ALLEN Mula sa side mirror, nakita kong bumalik sa loob ng apartment si Stephanie. Bumalik ako at ginarahe ang sasakyan ko hindi kalayuan sa apartment niya. I just want to confirm that her sibling will be the one visiting her. Pinatay ko ang headlight ng sasakyan ko. Naghintay ako. Mayamaya, muling lumabas si Stephanie. Parang may hinihintay siya sa labas. Makalipas ang ilang sandali, may dumating na kulay pulang sasakyan. Kapatid na siguro niya ito. It caught me by surprise that her sibling owns a car. O sadyang maganda lang ang buhay ng kapatid niya, kaya parang mas angat ito sa kanya? Pero mas may igugulat pa pala ako nang lumabas ang kapatid niya mula sa sasakyan. Ang inaasahan ko, lalaki ang kapatid niya, pero hindi dahil babae ang lumabas sa sasakyan. Halata sa pigura nito at naka

