HINDI alam ni Sienna kung paano kikilos nang pumasok siya sa opisina. Alam niya, kahit na ano ang gawin niya ay hindi na kagaya ng dati ang magiging kilos niya lalo at nasa paligid lang si Matthew.
Pumasok siya sa katulad ding oras, maagang hinarap ang trabaho at pilit na itinataboy ang isiping personal na may kaugnayan kay Matthew.
“Ang sipag naman ng ale,” bati ni Anthony. Hindi niya namalayang nakalapit ito. Subsob siya sa ginagawang pag-aayos ng file.
“Good morning,” ganting-bati niya.
“Yeah, it’s a very good morning. Sienna, kalalagpas lang ng alas-otso ay mukhang pang-ala-una na ang sinisimulan mong trabaho. Look at the others, ngayon pa lang nagsisimulang magtrabaho kung hindi man nagre-retouch pa ng make-up sa CR.”
“Gusto kong tiyaking maayos palagi ang lahat. Malapit nang bumalik dito si Ariel. Gusto kong kung ano ang sistemang iniwan niya ay ganoon din ang datnan niya. Ayokong para siyang nanganganay pagbalik.” Somehow that was true.
“Speaking of Ariel,” anito, “ang sabi sa akin ng big boss ay maghanda ako ng training para sa managerial level. Kay Ariel yata ibibigay ang posisyon. You’re lucky, Sienna. You will be retained. Napakadali ng trabaho. At mataas ang suweldo,” habol nito nang walang halong sarkasmo.
Ngunit hindi niya masyadong napansin iyon. Ang malinaw na narinig niya ay ang training para kay Ariel para sa ibang posisyon. Anong mukha ang ihaharap niya kay Ariel ‘pag nalaman nitong napunta sa kanya ang trabaho nito at hindi naman niya sinadya?
“Kailan sinabi sa iyo ni Ma-sir?” biglang bawi niya. Muntik na niyang sabihing “Matthew”. At sa wari ay kahit na naagapan niya ay nahalata rin ni Anthony.
“So, you are one of the few privileged people who are given permission to call him by his first name?” puna nito. At matabang siyang minasdan. “I don’t want to ask why.”
“Anthony, kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka.” Nag-aapuhap siya ng sasabihin. “Walang pailalim na dahilan sa pagtawag ko sa kanya sa pangalan.”
“You’re so defensive, Sienna. Wala naman akong ibig sabihin sa sinabi ko,” ani Anthony.
“At isa pa, wala rin naman akong nakikitang masama roon,” sabi ng isang tinig.
Pareho silang napalingon ni Anthony. Sinuman sa kanila ay hindi namalayan ang paglapit ni Matthew. His face was blank. Naitagong mabuti kung ano man ang emosyon.
Unang nakabawi si Anthony. Bumati ito kay Matthew na ginantihan naman ng lalaki. Sumulyap lang sa kanya si Anthony at bumalik na ito sa mesa.
Naghagilap siya ng mapagbabalingan ng atensyon. Hindi niya ito kayang harapin. At lalo siyang natetensyon sa pagbangon ng kaba sa dibdib niya.
Subalit walang kibo na pumihit si Matthew at tinungo ang opisina nito. Naiwan siyang nagtataka. Nakamasid sa dinaanan nito. She was expecting him to say something. At hindi nito ginawa.
Nagkasunud-sunod ang mga tawag sa telepono. Iyon ang hinarap niya. Puro paghingi ng appointment kay Matthew na hindi na niya kailangang ikonsulta rito kung kaya’t kahit sa intercom ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap.
Pilit niyang inabala ang sarili nang makatanggap siya ng tawag mula kay China.
“They’re gone, Tita Sienna,,” walang pasakalyeng wika nito.
“Gone?” ulit niya, nagtataka sa tanong ng bata. “Ang alin?”
“My pains and my period.” Narinig niyang tumawa ito. “I was having pain yesterday that’s why I didn’t go with Daddy. Now, it’s gone. And so is my period!”
