At sa mukha ni Matthew ay halatang hindi nito nagustuhan iyon. “I’m sorry. I don’t mean—” “Why did you ask?” agaw nito. Nagbaba siya ng paningin. “I can’t get out of this room. Nahihiya ako. Hihintayin na lang kita at sabay tayong lumabas.” “Kung isabay kaya kita ngayon?” Kumalas na ito ng yakap. Sunud-sunod ang pag-iling niya. “Matthew, makikita nila ako!” “Of course, they will. Hindi ka naman invisible,” tudyo pa nito ngunit agad ding bumawi. “All right. Stay here. I’ll come back as soon as I can.” Papunta na ito sa pinto nang tumigil. “Hindi ka ba magugutom kung maiwan ka rito?” “I could skip meals.” MAHIGIT isang oras siyang naghintay. At sa buong oras na iyon ay wala siyang ginawa maliban sa matulog. Nakadama siya ng antok at hindi niya iyon pinalagpas. Kakaunti ang naging tulog niya nang nagdaang gabi at may palagay siyang ganoon din ang mangyayari sa susunod pa. Naalimpungatan lang siya nang makarinig ng katok. Pasado ala-una pa lang. At kung si Matthew iyon ay lubhang napakabilis para tapusin nito ang luncheon meeting. Maliksi niyang inayos ang sarili saka binuksan ang pinto. Si Matthew nga. “Hi, sweetheart.” Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Waring kay tagal nilang hindi nagkita sa mga yakap na iyon. Nagmamadali siyang kumalas. “Why?” “May mga tao na sa labas,” nag-aalalang wika niya. Nakabukas pa rin ang pinto. At imposibleng walang nakakita sa kanila. Nagpatay-malisya lang ang mga ito na kunwa ay hindi sila pansin. “Sila na lang nang sila ang iniisip mo. Come on.” hinagip siya nito sa baywang. Nasa labas na sila ng opisina nang mahulaan niya ang gagawin nito. Ang kamay nito ay nakapulupot pa rin sa kanya at waring napagkit na roon. At sa anyo ng lalaki ay nasisiyahan pa ito sa nakikitang mga piping tanong sa mga mata ng empleyado. “Listen, everybody!” tawag ni Matthew sa atensyon ng mga naroroon. Iisang direksyon ang mga ulo nitong dumako sa kanila. Bawat isa ay may pagtataka sa mga mata. At hindi itinago ang pagtitig sa mga katawan nilang halos ayaw paghiwalayin ni Matthew. Siya ang nakadama ng pagkailang. Ngunit sa higpit ng yapos nito ay imposible siyang makawala. Si Anthony ang may lakas ng loob na lumapit. Humakbang ito patungo sa kanila. Ito lang ang nakakaalam ng kahulugan ng mga ngiting nasa labi nito. “Pare,” bati nito. Iglap na nawala ang pormalidad sa pagitan ng dalawang lalaki. Tinapik ni Matthew ang balikat nito at itinuloy ang nauntol na anunsyo. At bago ito nagbuka ng mga labi ay masuyo pang sumulyap sa kanya. Isang uri ng security ang nadama niya sa gesture na iyon. “I want all of you to know my forthcoming wedding with Sienna.” Umugong ang iba’t ibang reaksyon. Ilan ang nahuli ni Sienna na nagtaas ng kilay. Sa mga ekspresyon niyon ang pagkakamali sa akalang kabilang lang siya sa linya ng girlfriends ng amo. Ngunit mas nakararami ang natutuwa. “Kailan?” tanong ni Anthony. “As soon as possible. Baka magbago pa ito ng isip,” pabirong tugon ni Matthew. “Blow-out, Sir!” kantiyaw ng iba. “Sure!” Nagkaingay. Nagtayuan ang iba at lumapit sa kanya. Pareho sila ni Matthew na inulan ng pagbati. Tanggap lang siya nang tanggap ng mga pagbati ng mga ito. She was all smiles. Hindi niya alam na sasaya siya nang ganoon. Hindi niya inaasahan iyon. At anumang pag-aalinlangan sa puso niya ay tuluyang nabura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD