CHAPTER 11

1013 Words
MARY POV "Eh ano bang gagawin ko tita? Halimbawa ngayon, lasing na naman ang asawa ko at hindi niya ako kinakausap. Panay ang pag iwas niya sa akin. Natatakot ako kasi baka mamaya ay bigla na lang niya akong saktan." "Aba dapat lang ay palayasin mo na ang lalaking yan sa pamamahay mo. Yung sa ipon mo, wala na tayong magagawa tungkol sa bagay na yan kasi wala na eh, nangyari na ang di dapat mangyari at kawawa ka talga kasi back to zero ka. Lesson learned na rin ito sayo na wag mong ipag kakatiwala ang pera mo sa ibang tao, kahit na sa mga taong malalapit sayo." "Tita, what if singilin ko po siya sa perang nilustay niya kung sakali tapos hihiwalayan ko na siya pagkatapos?" "Singilin? Pwede naman, ang tanong ay mayroon bang pambayad sayo ang batugan mong asawa? Eh ilang buwan na nga siyang walang trabaho, kung ako ang tatanungin mo ay pina barangay ko na siya. Kaya ka ginaganyan ng asawa mo ay dahil na rin sa nakikita niyang mahinang babae ka. At sinasamantala niya ang tiwala mo sa kanya para maging isa siyang abusadong tao." "Barangay? Nako, eh di kumalat pa po ito sa buong lugar natin. Naiinis nga ako kasi ang iniisip ng ibang tao ay mayaman na ako porket nakapag abroad lang ako. Di nila nakikita ang mga paghihirap ko." "Oh eh ano naman kung malaman nila? Kung yun ang dapat mong gawin, eh di gawin mo. Kasi ito lang ha? Kailangan matuto ng asawa mo kasi wala siyang pinag kaiba sa mga magnanakaw. At chaka, siya naman ang mapapahiya dito at di ikaw eh? Siya ang mayroong kasalanan kaya dapat siya ang managot at di ikaw. Bukod doon, ang kapal kapal pa ng kanyang muka na umiinom sa bahay mo kahit na wala siyang trabaho. Batugan at manginginom, aba ang titindi naman ng kakapalan ng muka niyang si Carlo at sure akong pinag chichismisan na siya ng mga kapitbahay ninyo." Masakit man ito sa damdamin ko pero tama si tita, kailangan kong gawin kung ano man ang tama. Mahirap ito para sa aming dalawa ni Carlo pero mali ang kanyang ginawa at di ito dapat i tolerate. Kung hahayaan ko pa itong tumagal, baka mas lalo itong maging malala. "Siya nga pala," dugtong ni tita ulit, "Ayaw ko pang dagdagan ang mga problema mo kaya lang, yung tungkol kay Mr. Rafael, ano na ang balak mo sa kanya ha?" "Eh tita, baka pwede pa akong manghingi ng kaunti pang panahon sa inyo kasi ang hirap lang din na sunod sunod ang mga problema ko ngayon?" "Nako, ikaw lang din kasi ang may kasalanan kung bakit lumalala ang mga problema mo sa buhay no? Ipa barangay mo lang ang asawa mo, tapos ang problema mo! Wag ka nang mag papakita ng awa sa kanya, wag ka nang maging mabait at malambot na puso, kasi kapag ginawa mo yan, nako, ikaw na talaga ang pinaka tangang tao na nakilala ko." "Teka tita, nasaan po ba sila JM at JC ngayon?" "Nasa computer shop sila ulit, bakit?" "Eh wala, di rin sila matutong mag pirmi sa bahay no?" "Hayaan mo sila, problema na yan ng mga kabataan ngayon. Pero ikaw, ang intindihin mo ay ang pag papa barangay sa asawa mo, okay? Gusto mo bang samahan kita para magkaroon ka ng lakas ng loob? Baka nahihiya ka lang, may kakilala din ako doon na pwede nating matulungan." "Ay tita, no thanks pero ayos lang po sa akin kahit ako lang mag isa. Kaya ko na po, tama kayo, kailangan ay maging matapang din ako sa sarili ko," saad ko pa. ******************************* ******************************* CARLO POV Sobrang sakit pa rin ng ulo ko dahil sa amats ko, pero mas nai stress ako sa patuloy kong pag iwas sa asawa ko, sa tanong niyang wala talaga akong maisagot. But na lang at kahit papaano ay mahaba ang pasensya ng asawa ko. Wala na talaga akong kwentang tao, wala nang direksyon ang buhay ko. Buti na lang at nagagawa pa rin akong pag tiyagaan ni Cindy kahit na ganito ako. Nag ring ang cellphone ko sa kwarto at kinuha ko ito na naka lapag sa kama. Isang text na naman mula sa tropa ko nabasa ko. Nag yaya na naman silang uminom pero pass muna ako. Puro alak na ang laman ng tiyan ko, nakaka sawa na, baka matuluyan pa ako nito. Nang ilapag kong muli ang cellphone ko sa kama, naalala ko na mayroong nilagay na envelope ang asawa ko sa ilalim ng aming kama. Wala naman siya ngayon kaya sa sobrang curious ko ay kinuha ko ang envelope na nilagay niya dito. Sumikip ang dibdib ko ngayon, lalo na nang makita ko ang mahigit 50 million na utang ng parents ng asawa ko at mga threats sa kanila. Kaya pala itinago niya ito sa akin, mas matindi pa pala ang mga problema niya kesa sa akala ko. Paano niya kaya mababayaran ang ganitong kalaking pera? Nang maka rinig ako ng mga mabibilis na yapak ng mga paa papasok sa loob, mabilis kong inayos ang laman ng envelope at nang lumingon ako, nagulat na lang din ako ng makita ko si Cindy. Naka bihis siya ng pang alis at dala niya ang kanyang dalawang anak na malilit. "Ano yung tinago mo?" tanong niya sa akin, "At bakit para yatang naka kita ka ng taong inutangan mo?" dagdag niya pa. "Ahhhh... wala... pero bakit nandito ka at sinama mo pa ang mga anak mo?" "Ayaw ko nang umuwi sa bahay..." sagot niya pero parang paiyak na siya ngayon. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang makitang lumuluha si Cindy sa aking harapan. "Teka lang? Bakit anong nangyari?" tanong ko sa kanya ulit, nag aalala talaga ako. "Basta, lumayo na tayong dalawa, kuhain mo na ang mga gamit mo, magpaka layo layo na tayo. Di ko na gusto sa lugar na ito, kaya mag sama na tayo. Umuwi na tayo sa leyte, please lang." Nabigla talaga ako sa sinabi niyang ito sa akin. Bakit ang bilis naman ng mga pangyayari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD