Part 7

2438 Words
MAHIGIT isang linggo na si Sienna sa Elegant Tiles. Normal ang araw-araw na nagdaan maliban sa partikular na araw na iyon na tensyonado siyang umalis ng bahay. Mainit ang ulo ni Mama Sylvia. Nabigla ito nang malaman ang ginawang pagpapakasal nina Ariel at    Lucy sa huwes. At noon lang niya nakitang nagalit ito nang husto. Ito lang ang makapagsasabi kung ano ang damdamin nito sa bagong manugang. At pati si Mickey ay nakikisabay rin. Mula nang magsimula siyang magtrabaho ay wala siyang narinig buhat sa anak. At hindi niya alam kung ano ang nakain nito at nagmamaktol. “Huwag ka nang magtrabaho, Mommy,” ungot nito kanina habang nagbibihis siya. Nagisnan na niya si Mickey sa kanyang kuwarto. Bihirang mangyari iyon. Lalo na ngayon at nasa stage na si Mickey ng pagiging binatilyo. Kaunting yakap lang niya ay humihiklas na ito. “Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman ang nagpasok sa akin.” Patuloy siya sa pagbibihis. “Dati naman, hindi ka nagtatrabaho,” ungol pa ni Mickey. “Malaki ka na at hindi na alagain. Kaya puwede na akong magtrabaho. `Di ba may mga friends ka na nga na ayaw mong ipakilala sa akin?” kunwa ay sumbat niya rito.  Alam niya, nagkakaroon na ng crush si Mickey. At kung hindi pa siya ang nag-ayos ng closet nito ay hindi niya madidiskubre ang pinakatagu-tagong picture ng isang babaeng kaedad nito. The girl was cute. Pamilyar sa kanya. At mabilis niyang naalala na apo iyon ng isang kaibigan ni Mama Sylvia. Nakakamatay ang irap na ipinukol sa kanya ni Mickey nang tingnan niya ito mula sa repleksyon ng salamin. “Mommy, ha?” Nanggagalaiti ito. “Why deny her, darling? Wala namang problema sa mommy,” madiplomasya niyang tugon. “See, you’re growing up. One day, sasabihin mo na lang sa akin, you’re getting married. Maiiwan na si Mommy. At least man lang may trabaho ako para hindi naman ako masyadong malungkot, `di ba?” “You mean, you don’t intend to get married again?” Nagbangon-sigla si Mickey. Natigilan siya. Matagal na nilang hindi napag-uusapan ng anak ang tungkol sa “pag-aasawa” niya. At matagal na ring hindi iyon sumasagi sa isipan niya. Kung hindi pa iyon nabanggit muli ni Mickey ay lubusan na nga niyang nakalimutan ang tungkol doon. “Mickey, hindi natin alam. `Di ba, there are things that come unexpectedly?” Nanulis ang nguso nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang isinagot niya. Ipinagkibit-balikat niya iyon. Hindi dahil sa totoo sa loob niya ang isinagot kung hindi gusto niyang maging bukas ang mga mata ni Mickey sa mga posibilidad. “Basta. Sa akin, walang kapalit si Daddy.” “And who told you na papalitan ko ang daddy mo? No one could replace him, Mickey. Kung mayroon mang darating, you’re going to accept him as another. `Di ba, we could give love naman to everybody?” “Basta!” Mas may diin ang tono nito. “I don’t want you to get married again. Dapat si Daddy lang ang love mo.” At saka maagap na idinugtong. “Saka nga pala ako, si Tito Ariel at Lola Sylvia.” Parang gustong matigatig ni Sienna sa tinuran ng anak. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Mickey sa posibilidad na iyon. Ngunit ipinagwalang-bahala niya. Tutal ay wala naman talagang lalaking nagkakainteres sa kanya. At hindi rin naman niya hinahanapan ang sarili na magkainteres sa opposite s*x.  Tinanggal na niya ang posibilidad na iyon. Sino ba naman ang magkakagusto sa katulad niya, na kung biruin nga ni Ariel ay may “extra baggage”? Hindi niya balak na mag-asawa kung masasakripisyo si Mickey. Ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo ang sarili kung darating ang araw na kailangan niyang mamili sa pagitan ng anak at asawang-kauli. “Promise me, Mommy, you will not get married again.” Mahigpit ang salitang iyon na binitiwan ni Mickey. At para matapos na lang ang usapan nila ay nakiayon na lang siya. “Okay, I promise.” “Cross your heart?” kulit pa ni Mickey. “Cross my heart.” Para malubos ang kasiyahan ng anak ay gumawa pa siya ng imaginary cross sa tapat ng dibdib. Ngumiti na si Mickey. At bago siya lumabas ng kuwarto ay niyakap pa siya nito at binigyan ng matunog na goodbye kiss. May init na humaplos sa puso niya. Pakiwari niya, Mickey was a little boy again. Malambing. Palaging nakadepende sa kanya. Pinagamit sa kanya ni Mama Sylvia ang isang kotse nito at iyon ang service niya mula nang mag-opisina. At habang daan ay hindi niya maiwasang maisip ang mga sinabi ni Mickey. Sa huli ay ipinagpalagay na lang niyang ganoon ang naging epekto ng pag-aasawa ni Ariel sa bata. Naging paranoid ito na iniisip na siya naman ang susunod na mag-aasawa. No way! anang isip niya. Maligaya na siya kay Mickey. At kung biological needs ang pag-uuusapan ay matagal na niya iyong ibinaon sa limot. She had so many activities to do to divert her attention. “GOOD morning, Sienna.” Matamis ang bati ni Matthew sa kanya. Hindi na siya nagtaka na nauna pa ito sa kanya. Sa loob ng isang linggo ay pangalawang beses na iyon. At kung sa mansyon nito ito natulog o sa opisina ay wala siyang ideya. “Good morning, Matt,” ganti niya. Nasanay na rin siyang tawagin ito sa pangalan nito. Wala pang alas-siyete y medya at sila pa lang ang nasa opisina. “Isusunod ko na lang ang kape sa loob.” Nakasanayan na rin niya ang pagtimpla rito ng kape. Nang ipasok niya ang isang tasa ng kape sa opisina nito ay nakaupo na si Matthew sa likod ng mesa nito. He tend to be workaholic sometimes. Ngunit hindi sa umagang iyon. Inabala ng lalaki ang sarili sa pagbubuklat ng pahayagan, ngunit agad na nag-angat ng paningin nang mamalayan ang pagpasok niya. “Thanks, Sienna. Why don’t you sit first?” Tumalima siya. Hindi na rin bago iyon. Kung wala rin lang masyadong trabaho ay nagkukuwentuhan sila ni Matthew. At dahil nga doon kaya hindi na siya asiwang tawagin ito sa unang pangalan nito. “I’m just thinking, ano kaya kung sa halip na si Ariel ang secretary ko ay ikaw na lang?” Pagkatapos ay humigop ito ng kape. “Ha!” nabiglang wika niya. “Reliever lang ako rito. Hindi ko gustong palitan ang talagang nasa puwesto.” “I know Ariel’s capability. Siya lang itong tumatanggi kapag inaalok ko siya ng ibang posisyon. Pero wala siyang magagawa kung sa iyo ko gustong ipasa ang trabaho niya at bigyan siya ng iba. Hindi naman ibig sabihin n’on ay tatanggalan ko na siya ng trabaho.” “Hindi ko gustong makasagasa ng iba,” paninindigan niya. “Besides, alam ko namang hindi permanente ang posisyon ko rito.” Walang reaksyon sa mukha ni Matthew. Hindi niya alam kung sinusubukan lang siya nito o talagang seryoso ito sa sinabi. “Nagtataka ako sa iyo, Sienna. This is your first job, isiping iyan na ang edad mo. No offense meant, but didn’t you look for a job when you graduated from college? What made you busy?” Nagkibit siya ng balikat. Palagay ang loob niya kay Matthew. At wala na rin siya sa oras ng interview para maging de numero ang kilos. “I just stayed home. From time to time, nag-iikot sa mga sanglaan.” Nangunot ang noo ni Matthew. “Who’s with you?” “Si Mama Sylvia.” Muntik nang sumala sa mga labi ni Matthew ang tasa. Nagtataka marahil ito sa closeness niya sa mama ni Ariel. