CHAPTER 14

1112 Words
MARY POV Tanghaling tapat, nag malapit na ako sa bahay, may isang magarang sasakyan na naka parada sa harapan ng bahay ko. Nag taka ako, wala akong ideya kung sino ang mga ito. Naka shades pa siya na itim at kagalang galang ang hitsura niya sa kanyang itim na coat. Binagalan ko ang pag lalakad ko, nag observe muna ako at maya maya lang ay lumabas ang isang lalaki sa loob ng sasakyan. Malaki ang kanyang katawan at matangkad siya. Medyo malakas ang kanyang dating kahit na parang nasa 40's na siya. Kumatok siyang bigla sa bahay ko, kaya lumapit na ako. "Excuse me, pwede po bang malaman kung ano ang sadya ninyo sir?" magalang na tanong ko sa kanya. Grabe, ang sarap amuyin ng pabango niya, ngayon lang ako naka langhap ng ganitong klas ng pabango. Tinanggal niya ang kanyang shades at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, mas pogi pa pala siya kapag tinanggal niya ang kanyang shades. Sa sobrang tangkad niya ay hanggang balikat niya lang ako. "Excuse me, kilala mo basi Mary Basilio? Ang anak nila Arnaldo at ni Lucy Basilio? I have an urgent concern with her," naka ngiting sabi niya. Friendly man ang ngiti niya sa akin subalit kinakabahan talaga ako. Sumagi kaagad sa isipan ko ang sinasabi ni tita na si Mr. Rafael, ang di umano'y may ari ng casino kung saan nalubog sa utang ang mga magulang ko. "Ako po si Mary," sagot ko sa kanya. "Pwede ko bang malaman kung ano ang inyong pangalan sir?" magalang na sabi ko pa sa kanya. Pinakita niya ang kanynag ID, "My name is Rafael, malaki ang utang na pera sa akin ng parents mo and I would really like to discuss this to you. Perhaps, you can give me at least 20 minutes of your time-" Na high blood ako kaagad sa sinabi niyang ito sa akin, kaya sa tindi ng galit na aking pinaghahawakan sa kanya, tahasan ko na siyang dinuro at minura. "Aba, tingnan mo nga itong lalaking ito, ano ang ginagawa mo dito ha? Matagal na kitang gustong puntahan at murahi eh! Napaka imposibleng magkaroon ng malaking utang ang mga magulang ko sayo no? 50 million? Kailan pa sila nag karoon ng ganyang kalaking pera sa kanilang bulsa? Pambili nga ng kanyang napkin, hirap na hirap ang nanay ko. At ngayon, pinag pipilitan mo pa rin ang 50 million nilang utang sa akin." Medyo napa lakas ang boses ko pero wala na akong pakialam pa, may ilang mga chismoso at chismosa na ang mga nagtitipon sa paligid namin. "Can you please try to talk calmly?" sabi niya pa. "At paano ako kakalma ha? Porket mayaman ka at mahirap ako? Asa kang babayaran ko yung perang utang ng parents ko sayo! Kapal ng muka mo, gahaman ka sa pera. Pa English, English ka pa, wag kang ganyan, di bagay dito sa lugar namin ang mga sosyal na tao. Mga simpleng mamamayan lang kami sa lugar na ito. Ang mabuti pa, ibaon mo na lang sa limot yung talo nila. Sige ka, baka bumangon sila sa hukay at ipa kulam ka ng nanay ko. Ang dami niya pa namang mga kakilalang mangkukulam." Napa tingin siya sa paligid at muling lumingon sa akin, para bang nahihiya siya na sinisigawan ko siya. "Let us talk about this sa ibang lugar," sabi niya sabay hatak sa akin at pinuwersa niya akong sumakay sa magara niyang sasakyan. Ang ganda ng loob ng kanyang sasakyan at ang bango bango pa nito. Ngayon lang ako naka pasok sa loob ng ganito kagandang sasakyan at parang ayaw ko nang umalis. Mas malamig pa dito sa loob kesa sa loob ng bahay ko. Hindi ko lubos akalain na makaka sakay ako sa ganito kamahal na kotse. Subalit sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayan na umaandar na pala ang sasakyan. "Hoy Mr. Rafael, ano bang ginagawa mo sa akin ha? Pwede bang ibaba mo ako? Wala kang mapa pala sa akin. Kahit saan mo ako dalhin, wala kang mapapala sa akin. Ang yaman yaman mo na pero gusto mo pang apihin ang isang tulad ko na marami nang mga problema?" Tumingin siya sa akin ng masama sa front mirror, "Wag kang masyadong madaldal diyan pwede ba? I was trying to talk to you calmly. Pero sinisigawan mo ako. But you were right, 50 million ang utang ng mga magulang mo sa akin but it does not mean na sisingilin kita in cash. Let me get that straight." Kumalma ako sa sinabi niyang ito. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik sa aking lalamunan. "Kung gayon, bakit mo akong gustong maka usap ha? Ano 'to nanti trip ka lang sa akin?" "Let us discuss it kapag nakarating ka na mansyon ko," sabi niya pa na may halong yabang ang kanyang boses. "Hindi, ibababa mo ako dito. wala akong pakialam kahit na gaano kaganda ang mansyon mo! Basta ang gusto ko lang ay lumayo ka sa akin." "Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin ha?" sabi niya pa. "Anyway, I know you have been to Singapore, marami akong alam sayo kagaya ng pag takas ng asawa mo." Nakakapag taka naman, paano niya kaya nalaman ang tungkol dito. "Hoy, yung totoo ha? Ano ito, nag papanggap ka lang ba na mayaman ka? Paano mo nalaman ang tungkol jan?' "I am going to explain everything to you once na nasa mansyon na tayong dalawa. Titiyakin ko sayo na magugulat ka sa magiging sorpresa ko sayo," sabi niya sabay ngiting wagi. Dapat ba akong mag tiwala sa lalaking ito? Paano kung niloloko niya lang ako? Pero hindi eh, alam niya na nag punta ako sa Singapore, at pati na rin ang pangloloko sa akin ng asawa ko. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Basta, kapag mayroon siyang ginawang kalokohan sa akin, natitiyak ko sa kanya na pag sisisihan niya ito. Nasa dugo pa naman naming ang mga matatapang. Kahit na babae ako ay magiging palabang tao ako. Hindi ako papayag na alipustahin niya ako kahit na isa lamang akong mahirap na tao. "Saglit lang tayo doon ha? Hindi ko pwedeng iwan ang bahay ko-" "Just shut up, okay? Gusto ko na tahimik lang ang pag mamaneho ko para makapag focus ako," malakas na sigaw niya sa akin,. Natahimik na ako ngayon dulot na rin ng pagka takot ko sa kanyang nakaka takot na pag sigaw. Para bang isang alila ang tingin niya sa akin na kaya niyang mapa tahimik sa isang utos niya lang. Isang oras ang maka lipas, naka rating kami sa isang loob ng subdivision at sa bintana ay tanaw ko ang isang nakaka lulang mansyon na may mataas na gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD