MARY POV
6 pm na nang gabi, medyo napa haba lang ang usapan naming dalawa ni tita Vivian ngayon kaya umuwi na ako. Sayang, hindi ako masasamahan ni Cindy. Siya pa naman ang gusto kong kasama kaya lang ay busy din siya. Sure akong pag uwi ko sa bahay ay lasing na naman ang asawa ko. At ang mas masaklap pa. baka kasama niya sa loob ang mga kaibigan niya.
Subalit nasa tapat pa lang ako ng bahay namin at pakatok pa lang ako ng biglang dumaan si Manang Alice. Isa siya sa mga binati ko na kanina pero alam kong isa rin siya sa mga chismosa dito sa lugar namin.
"Mary, wala ang asawa mo jan, umalis siya kasama ni Cindy at ang mga anak niya. Parehas silang may dalang mga bag," sabi niya.
Napa taas naman ako ng kilay sa sinabi niyang ito. "Ano po? Umalis ang asawa ko? Eh lasing po siya kanina at si Cindy po, busy daw siya," pan tatabla ko sa kanya.
"Hay nako, ewan ko sayo! Kahit na sinong kapitbahay pa natin ang kausapin mo, iisa lang ang isasagot nila sayo. Jan ka na nga," sabi niya sa akin sabay alis.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa akin. Bagkus ay binuksan ko ang pinto. Nagulantang ako ng madatnan kong maduti ang aking bahay. Ang gulo gulo sa loob, at sa kwarto naming dalawa ng asawa ko, wala ring ang iba sa mga gamit niya. Magulo rin, nilibot ko ang buong bahay subalit kahit ani nong asawa ko at hindi ko na makita.
Sinubukan ko siyang tawagan subalit hindi siya sumasagot. Ganun din ang ginawa ko kay Cindy subalit cannot be reached din siya. Halos manginig ang tuhod ko at napa luhod ako, di ko lubos akalain na magagawa nila ito sa akin. Mabilis kong pina niwalaan yung sinabi ni Manang Alice sa akin kanina.
Natututlala ako, bakit nila ito nagawa sa akin? Sigurado akong si Cindy ang nag sumbong sa asawa ko na ipapa barangay ko ito kaya mabilis silang umalis. Sa lahat ng mga tao, hindi ko lang din lubos maisip kung bakit si Cindy pa ang nag traydor sa akin? Pamilyado na siyang tao, may mga anak na silang dalawa ni Caloy. Maayos ang buhay niya at may kaya sila kumpara sa amin. Bakit niya pa matitipuhan ang asawa ko na pinag tatyagaan ko lang na makasama?
Ano ang mapapala niya sa pag sira ng kanyang pamilya? Nag iisip ba siya, mas nasasaktan ako para kay Caloy at sa mga anak niya. Akala ko ay isa siyang matalinong babae pero sa bandang huli, isang malaking pag kakamali ang kanyang nagawa.
"Carlo, Carlo, Carlo, buksan mo ang pintuan," ang malakas na sigaw ng lalaki sa pintuan.
Tumayo ako, parang pamilyar sa akin ang boses na ito subalit hindi ko lang maalala kung sino siya. Mabilis akong nag punta sa pintuan at binuksan ko ito. Sa unang tingin, hindi ko namukhaan ang lalaking ito na nasa harapan ko. Ang kapal kasi ng kanyang balbas at ang haba ng kanyang buhok. Naka sando lamang siya at ang laki ng katawan niya. Kitang kita ko sa kanyang muka ang galit na kanyang nararamdaman.
Hindi ko talaga gusto na maka encounter pa ng problema kaya nag lakas loob na akong magsalita.
"Teka lang? Pwede ko bang malaman kung sino ka? At chaka wala dito ang asawa ko-"
"Mary? Dumating ka na pala?"
"Ha? Oo," sabi ko, "Sino ka?" pag uulit ko ng aking tanong.
Napa ngiti siya, "Si Caloy ako, yung asawa ni Cindy," sagot niya.
"Uy, kamusta? Hindi na kita namukhaan. Pasensya ka na, pero wala kasi dito si Carlo."
Mabilis na nag laho ang ngiti sa kanyang muka at napa litaan ito ng lungkot.
"So wala na pala silang dalawa? Sinasabi ko na nga ba, matagal na akong niloloko ng asawa ko. Natunugan ko nang aalis siya ngayong araw dala ang mga anak namin pero huli na ang lahat para mapigilan ko siya," malungkot na paliwanag niya sa akin.
"Wait? Ang ibig sabihin ay alam mo ang tungkol dito? Alam mong niloloko ka lang ng asawa mo?"
"Medyo nakaka ramdam na ako. Hindi mo ba nahalata ang kinikilos ng asawa mo? Mas matatangap ko pa kung asawa ko lang ang umalis, kaya lang, dinamay niya pa ang mga anak naming dalawa."
"Siguro ay alam mo naman kung saan sila nag punta di ba?" tanong ko.
"Ang sabi sa akin ni Cindy ay wala na siyang ibang kamag anak sa lugar na ito at laking Manila siya. Kaya kahit ako na asawa niya, walang kaalam alam sa mga nangyayari."
Naiintindihan ko ang nararamdaman niyang kalungkutan ngayon. Ang sakit siguro sa isang ama na kagaya niya na mawalay bigla sa kanyang mga anak. Lalo na't maliliit pa ang anak nilang dalawa ni Cindy.
"Gusto mo bang mag tulungan tayong dalawa? Gusto kong makita ang asawa ko, di dahil sa gusto kong bumalik sa kanya kung di ang ipa barangay siya. Ang laki ng perang nilustay niya sa akin. Ang lahat ng mga ipong pera ko galing sa abroad, tinanghay niya ito kaya gusto ko na matunton ang kinalalagyan niya."
"Pero wala nga akong ideya kung saan sila nag punta, at wala rin akong alam kung saan sila nag punta," nangangambang sabi niya pa sa akin.
"Ano ka ba? Pwede tayong mag tulungan upang hanapin ang kinalalagyan nilang dalawa. Natitiyak ko sayo na kaya natin silang matagpuan. At pinapangako ko sayo, hahayaan kita na sapakin ang muka ni Carlo kahit mag damag pa. Ang gusto ko lang din ay mapag bayad siya sa lahat ng mga kasalanan niya sa ating dalawa."
"Sapat?" namula siya sa galit, "Hindi lang sapak sa muka ang kaya kong ibigay sa gagong lalaki na yun. Pupunuin ko ng pasa ang muka at katawan niya. Sinasabi ko sayo, sukdulan ang galit ko lalo na sa mga traydor na kagaya niya. Kaya lang, medyo gabi na ngayon. Kung gusto mong mag tulungan tayong dalawa, pwede tayong umalis bukas at mag tanong tanong tayo sa labas. Baka merong naka kita sa kanilang dalawa."
"Sige, basta ay wag lang din tayong mawalan ng pag asa at natitiyak ko sayo na makikita rin natin ang mga taong yun na nag tatago. Pwede ka na sigurong mag pahinga."
"Saglit, ilang araw ka na bang wala dito? Nag kita na ba kayong dalawa ni Cindy?" sunod sunod niyang tanong sa akin.
Medyo napa simangot ako, hindi pa rin talaga nagsi sink in sa aking utak na nagawa akong traydorin ni Cindy. Bakit sa lahat ng tao ay siya pa? Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya subalit nagawa niya ito sa akin?
"Nag kita kaming dalawa ni Cindy noong unang araw ko dito sa Pinas. Sa katunayan nga, parang di siya nasiyahan na nakita niya ako. Noong una, di ko ito pinansin pero ngayon, napag tanto ko nang kaya pala di siya masaya na nakita niya ako ay dahil sa mayroon na silang lihim na relasyon ng asawa ko. Masakit sa akin yung ginawa niya pero mas doble ang sakit nito sayo."
"Mag papahinga na ako," sabi niya pa, nang tumalikod pa siya sa akin, halos mabalot ako ng takot sapagkat mayroon siyang dalang baril.
Kung nagkataon na nandito si Carlo, natitiyak ko na magiging isa itong malaking gulo. Mabilis kong sinarado ang pintuan at halos tagaktak ang pawis ko ngayon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naka kita ng baril ng malapitan. At grabe ang kaba ko, isang mapanganib na tao din pala si Caloy. Baka kaya din siya hiniwalayan ng kanyang asawa ay dahil sa pag uugali niyang ito.
Pero siguro ay hindi niya ako magagawang saktan kasi parehas lang kaming mga biktima dito. At sasama ako sa kanya sa pag hahanap sa asawa naming dalawa na tumakas dahil baka sa akin niya ibuntong ang kanyang galit. Kinabukasan, nag sama kaming dalawa at nag tanong kami sa paligid namin.
Ngunit, iisa lang ang sinasabi nila sa amin, umalis silang dalawa ni Carlo kasama ang mga bata subalit walang ni isa sa kanila ang may ideya kung saan sila nag punta. Di kami nag patinag, sa mga sumunod pang mga araw, talagang ganito din ang nangyari. Sumangguni kami sa kinauukulan subalit maging sila, hindi rin alam kung ano ang gagawin. Kaya sumuko na lang kaming dalawa ni Caloy.