“Okay ka na ngayon?”
“Yeah. The only regret I have is I wasn’t able to have dinner with you. `Kakainis si Daddy, ayaw magkuwento. Tita Sienna, how was your date with Daddy?”
Muntik na siyang masamid. Hindi malaman kung paano sasagutin ang tanong na iyon.
Hagikgik ni China ang narinig niya sa kabilang linya.
“What’s funny, Chin?” sita niya. Wala siyang kamalay-malay na bukod kay Matthew, siya pa lang ang tumawag kay China sa palayaw nito. And it meant so much to China. Nahinto ito sa pagtawa.
“I think I’m right, Tita Sienna. I’m right for choosing you.”
“What do you mean?”
“I told Daddy, that if he marries again, I want it to be you.”
“China...”
“Don’t you want me, Tita Sienna?” May lambing sa himig na iyon.
She sighed. “I like you, of course.” She was lost for words.
“Tita, I said I want you to be my mommy. Would you love me as your daughter?”
“Chin—”
“China! Stop asking her like that!” Sabay silang nagulat sa tinig ni Matthew na sumingit sa extension ng telepono. Kanina pa ba ito nakikinig sa usapan nila?
Nasindak marahil si China dahil namatay na lang bigla ang linya nito. Ni hindi nakuhang magpaalam sa sinuman sa kanila. Ibababa na rin niya ang hawak na awditibo nang marinig ang tinig ni Matthew.
“Sienna, I know you’re still there. Please, come to my office.”
Hinamig niya ang sarili bago itinulak ang pinto. Iniwas niyang tumingin sa mga mata ni Matthew. Hindi niya alam kung ano ang mababasa roon. At hindi rin niya alam kung ano ang aasahan sa pag-uusap nila kung pagbabatayan ang bukas ng mukha nito.
His face was formal, so businesslike.
Walang imik na umupo siya sa visitor’s chair. Tahimik ding nakamasid ang lalaki. Ni hindi umahon ang likod nito sa pagkakasandal.
“First, you forgot to bring my coffee this morning.” Flat ang tono nito.
“I’m sorry,” aniya. Totoong nakalimutan niya ang trabahong iyon. Anyo siyang aahon sa silya nang sansalain nito.
“Don’t bother now, I could survive without that.” Nanatili sa boses nito ang kawalan ng emosyon.
Nanatili rin siya sa pagkakaupo. Ipinako niya ang paningin sa sahig, naghihintay ng anumang sasabihin ni Matthew. Sa tensyon ay napisil-pisil niya ang mga dulo ng daliri.
“Okay, tell me why you forgot my coffee.”
Nag-angat siya ng mukha. “S-sorry. I—”
“Cut your sorry,” sansala nito. “Sinabi mo na iyan kanina.”
Napabunot siya ng paghinga. “My God!” bulalas niya na hindi napigil ang sariling magtaas ng boses. “Matthew, pabayaan mo naman akong magsalita. Mientras pinipigil mo ako sa sasabihin ko, lalo akong natetensyon!”
Tumindig si Matthew. Lumigid ito sa kinalalagyan niya kaya hindi niya napansin ang isang ngiting sumilay sa mga labi nito. Tumigil ito sa kanyang likuran. Napapitlag pa siya nang dumantay ang mga palad nito sa magkabila niyang balikat.
“All right, speak up.”
Humugot siya ulit ng hininga. Parang lalo pang nagkakabuhol-buhol ang mga hininga niya sa paglapit nito. At para sa kanya ay hindi mabuti iyon.
“Hindi ko sinasadya. Nagkasunud-sunod ang phone calls. I had to attend to them.”
“Iyon ba ang dahilan?” arok nito. Ang mga palad ay nagsimulang gumalaw na tila nagmamasahe. Pinigil niya ang sariling bumuntunghiningang muli. Tila wala namang silbi ang gayon. Lalo lang pinangangapusan ng hangin ang kanyang baga.
“Wala n-nang iba pa.”
