Epilogue

3574 Words
Epilogue   I can’t help but to smile a bit when I went out from the provincial bus. Nasa terminal na ako ngayon dito sa Maynila. Hindi ko mapigilang mapalingon sa mga nagtataasang building at bagong establisyemento sa paligid. Parang kailan lang noong huli akong tumapak dito pero pansin ko na agad ang maraming pagbabago.   Habang hawak ang dalawang strap ng aking backpack ay nagsimula akong maglakad sa sidewalk. Mabuti na lang at hindi mainit ang panahon ngayon. Tanging puting t-shirt at kupas na maong jeans lang ang aking suot. Medyo nadumihan na nga ang aking gray rubber shoes na luma na rin kung titingnan.   “Hello again, Manila.” I uttered as I stopped in front of a huge billboard.   Dati pangarap kong mailagay ang aking larawan sa naglalakihang billboard sa siyudad. Pangarap kong magtagumpay sa larangan ng Advertising at Public Relations. Pangarap kong manatili sa air-conditioned office habang nakaharap sa aking Macbook at abala sa mga paper works. Pangarap kong mai-feature sa mga sikat na TV shows at magazines in both local and international platforms.   Pero noon ‘yon.   Napailing na lang ako sa alaala ng nakaraan na pumasok sa isip ko. Kinapa ko ang aking bulsa at hinagilap ang kapirasong puting papel na bahagyang nagusot. Nakasulat doon ang address ni Klea dito sa Maynila. Wala na kasi kaming komunikasyon dahil wala namang signal ang cellphone sa lugar na kinaroroonan ko. I disposed all of my gadget years ago. Kaya ang tanging paraan para makita ang pamilya at kaibigan ko ay ang puntahan sila dito sa Maynila. Palipat-lipat din naman kasi ako ng lugar kaya wala akong eksaktong address na maibibigay sa kanila. Besides, they respected my decision back then. Hindi sila nagtanong. Hindi sila tumutol kung bakit iyon ang naging desisyon ko noon.   Ilang oras lang ang naging biyahe  sa pampasaherong jeep at narating ko na ang address nila Klea. Sa isang exclusive subdivision ‘yon kaya naghintay pa ako sa entrance para itawag sa bahay ng kaibigan ko ang tungkol sa aking pagbisita. Ilang sandali pa ay may dumating na sasakyan na sa tingin ko ay driver nila para sunduin ako. Nagpasalamat ako sa guard kahit noong una ay sinungitan niya ako.   I don’t know. Maybe because of the way I look that’s why he treated me that way. Kung nakasuot siguro ako nang mas pormal o disente ay baka hindi niya ako tiningnan nang ganoon. Bahagya ko pang pinagmasdan ang aking repleksiyon sa rearview mirror ng kotseng sinasakyan ko. Okay naman ang hitsura ko ah!   Mukha lang talaga akong probinsiyana dahil sa suot ko at kulay ng balat. I no longer have my natural long black hair, bob cut na ang hair style ko ngayon na mas komportable para sa akin. I admitted that I became tan since I’ve spent my days most of the time outside unlike before.  Kaya siguro hindi na rin ako makikilala agad ng mga taong nakasalamuha ko noon dahil sa pagbabago sa akin maging sa pisikal. I lost weight and became slimmer. I even got a tattoo on my right arm. Bible verse ang ipinalagay ko doon.   “Asha!” Patakbong lumapit sa akin si Klea nang bumaba ako ng sasakyan. Agad niya akong niyakap nang mahigpit hanggang sa maramdaman ang luha niya sa aking balikat. Ganyan siya palagi kapag umuuwi ako. Iiyak siya nang ilang oras na tila ba ilang taon akong hindi nagpakita sa kanya.   “Asha! Bakit ngayon ka lang dumalaw ha? You’re so heartless! Twice a year ka lang ba talaga magpapakita sa amin?” maluha-luha pa ring tanong ni Klea habang nakaupo kami sa veranda ng bahay nila.   I smiled a bit.   “Alam mo namang wala ako masyadong panahon. Isa pa eh mahirap ang basta lumuwas.” Sagot ko at sumimsim sa tasa ng kape na hawak ko.   “Asha..” she started while getting teary-eyed again.   Napailing na lang ako. Hindi pa rin niya siguro matanggap na ganito na ang buhay na pinili ko. Alam kong gusto niyang malaman mula sa akin kung bakit ako naging ganito ngayon.   “Kumusta ang mga inaanak ko?” pag-iiba ko ng usapan. Napabuntong-hininga na lang siya.   “Ayun! Nasa lolo at lola nila para magbakasyon since summer break na. Si Austen naman ay nasa trabaho pa. Dito kana matulog ha. Bukas kana dumalaw kila Tita.” Aniya kaya tumango na lang ako bilang sagot.   I stared at Klea’s face. She seems happy with her life. She has three amazing kids and loving husband. Sa tingin ko ay ‘yon talaga ang buhay na para sa kanya. And I am happy that she’s indeed happy.   “Baka gusto mo nang magpahinga? Alam kong malayo ang nilakad mo para bumaba ng bundok. Ilang oras din ‘yon.”   Kaagad akong umiling. Gusto ko pang makipagkwentuhan sa kanya.   “Hindi ako masyadong pagod. Bukas na hapon pa naman ako uuwi eh.”   Klea smiled sadly.   Katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang sabay naming pinagmamasdan ang pag-agos ng tubig mula sa fountain.   “Asha..”   “Hmm?”   “Tomorrow is Jaire’s death anniversary, right?” she asked so I nodded.   “Kaya ka ba bumaba ng bundok? To visit him?”   “Yes. Every year naman ay ganoon ang ginagawa ko. Saka gusto ko ring mabisita kayo kaya nagtatagal ako kahit hanggang tatlong araw dito sa lungsod.”   Tumango si Klea. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ‘to. I know she wants to ask me a lot.   “Ash… are you happy?” she asked with her low voice.   “I am.” I uttered. “I am living.”   She was speechless for a moment because of my answer.   “Are you happy with your choice? Ginive-up mo ang magandang career at buhay dito para magtungo ka sa mga liblib na lugar. God knows how worried we are!”   Natahimik ako. Alam kong magsisimula na siyang magtanong at alamin ang mga rason ko.   “Hindi namin alam kung buhay kapa bang babalik dito o hindi eh. Asha! Aware ka naman di ba? Paano kung mapagkamalan ka na kabilang sa mga rebeldeng grupo? The hell! We can’t do anything to protect you! Bakit mo ba kasi pinili ‘yan?” she cried.   I gave her a convincing smile.   “I found another reason to live my life. Through helping less fortunate people, I am able to feel being alive again. I was once dead… and I don’t want to feel that anymore.” I answered.   Another silence dominated between us. No one dares to speak again.   It’s been ten years since I made the biggest decision that changed my life. I became a volunteer for less privilege people in different remote places in the Philippines. I got the chance to help the indigenous group and know their story. Until now, I am helping them with the best of my ability.   Kabilang ako sa mga grupong naglalayon na iangat ang buhay ng mga taong hindi napapansin ng nasa itaas. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng aming programa at adbokasiya,napapadali ang proseso upang sila ay mapakinggan ng lipunan. Iyon ang klase ng buhay na pinili ko at dahilan ko para ipagpatuloy ang buhay na mayroon ako ngayon. Kapag may natutulungan ako, pakiramdam ko’y may silbi ang buhay ko.   “Kung saan ka masaya, susuportahan kita. We’re here with all your battles. I’ll never leave you. Nandito lang ako.” Klea said and caressed my hand.   I smiled until I felt tears escaping from my eyes. Klea hugged me while we’re both sobbing in each other’s arms.   Yes. I found another reason to live. I’ve found my real purpose. I’ve realized why I had to experience those heartbreaks. And that is to make me stronger and find my courage. Ito ang buhay na pinili ko at pipiliin ko sa araw-araw.   “Love…”   I placed a bouquet of white roses beside Jaire and our child’s grave. I also lit up a candle for the two of them.   “Today’s your death anniversary or should I say…. Our wedding anniversary.” I uttered as I caressed his tombstone.   I felt tears forming around my eyes. Alam kong nakatago pa rin sa isang parte ng puso ko ang panghihinayang dahil sa pagkawala niya. Hindi naging madali sa akin ang lahat. Dalawang mahal ko ang kinuha sa akin at wala akong nagawa.   “I hope you two are watching after me from above.” I said and looked at the bright sky.   Maganda at maaliwalas ang panahon ngayon. Nakaupo ako sa damuhan habang pinagmamasdan ang lapida ng aking mag-ama. Taon-taon ay walang palya ang aking pagdalaw sa kanila. Kahit mahirap, gumagawa ako ng paraan para makababa ng bundok at makasama sila.   “I hope you’re happy with my decision. Alam kong ang gusto mo lang ay ang ikakasaya ko hindi ba?” I asked and wiped off my tears.   Alam kong magaan na sa akin at tanggap ko na. Isa pa, natutunan ko ring patawarin ang sarili ko sa nangyari. Hindi niya gugustuhin na mabuhay ako na puno ng pagsisisi.   “Jaire.. sampung taon na kitang hindi nakakasama pero para sa akin ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo. Hindi ko alam kung handa pa ba akong magmahal muli o kung makakaramdam pa ba ako ng ganoong klase ng pagmamahal. Hindi ko alam. Basta nabubuhay ako sa mga alaala at pagmamahal na ibinigay mo sa akin noon. Dinala ako nito sa tunay na dahilan ng buhay ko. Bakit pa ba ako nandito? What is the real purpose of my existence? Those questions led me into who I am today.” I said while staring at his grave.   Looking back, it was never easy to accept the fact that he died in a car accident. But I knew him. He wasn’t reckless. Iyon pala ay dahil may mas malalim na rason ang aksidente niya. Due to investigation, he had seizures and head aches while driving that time. The reason why he met an accident that ended his life. I wanted to blame him for not telling me the truth back then.   Sana may nagawa man lang ako. But he has his own reasons and I can’t do anything about that. He only wanted to protect my peace and make me happy. Sadly, I wasn’t there during his last minute.   Pero ayaw ko nang sisihin ang sarili ko. Kaya’t sinubukan kong bumangon at hanapin ang sarili kong nawala ulit. Isang araw, nagdesisyon akong umalis sa trabaho at magsilbing volunteer sa mga outreach programs at mission sa mga sa liblib na lugar. Walang pumilit sa akin na gawin ‘yon. Desisyon ko ang lahat at wala akong pinagsisisihan.   “Good bye, love. See you next time. I’ll always love you. I’ll always live the way that makes me happy and alive. Salamat dahil dinala ako ng pag-ibig mo sa daan na gusto kong tahakin. Salamat dahil pinapalaya ko na ang sakit at pagsisisi. Habang nabubuhay ako, mananatili kang malaking parte ng puso ko.” I said with a fulfillment in my heart.   “Mahal kita… hanggang sa huling paglubog ng araw na masisilayan ng dalawang mata ko.”   Iyon ang mga huli kong salita bago nagpaalam sa puntod nila ng anak namin. Bumalik ako sa sasakyan na ipinahiram sa akin ni Klea. Good thing that I still know how to drive. Nagsimula akong umalis sa sementeryong kinaroroonan pagkatapos siyang lingunin nang isa pang beses. Napangiti ako nang tipid at pinahid ang luhang muli na namang tumakas sa aking mata.   Nagmaneho ako papalayo sa lugar na ‘yon. Nagdesisyon akong dalawin ang pamilya ko maging ang pamilya ni Jaire na kasalukuyang nasa siyudad din ng mga oras na ‘yon. Nagtagal lang ako ng ilang oras sa kanila at nagkumustuhan. Wala namang nagbago sa pakikitungo namin sa isa’t-isa kahit na sampung taon nang wala si Jaire. Kung minsan nga eh tinatanong nila kung balak ko pa bang mag-asawa ngunit ngiti lang ang laging tugon ko.   I don’t know. I’m still young. Wala pa akong apatnapu kaya’t hindi ko isinasara ang pagkakataon na baka umibig pang muli. May ilan din naman kasing sumubok na ligawan ako ngunit wala akong kakayahan na muling pumasok sa relasyon. Siguro. Baka isang araw. Hindi ko pwedeng diktahan ang mangyayari sa akin sa hinaharap.   Ang mahalaga sa akin ngayon ay nabubuhay ako na masaya at kuntento sa  buhay na pinili ko. Nang dahil sa mga pinagdaanan ko, mas natutunan kong maging matatag at mahalin pang lalo ang sarili ko.   “Asha, huwag mong kalimutan na nandito lang kami palagi. Anytime ay pwede mo kaming uwian.” Tita Alia said and hugged me again.   I nodded and hugged her back. After a few minutes, I bid my good bye to them. Kumaway pa sila sa akin bago ako bumalik ng kotse at magmaneho paalis.   “Ash…never be afraid to look for the unfamiliar.”   I uttered as I remember what Jaire told me when we first met. I’ve found myself driving alone with no specific destination.   “Try something new.” “Alam mo bang ang mga hindi planadong bagay ang mas exciting gawin?”   “Asha! Give me your sweetest smile. Huwag ‘yong tipid!”   The things he said to me back then were repeatedly playing inside my head. It seems like it all happened yesterday. I feel like I still have him beside me while we’re both having an unplanned trip.   “Jaire…” I uttered as I parked in an unfamiliar place.   Hindi ko alam kung nasaang eksaktong lokasyon na ako ngayon. Basta’t nandito at nakatayo ako sa harap ng isang overlooking place, kasalukuyang nagkukulay kahel ang malawak na kalangitan. Karagatan din ang sumalubong sa akin at tahimik na paligid. Habang isinasayaw ng hangin ang maiksi kong buhok ay hindi ko napigilang damhin ang malamig na simoy. Tila ba sa hinaba-haba ng aking nilakbay ay ngayon ko lang nahanap ang payapang pakiramdam.   Habang lumulubog ang araw sa aking harapan, hindi ko na napigilan ang mga luhang isa-isang pumatak. Sa kabila nito, nagawa ko pa ring ngumiti dahil sa tanawing halos isumpa ko ring tingnan noon.   Yes.   I used to hate sunset because it reminds me of him. Of us. That’s why I did my best to avoid seeing that kind of scenery. It was my favorite. It serves as my therapy back then until it became a solid reminder of my heartbreaking memory. It hurts a lot. I know that there’s still an empty part inside me that keeps on looking for that certain hole.   I knew I lost something and I wasn’t whole anymore.   “Love... I’m starting to see sunset again. I know that it took me a while before I finally get myself act together. Hindi rin madali sa akin na harapin ulit ang mga bagay at lugar na pareho nating minahal. Hindi naging maluwag sa akin na tanggapin na mag-isa na lang akong tumitingin sa sunset na gusto ko sanang kasama ka.”   I am now sitting on the green grass at the side of the road. Kakaunti lang ang mga sasakyang dumadaan sa parteng iyon ng lugar. Siguro dahil na rin sa mataas itong lugar at malalim na bangin din ang nasa magkabilang gilid ng daan. Pakiramdam ko’y napunta ako sa parte ng mundo na ako lang ang tao at walang makakaistorbo sa akin.   “If I would be given the chance, I want to see sunset again beside you. I know that it’s impossible but I want to believe in that kind of love again. I’ve spent ten years of my life figuring things out and finding my real purpose. And yes… I’ve found it.” I uttered while still staring at the golden scenery with tears on my cheeks.   “Your love for me made me live again… that is something I will always be thankful for. You are the reason why I’m here… living and helping a lot of people. If there’s one thing that I’m grateful at for being like this, it’s because you taught me to free myself from all the chains and cage, I’ve built for myself. And now… I’m all free, doing the things I surely love and making myself happy and at peace.”   As the sun goes down, I’ve felt …okay and relieved at the same time. I know that the years I’ve been through were never easy. But I still had the courage to put myself back in its right place and continue living. At 36, I know I can still do a lot of things that could empower me with my chosen craft.   Kung ang dating ako ang tatanungin, iisipin ko agad na kulang na ako sa oras. Na kailangan kong maghabol. Kailangan kong magmadali. But this lifetime made me realize that I’m finally living the best version of me.   Nahanap ko na… hindi na ako naliligaw pa.   