STEPHANIE Inalalayan ako ni Allen papunta sa apartment ko. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pagpasok namin, agad akong umupo sa sofa. Mayamaya, nanginginig na bumaluktot na ako ng higa sa sofa. Pinatong agad ni Allen sa sofa ang bag ko na hawak niya. Pumunta siya sa kwarto ko. Pagbalik niya, may dala na siyang kumot. Ilalagay na sana niya ito sa akin, pero tumigil siya. “SJ, you need to change your clothes. Basang-basa ang pantalon mo. Basa rin ang jacket na suot mo. Mas lalo kang lalamigin kapag hindi ka nagpalit,” utos niya sa akin. Hindi na ako sumagot. Bumangon ako at tumayo. Pero nahilo ako, kaya muntik na akong matumba. Mabilis naman niya akong inalalayan. Sinamahan niya ako hanggang kwarto. Hindi ko na kayang kumilos, kaya siya na rin ang kumuha ng damit ko. Wa

