STEPHANIE Nang humupa ang baha at pwede nang madaanan ang mga daan, nagpahatid agad ako kay Allen kahit gabi na. Baka kasi hindi na siya makapagtimpi sa akin kapag nanatili pa ako sa glasshouse niya. Pagdating namin, tiningnan ko agad kung may tulo sa buong apartment ko. Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong nakita. “Dala ko pala ang tuwalya na ginamit ko. Lalabhan ko muna, saka ko ibabalik sa ‘yo,” sabi ko kay Allen nang umupo ako sa pang-isahang sofa. Kumunot ang noo niya. Mayamaya, tinapik niya ang sofa. Pinapaupo niya ako sa tabi niya. Bumuntong-hininga ako at tumayo. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga kamay. Nilaro niya ang mga daliri ko. “Why?” Nakakahiyang sabihin, pero mas mabuting alam niya. Baka hindi rin niya ako tigilang