I was about to stand up and go back to my car when something caught my attention. It was a silhouette of someone a few meters away from my place.   “So, you do really love sunset?” I heard a manly voice.   I stood up firmly until that person walked towards my direction. It’s almost dark but I didn’t feel any fear with this stranger.   “W-who are you?” I asked bravely.   The man chuckled. He’s tall and has a firm body. I guess he’s just a year older than me.   “Sorry for eavesdropping a while ago. Actually, I was taking a nap here but you came and talked a lot of things. I didn’t have the chance to leave.” He said while having an apologetic look.   Dahil hindi pa naman ganoon kadilim ay nakita ko pa rin nang malinaw ang kanyang hitsura. Nakasuot siya ng casual long sleeves at black jeans. May salamin din siya na kulay itim ang rim ngunit hindi naman makapal. Mukha rin siyang napadpad dito nang biglaan kagaya ko.   “It’s okay… aalis na rin naman ako eh.” I said and took a step backward.   I thought he’ll not respond but he interrupted again.   “Oh! By the way… I used to hate sunset too.” he said out of nowhere. I nodded and gave him a small smile.   “Sunset… means goodbye.” He added that made me caught off guard. “I even wish that it doesn’t exist so that I won’t have a bad memory. But still.. I learned to appreciate sunset even more.” He uttered with a bitterness in his tone.   I nodded awkwardly because he seems like he was looking for someone he could share his problems with.   “Sunset.. also means new beginning and a symbol of our everyday reason to live.  That’s the lesson my wife taught me…” he smiled right after saying those words. “She taught me to appreciate things around me… even the most hated one. And just because of that thought, I got the chance to live happily and fulfilled again.”   Natulala ako dahil sa mga nasabi niya sa akin. Nang tingnan niya ako ay doon niya lang siguro napagtanto na marami na siyang nai-kwento. Napakamot na lang siya sa noo at natawa nang mahina.   “Sorry.. na-share ko na tuloy yung life story ko na dapat pang-teleserye” he joked but I didn’t laugh.   I knew what he feels. We kind of have the same pain and inner thoughts about living our own lives. “I understand you. I wish for your own healing too.” I said and smiled genuinely.   Tumango na lang siya kaya’t nagsimula akong maglakad pabalik ng sasakyan. Hindi namin kilala nang personal ang isa’t-isa. Pero nauunawaan ko ang bigat na mayroon sa kanya.   Hindi kami nagkakalayo ng istorya.   “Miss!”   Napalingon akong muli sa kanya.   “Yes?” taas-kilay kong tanong.   He pointed the scenery behind him even the sun was already hidden. I still saw the golden shade of the sky with the dark slowly embracing it.   “Sunset reminds us to face anew. It was never a goodbye.”   I nodded because he’s right. “Yes…and I’m finally living again.” I uttered to myself as tears formed around my eyes.   He just gave me a smile until I went inside the car and started the engine. I drove away from the place while having a genuine feeling inside my chest. It somehow made me breathe and release my hidden thoughts in my head for a long time.   I knew… starting from now, I’m gonna live my life well. I’ll surely love myself even better.   I’ll be happy… because his love will always be there. His love made me love myself more despite the wrong decisions and unwanted circumstances. Despite the fact that he broke me when I lost him and our child. Despite the reality that I’m alone but will never let myself to feel lonely.   All along, I thought I was strong enough but his existence in my life made me even braver today.   All thanks to him, my love… my constant… my one great love.   Someday, I’ll see another beautiful sunset with him beside me. That is the only thing I wish for until my last day.   I’m gonna see him.   In another life, until our next sunset…   END.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD