Cheers
I've immediately went out from my car as I've arrived at my best friend's private beach house in Bataan. I noticed some familiar faces outside but the one who caught my attention was my friend's voice who shouted my name from afar.
"Ash!"
Klea Astellar, my one and only long time best friend and partner-in-crime walked towards me while having a huge smile on her face. Ilang buwan rin mula nang huli kaming magkausap nang personal. Obviously, na-miss niya ang presensiya ko lalong-lalo na ang mga kaseryosohan ko sa buhay.
"Klea," I said in a monotone right after she gave me a warm hug.
Sumimangot naman siya dahil masyadong matamlay ang aking boses. Well, napagod ako sa pagmamaneho at hindi rin biro ang ilang oras na biyahe papunta sa Bataan.
"Ash, why are you so serious? Hindi ka ba excited para sa akin?" She asked with a crease on her forehead.
I smiled a bit and tapped her shoulder. Hawak ko sa kabilang kamay ang traveling bag na dala ko. Balak kong mag-stay dito kahit ilang araw lang.
"Of course, I'm happy. It's your birthday today."
Tinaasan niya ako ng kilay nang sabihin ko 'yon. Nandito na kami sa kwarto na ookupahin ko pansamantala. May kalakihan din kasi ang beach house nila at may mga villas din sa ibang parte nito. Sa ngayon ay iilan pa lang ang bisita nila dahil inaasahan na gabi sila darating para sa celebration.
"Dione Asha," sinamaan niya ako ng tingin.
Wala naman akong naging reaksiyon at nagpatuloy lang sa ginagawa kong pag-oorganize ng damit ko sa cabinet.
"Seriously? Hindi ba halata!?" Mataas na ang boses ni Klea kaya't nagbaling ako sa kanya ng tingin.
"Anong mayroon?" Walang ideya kong tanong.
Napapadyak na siya sa kinatatayuan. Sinuyod ko naman ng tingin ang kabuuan niya. Wala namang kakaiba. She's wearing a floral summer dress paired with a strappy sandals. Klea is tall and slim that's why her dress suits her well. Maputi rin siya at mahaba ang buhok na may pagka-natural blonde ang kulay.
"Bestfriend ba talaga kita?" Naka-pout niyang tanong na ikinatawa ko nang mahina.
"Hindi mo sure," pagbibiro ko.
Napairap na lang siya at nilahad ang kamay sa harapan ko. Saglit lang na kumunot ang noo ko hanggang sa mapansin ang kakaibang bagay sa daliri niya.
"Klea," ang sambit ko nang pagmasdan ang white diamond ring na nasa daliri niya. It was a simple design yet very elegant.
"Congrats! Kailan pa?" Tanong ko nang mag-sink in sa akin ang nais niyang sabihin.
I saw an excitement on her eyes upon hearing my question.
"Last week. Austen proposed during the yacht party of his parents' wedding anniversary." Masaya niyang pagkukuwento.
Kaagad ko siyang niyakap. Nakikita ko ang labis na fulfillment sa mukha niya. Matagal na rin silang magkasintahan ni Austen. They're together for 7 years and counting. Hindi ko aakalain na this year sila ma-eengage.
"I'm so happy for you, Klea. When is the wedding? Is it early?" I asked as I released her from my embrace.
She wiped a single tear on her eye. Alam kong emotional siya ngayon. Sino ba namang hindi?
"We've talked about it. I guess, the next few months after our short preparation. Hindi rin naman namin gusto ang engrandeng kasal. Mas gusto naming kakaunti lang ang naroon at intimate lang ang wedding.." she answered while holding my hand.
"Well, whatever your plans, I'll support you. I am so happy that you're engaged!"
"Thank you, Ash."
Napangiti akong muli. Ramdam kong matagal na niyang gustong mag-settle down. Matagal na siyang sigurado kay Austen. Wala na rin namang masama dahil pareho na silang stable. Klea is an accountant while Austen is an architect. They both came from a good family and very reputable.
"Eh ikaw, Ash. I've heard that you broke up with Vince.." alanganin ang tono ni Klea nang sambitin 'yon.
I smiled a bit then nodded.
"It's for the better. You know me, Klea. I'll never settle with a problematic man especially the one who did not understand my side. I've done enough. Kung hindi nila kayang maintindihan ang gusto ko, mas mabuting umalis nalang sila."
"Hindi mo ba naiisip na...baka too much ka para sa kanila?"
Mabilis akong umiling.
"You'll never be too much with the right person. If he can handle you enough and understand your whole being, I guess he's capable to be the right one. Hindi ko kailanman babaguhin ang sarili ko just to make someone stay. Love me for who I am, leave if you can't handle me." I said with no emotion on my face.
Klea nodded. She knows why I think this way. Kilala na niya ako noon pa man. Maraming nagsasabi, baka masyadong mataas ang standards ko. Baka sobrang expectorant ko sa isang tao kaya iniiwan ako. But I know to myself that I'm not too much. I only knows what's the best for me.
Why would I settle for less? I know that I am better to be loved. So why would I suffer with someone who couldn't understand my conditions?
"Miss Zaldivar?"
I stopped drinking my glass of tequila when someone called my name.
"Yes?" I asked when they went near me.
Kilala ko sila. Mga kamag-anak ni Klea na kilala rin ang pamilyang pinagmulan ko. Kasalukuyang nagaganap ang engagement party ng best friend ko at ng long-time boyfriend niya. Nandito lang ako sa bar area at mag-isang umiinom. May ilang bumabati sa akin pero hindi ko na kinakausap nang matagal.
"How are you, hija?" Tanong ng tita ni Klea na ang alam ko'y isang successful entrepreneur sa bansa.
"I'm good." Hindi man lang ako nag-abalang ngumiti.
"I heard na single ka ulit?" Ani naman ng isa pang relative ni Klea na hindi ko matandaan kung ano ang estado sa buhay.
"Well, hija. Mahirap nang makahanap ng kasintahan sa ngayon. Tingnan mo naman si Klea, sa iisang lalaki lang talaga. At ngayon eh engaged na!" May isa pang sumabat na hindi ko na tiningnan dahil nag-iinit ang dalawang tainga ko sa narinig.
"Dione, hindi naman masamang kumilala pero iba pa rin 'yung hindi ka palipat-lipat ng kasintahan. Mahirap 'yan. O baka naman tumandang dalaga kana rin dahil sa taas ng standards mo sa lalaki." Walang prenong komento ng isa pa habang may hawak na baso ng juice.
Hindi man lang ako naapektuhan sa sinabi nila. Isa-isa ko silang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Thank you for the concern, mga tita." I said sarcastically.
"But no thank you, I'd rather raise my standards than settling for someone just because of other's opinion and pressure. Hindi naman po nakakamatay ang pag-asikaso sa sariling buhay, sana po subukan niyo." I uttered with a smirk on my face.
Mabilis kong hinagilap ang isang bote ng Bacardi at tinalikuran sila. Hindi ko na inaabalang tingnan ang naging reaksiyon nila sa sinabi ko. Umalis ako sa venue at nagtungo sa dalampasigan.
Inabala ko ang sarili sa paglalakad sa puting buhanginan habang hawak ang sandals na hinubad ko kanina. Hindi ko na halos naririnig ang ingay sa party dahil medyo malayo na rin ang kinatatayuan ko.
The night was peaceful when I've heard the calm waves from the shore. Ang munting liwanag rin na nagmumula sa mga solar lights sa paligid ng beach ay lalong nagbigay ng peace sa akin.
Nang makita ko ang nakatumbang puno ng niyog sa di-kalayuan ay kaagad akong naupo roon. Ako nalang mag-isa ang nasa parteng iyon ng beach house pero sa tingin ko eh safe naman ako. Kaagad kong binuksan ang bote ng alak na hawak ko.
"Alam mo bang masamang uminom kapag walang kasama?"
Hindi natuloy ang pagtungga ko sa bote nang marinig kong may nagsalita sa aking likuran. Naibaba ko tuloy ang bote dahil sa kahihiyan.
"Hey! Sorry! Nagulat ba kita?"
Natigilan ako nang mas lalong lumapit sa akin ang pinanggalingan ng boses na 'yon. It was from a tall guy. Ilang metro ang layo niya sa akin pero sapat na para makita ko ang hitsura niya.
"Hindi naman," seryosong tugon ko.
Narinig ko ang paglalakad niya palapit sa akin. Hanggang sa naupo siya sa puno ng niyog na kinauupuan ko, ilang distansya lang ang pagitan namin.
"Pasensya kana. Mukhang kailangan mong mapag-isa pero inistorbo kita." Masiglang sabi niya at inalis ang headphone na suot niya.
Mas lalo ko siyang napagmasdan sa malapitan ngayon. Based on my instinct, mukhang harmless naman siya. He's smiling widely while staring at the waves in front of us. Mayroon rin siyang specs na suot na bagay sa kanya maging ang gray hoodie jacket niya at khaki shorts. Kung iisipin, para siyang college student na nagliliwaliw sa dagat ngayon. Pero sa tingin ko eh hindi naman kami nagkakalayo ng edad.
"Sorry to interrupt you. Pero kung anuman ang problema mo, sana magawan na ng paraan."
"Wala akong problema," agap ko.
Napataas siya ng kilay at ngumiti ulit nang malawak. Seryoso? Hindi ba siya napapagod ngumiti?
"Kung hindi problema, bakit may hawak kang alak ngayon?" Nagdududang tanong niya.
Napakunot ang noo ko. Kalalaking tao, napaka-tsismoso. Ayaw ko na sanang sagutin ang tanong niya pero mukhang hindi rin naman siya titigil sa pagtatanong.
"Problema bang matatawag 'yong sinasabihan ka ng mga tao sa paligid mo na walang lalaking kayang magtiis sa'yo? Na tatanda kana lang na dalaga kasi ang taas ng standards mo? Na wala ng kahit na sino ang kayang mag-settle sa intimidating personality mo?"
Ilang segundo lang siyang natahimik dahil sa sunod-sunod na salitang binitiwan ko. He shrugged his shoulder off.
"Kung sa tingin mo eh problema, edi problema nga." Panimula niya kaya hindi ko naiwasang tapunan siya ng tingin.
"But seriously, it's not really a problem. Hindi naman na mawawala 'yung mga opinyon ng ibang tao sa buhay natin. Pero magpapaapekto ba tayo?"
"Of course not!" Sagot ko kaagad. "Hindi naman siya big deal sa akin. Sadyang kapag paulit-ulit ko nang naririnig, hindi ko maiwasang mawala sa mood. Tulad ngayon," sambit ko habang frustrated pa ring nakatingin sa karagatan.
"I understand your point, Miss. May mga bad days naman talaga tayo. Isa pa, kung ikaw ang magpapaapekto sa sinasabi nila, matatalo ka. You know yourself more than them. Nakikita ko naman na may taong kayang i-handle ang personality na mayroon ka. It's not a big deal with a right person."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Halos hindi pala kami nagkakalayo ng perception eh. Hindi ko man kilala ni pangalan ng taong 'to, alam kong totoo ang sinabi niya. Baka sinubukan lang niyang basahin ang nasa isip ko at hindi siya nagkamali sa bagay na 'yon.
"Yes. And everything takes time. I don't need to rush anything. I'm still young. Hindi porke't nagpapakasal na ang mga kaibigan ko, eh kailangang ganoon din ako. I believe on my own timeline."
"Just don't forget to enjoy every moment of your life."
Napalingon ako sa sinabi niya.
"W-what do you mean?"
He chuckled.
"Tama ka, may tamang oras sa lahat. Pero huwag kang dumepende sa perfect timing. Be your own pace. Create your own timeline. Kapag alam mong dapat mo nang gawin ang isang bagay ngayon, never hesitate to do so. Alam mo bang mas exciting ang isang bagay kapag least expected mo?" He asked with a conviction on his face.
I noticed a spark on his eyes. Parang ang saya niya, walang bigat na dinadala. Bakit parang ang gaan lang ng buhay na mayroon siya? Pero bakit ako? Pakiramdam ko, may kulang sa buhay ko na hindi ko pa nahahanap hanggang ngayon.
"I always believe that those planned things were the successful ones in the end. I am not a spontaneous person because I calculate the possibility of a thing. Think, plan, strategize and then take an action."
He laughed with my statement. Pero hindi insulto ang dating sa akin 'nun. He seems amused with my words. Para bang ngayon lang niya narinig ang mga salitang 'yon sa babaeng tulad ko.
"You're quite different, Miss. No offense but you're really hard to read but interesting as well. Sa nakikita ko naman, hindi ka mahirap i-approach. It's just that your perception is always far from the usual."
Hindi ko alam kung compliment ang sinabi niya kaya wala akong tugon doon. I just heaved a deep sigh and gave him a glance.
"I'm a successful person with my career. I know to myself that I've achieved the things I've dreamt of since I was young. At my age, I should be happy wherever I am right now. Being stable, contented, secured and having a clear mindset with my life---"
"But you're not totally happy," he stated that made me stop.
"Somehow...but I am happy" I tried to defend my side but my words betrayed me.
Because he is indeed right. There is an empty space within myself. A space and gap that I didn't know how to fill up either.
"I understand you, Miss." He said and handed me a pack of Yakult drink.
I was caught off guard with his action. Inabot niya sa akin 'yon at siya na rin ang naglagay ng straw. Kinuha niya ang alak sa tabi ko at inilayo mula sa akin.
"May mga bagay na kailangan mong isantabi para makita mo na may mas mahalaga pa pala roon. Never be afraid to try something new. Never hesitate to get out from your comfort zone and look for the unfamiliar."
I didn't say anything. He got his own Yakult drink and raised it in front of me.
"Cheers to the life we wanted to live. Cheers to the future we're chasing continuosly and still looking until now. One day, you'll be there. You'll be happy. Indeed."
I was speechless. The only thing I know that time was I met a guy with his hoodie jacket and specs. Under the dark sky and surrounded by calming waves, someone made me feel the need to find something that will complete me. Something that could fill the empty space inside my heart.