“Nice to hear that,” anang lalaki. “Akala ko ay si Anthony ang dahilan.” May nahihimigan ba siyang pagseselos sa tono nito?
Tumingala siya para hanapin ang kasagutan sa mukha nito at muntik nang mag-abot ang kanilang mga mukha. He was probably about to kiss her head. Ngunit sa ginawa niya ay ang mga mukha nila ang nagtagpo.
Puno ng emosyon ang mga mata ni Matthew. At kung pagbabatayan niya iyon ay maniniwala siyang selos nga ang nasa likod ng paninita nito.
Umakyat ang isang palad nito sa batok niya. Tumigil iyon doon para pigilin ang anumang kilos ng kanyang leeg. Unti-unti ay bumaba ang mukha nito sa kanya.
Even the idiot of all idiots could tell what he was going to do. And she was numb to make any move to prevent him.
Sa halip ay ipinikit niya ang mga mata at naghintay sa pagdampi ng mga labi nito sa kanya. Ni hindi siya nainip. Ang sumunod na namalayan niya ay ang mainit na pagdampi ng mga labi nito sa mga labi niya.
It was hot and moist. At tila may kalakip na libong boltahe na gumapang sa buo niyang katawan para payagan niyang palalimin nito ang halik. Hindi niya alam kung kailan kusang naghiwalay ang kanyang mga labi. Her moans were all supressed in her throat.
Maybe, it was because she was celibate for a long time. Or maybe, it was because she had forgotten all her intimacies with Mike that she now felt like it was her first time.
Mabilis niya iyong inilagay sa likod ng isip. Comparison was not the thing she had to think of now. At bago pa man siya sumunod sa sariling dikta ng isip ay naramdaman niyang lalo pang umaalab ang pag-angkin ni Matthew sa kanyang mga labi.
He was yearning for her to respond.
At ginawa niya iyon nang buong puso. Ang mga kamay niya ay tumaas para yumakap sa leeg nito. Matthew let a moan to escape from his throat. At sa pansamantalang paghihiwalay ng kanilang mga labi ay sumagap siya ng hangin. Literal na kailangan niya ng hangin. At hindi nagpalit-saglit ay muli nitong inangkin ang kanyang mga labi.
Nawala ang kamay nitong pumipigil sa batok niya. Naramdaman niya iyong gumapang pababa sa kanyang likod at mabining nagmamasahe habang ang isa ay yumapos sa kanyang baywang.
It was a split of a second at naiahon siya nito sa upuan. Nailipat siya nito sa malapad na mesa. At bago siya makausal ng protesta ay angkin na nitong muli ang mga labi niya.
Tila may baga iyong tumutunaw sa kahuli-hulihang lamig niya sa katawan. She was on equal fire. Pinayagan niyang maglakbay ang mga palad ni Matthew sa kanyang katawan.
Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Mula roon ay gumawa ng masarap na landas hanggang sa gitna ng kanyang dibdib. Ni hindi nito tinangkang ibaba ang zipper ng kanyang bestida. He was kissing her with her dress on. At halos ikaliyo niya ang masarap na pakiramdam. Hindi niya kayang isipin kung ano pa ang maaaring maramdaman kung hihigit pa roon.
Mula sa pagitan ng maumbok na dibdib ay muling umakyat ang mga labi nito. Huminto iyon sa likod ng kanyang tainga. Mabilis na nahanap ang malambot na bahagi.
Napasinghap siya nang mabasa iyon ng halik. Daig pa niya ang kinuryente. Naiarko niya ang katawan. Maagap iyong sinundan ng katawan ni Matthew. Humahaplos ang palad nito sa likod ng kanyang baywang. Tumaas iyon at sa isang iglap ay naibaba ang zipper pagkatapos ay muling humaplos ang mga palad pababa sa kanyang gulugod. Sa isang mosyon ay kinabig siya nito para lalong pagdikitin ang kanilang mga katawan.
She could sense what that hard part poking at her was. And behind her ear, Matthew whispered something. “Please agree, Sienna. Let’s get married.”
Napatuwid ang kanyang likod.