STEPHANIE Nag-shower muna ako para presko at masarap ang tulog ko. Saka baka mabawasan ang inis na nararamdaman ko sa lalaking iyon. Pero nang matapos na akong mag-shower, hindi pa rin nawawala ang inis ko. Lalo lang itong nagdagdagan sa paglipas ng oras. Tumayo ako sa harap ng wall glass. Mula dito, tanaw ko ang maliwanag na mga kabahayan na gawa sa salamin. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto na kinaroroonan ko, kaya hindi mapapansin na may tao ang nagmamasid mula dito. Pangarap ko rin noon na magkaroon ng ganitong bahay. Kami ni Sefanie, pangarap namin ‘yon. Sabay kaming nangarap, pero dahil sa mga nangyari, hindi na nga namin natupad, magkaibang landas pa ang aming tinahak. Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng kama. Lumapit ako at dinampot ito. Nagsalubong ang ki