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Sienna. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay binata pa ako?” “Hindi,” matapat niyang sagot. “Bakit ilang taon ka na ba?” “Thirty-three.” “Sa panahon ngayon, normal lang kung wala ka pang asawa sa edad mong iyan. Kahit nga mga babae ngayon kahit lagpas na ng twenty-five, hindi naba-bother kung hindi pa nag-aasawa.” “Like you?” pananalakab ni Matthew. “Mine is a different case,” paiwas niyang sagot.  At para hindi na humaba pa ang usapan ay disimulado niyang sinulyapan ang relong pambisig. Nang bumalik siya sa mesa ay isa-isa nga niyang pinrepara ang minutes. Saglit lang iyon. Nang matapos ay inilagay niya sa outbox at bahala na roon ang mensahero. Wala na ulit siyang gagawin. Hindi niya maiwasang balikan ang pinag-usapan nila ni Matthew. Iwas na iwas siya sa ganoong usapan. At lalo siyang naiilang ngayong si Matthew ang nagtatanong. Sa paglikwad ng mga araw ay nakita niya ang iba pang katangian ni Matthew. At nakakaalarma ang pagiging bukas ng mga mata niya dahil unti-unti siyang nagkakaroon ng ibang pagtingin sa lalaki. Nananatiling nakaupo sa likod ng mesa si Matthew. Patung-patong sa harap niya ang mga papeles na dapat pirmahan ngunit hindi niya pansin ang mga iyon. Ang isip niya ay naka-focus sa umalis na dalaga. Sienna was no doubt a beauty. Kaya nga ganoon na lang ang tuwa niya nang malamang ito ang papalit kay Ariel kahit na pansamantala lang. At ang totoo ay seryoso siya sa pag-alok dito ng posisyon. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin sa pagtanggi nito. She looked fulfilled with her life. Bagay na ngayon lang niya nakita sa isang babae. Kung sa iba ay magkukumahog pa ito sa posisyon, hers was higher kumpara sa karaniwang trabaho. At natural na malaki rin ang suweldo. Gusto niyang pagtakhan kung bakit ito tumanggi gayong wala namang ibang higit na maipagmamalaking trabaho. Unless ang pag-ikot-ikot nito sa mga sanglaan ay nangangahulugang ito ang namamahala sa negosyong iyon. Ang alam niya ay iyon din ang negosyo ng pamilya ni Ariel. Kaya siguro nagkakilala sina Lucy at Ariel. At isa pang pinagtatakhan niya ay ang sarili. He was supposed to chase her. At ngayong abot-kamay na lang niya ito ay hindi naman niya ginagawa. Hindi niya alam kung ano ang pumipigil sa kanya. Kung ang pagiging hipag nito ni Ariel ay hindi malaking issue. Kahit pa ganoon kahigpit ang bonding ng dalawang pamilya. Kauna-unahang pagkakataon iyon na hinahayaan niyang lumipas ang mga araw na wala siyang ginagawang hakbang gayong sigurado siya sa sarili na gusto niya si Sienna. Napabunot siya ng paghinga. He couldn’t tell why gayong sa araw-araw ay lalong tumitindi ang gusto niya sa dalaga. He wished he could win her easily. Ngunit may palagay siyang malabong mangyari ang bagay na iyon.  Nakikipagkuwentuhan sa kanya si Sienna, all right. Ngunit may mga pagkakataong hindi niya ito maabot. Tila may pader na itinayo ang dalaga sa sarili nito. Kagaya na lang kanina. Nang masanggi niya ang personal na buhay nito ay agad itong umiwas. He wondered kung ano ang itinatago nito, ngunit siya na rin ang nagsabi sa sariling wala sa mukha nito na may gusto itong ipagkaila. Probably, she was just a very private person, konklusyon niya. Kunsabagay, hindi naman lahat ay kayang ikuwento ang buong buhay sa isang taong hindi pa lubos na kakilala. But God knows, I’d like to know her better, daing niya sa sarili. Matanggap kaya niya si China? Nasa ganoon siyang malalim na pag-iisip nang tumunog ang cellphone. “Yes?” sagot niya. He knew who was calling. At kunwa ay pinapormal niya ang tinig. “Daddy? Are you busy?” Si China. Alanganin ang tinig nito. She was always like that kapag ganoon ang tono niya. At apologetic kapag nalamang nakakaabala ito sa mga trabaho niya. Napangiti siya. China was the joy of his life. Kailanman ay hindi niya itinuring na sagabal ito sa ano mang pinagkakaabalahan niya. His little girl was a blessing for him. Kahit na hindi niya inaasahan ang pagsulpot nito sa mundo. “For my baby, kahit ano bibitawan ni Daddy.” kasingsigla ng tinig ni China ang tugon niya. “I just want to tell you two times nang tumawag rito si Tita Rowie. Hindi ka raw ma-contact diyan.” “I can’t guess.” His number was for his child only at sa katiwala sa bahay. Lahat ng iba pang tawag ay dumadaan kay Sienna bago niya ito sagutin. He had time for business. Tiwala siyang kapag para sa kanya ang kliyente ay mapapasakanya kahit na hindi niya ipamigay ang personal na numero. “Did she leave any message?” “Did she?” ulit ni China. Kahit bata ay may katarayan din ito. She never liked Rowie. At hindi niya alam kung sino ang unang nagkaroon ng disgusto kanino. Rowie despised his child too. Hinayaan na niya ang ganoong reaksyon ni China. He did not make any effort para paglapitin ang loob ng dalawa. Alam na niya noong una pa lang na hanggang girlfriend lang ang kaya niyang ibigay na turing kay Rowie. Alam din ng babae iyon. At ang totoo ay hinihintay lang niyang maunang manggaling dito ang pakikipagkalas. Nahiling niyang sana ay mangyari na iyon sa madaling panahon. Maybe, by that time ay makukuha na niyang lumigaw kay Sienna. At wala na siyang itatago pa rito. Naipilig niya ang ulo. His child was on the other line at ang utak naman niya ay muling bumabalik kay Sienna. The thing became alarming. “Tell me, darling. Your call is not really about that, am I right? What do you really want?” “Nothing. I did not see you this morning. You did not kiss me goodbye.” May sumbat sa tinig nito. At naisip niya na sana ay hindi magbago ang ganoong lambing ni China sa kanya. “I did. Tulog ka pa kaya hindi mo alam.  Makakaalis ba naman ang daddy nang hindi ka nakikita?” “Anyway, I wanted to tell you that I love you, Daddy.” “Same here, my baby. I love you, too.” Sa libong beses na pagkakataon mula nang isilang si China ay nakanti nito ang kanyang damdaming-ama. “Can I make a request, Daddy?” “Anything. What is it?” “I don’t want Tita Rowie to become my new mommy. Could you look for another?” Muntik na niyang ikasamid iyon. Kung katangian mang maituturing ang kaprangkahan ng anak ay hindi niya alam. Minsan ay biglang-bigla na lang na magsasalita ito nang walang preno. “Please, Dad.” Nakikiusap ang himig nito. “China, I won’t get married kung hindi mo rin lang makakasundo. We have survived for the past eleven years and we could for all the years to come.” Hindi lang pangako iyon sa anak kundi isang sumpa. At mula nang magkaisip ito ay iyon na ang itinanim niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD