STEPHANIE Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso sa utak ko ang sinabi niya. Paano kung nagbibiro lang pala siya? Paano kung sinusubukan lang niya ako para takutin lang ako? Kumunot ang noo niya nang ngumiti ako. Tumalikod ako sa kanya at tiningnan ang shooting target. Gusto kong makita kung may tinamaan ba ako. “Pwede mo bang ilapit? Gusto kong—” Naputol ang sasabihin ko nang marahas niya akong pinihit paharap sa kanya. Halos magdikit na ang kilay niya. “A-Allen…” “Hindi ka naniniwala sa akin, tama?” Mabilis akong umiling. Ayokong maniwala ng walang basehan. Pero ang totoo, nanginginig ang katawan ko sa takot, na kung sakaling mafia silang lahat na nakatira dito, natatakot ako para sa kaligtasan ko. Hindi lingid sa kaalaman ko kung anong klaseng mundo mayroon ang mga mafia. Kaya

