STEPHANIE Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay siyang magsalita. Nandito kami nakaupo sa pinakadulong mesa. Pakiramdam ko kasi, malalim ang pag-uusapan namin. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin? May trabaho pa ako,” agaw ko sa atensyon niya. Sumimsim siya sa kape na in-order niya bago tumingin sa akin. Kumunot ang noo ko nang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. “I just wanted to thank you for being with Allen while I was not around.” Hindi ko napigilang taasan siya ng kilay. Parang pinaparating niya na substitute niya ako habang wala siya. Kung makapagsalita siya ay parang hindi niya iniwan si Allen. “Diretsuhin mo na ako, Levine,” seryoso kong saad. Kung wala ako sa oras ng trabaho ko, pwedeng magtagal ang pag-uusap namin. Nakakahiya sa boss ko at mga kasama kong

