STEPHANIE Humihikbi pa rin ako nang pinasya kong kumalas ng yakap kay Ma’am Theresa. I don’t understand why I can’t control my emotions. I can’t find the answer. “Dito ka na lang muna. Kami na ang bahala sa labas. Mayamaya, pwede ka nang umuwi.” Nag-angat ako ng mukha. “P-pero hindi—” “It’s okay, hija. Ang mahalaga, makapagpahinga ka. At saka…” Dinala niya ang kamay sa noo ko para salatin ito. “Parang mainit ka. Naulanan ka ba?” Naalala ko nang maulanan ako kahapon sa compound ng El Casa. “Opo, pero naligo naman po agad ako.” “I see. But you still need to rest, okay?” “S-sige po.” Tumayo si Ma’am Theresa. Patalikod na siya sa akin nang hawakan ko ang kamay niya. “T-thank you po palagi sa pagdamay sa akin, ma’am. And thank you for always guiding me.” Hindi ko mapigilan na tumulo a

