MARY POV
Medyo pinag pawisan ako sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung paano ako mag re response sa kanya.
"Ahh... wala... teka lang... mabuti naman at nag linis ka sa lugar na ito kahit papaano. Medyo nakaka hiya lang kasi sa mga kapitbahay natin. Kapag dumaan sila dito, baka lang kasi pag chismisan nila tayo," sabi ko, "Saglit lang ha? Papasok lang ako sa kwarto," pag papaalam ko pa sa kanya, tinago ko kaagad sa ilalim ng kama naming dalawa ang envelope at pag lingon ko ay naka sandal na siya sa pintuan ng aming kwarto.
Naka ngiti siya habang naka palupot ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. Halatang relax na relax lang siya.
"Wow? Parang ang ganda ng mood mo ngayon ha? Kanina lang ang lasing ka tapos ang sungit sungit mo, pero ngayon tilla ay nag bago ang ihip ng hangin?"
"Hahahah! Ikaw naman, hindi ako galit kanina, sa katunayan wala akong rason para magalit. Sabihin na nating sadyang masakit lang din ang ulo ko kaya nag muka akong suplado. Pero wag mo na sana yung damdamin. Ang mahalaga dito ay magka sama tayong dalawa ulit. Gusto ko lang sabihin sayo na sobrang na miss kita at natutuwa ako na di ka na mag a abroad. Mahirap ang buhay sa ibang bansa."
Sinang ayunan ko kaagad ang sinabi niyang ito, "Nako. sinabi mo pa, talagang nakaka stress ang buhay sa ibang bansa lalo na kung naka kulong ka lang ng madalas sa bahay."
Lumapit siya sa akin, at kung kanina ay hindi ko nararamdaman ang pananabik niya sa akin, ngayon naman ay damang dama ko na ang pagmamahal niya sa mga titig niyang nakakapang akit talaga. Ganito ang tingin na gusto kong ibigay niya sa akin, hindi lamang ngayong araw kung di magiging sa mga susunod pa.
"Sobra kating namiss mahal, kung alam mo lang kung gaano kalungkot ang mag isa sa buhay, di mo ako matitiis na di makita sa ganitong sitwasyon."
"Ako rin naman, sobrang lungkot din ang nararamdaman ko nang umalis ako dito sa Pilipinas. Mag isa at depress din ako kaya lang noong mga panahon na yun na wala ako, talaga namang ganyan din yung nadama ko. Pero kailangan kasi natin ng mga matitinding sakripisyo noon. Ang importante dito ay may naipon tayo di ba?"
Tipid ang naging ngiti niya sa akin at niyakap niya kaagad ako ng mahigpit, isang bagay na labis kong ipinag tataka sa kanya.
"Miss na miss kita," dagdag pa niya sa akin.
Pero hindi niya ako madadaan sa yakap niya. Ilang taon kong pinang hawakan ang mga sinabi niya na naitatabi niya ang ipon. Now, to see is to believe.
"Teka lang? Baka pwede kong malaman kung magkano na ang account balance natin? So nasa magkano na ba ang lahat ng mga naipadala ko sayo?"
"Ah? Eh gusto mo bang mag pasyal muna tayong dalawa? Sa parking o kahit sa mall kasi marami nang mga pwedeng pasyalan sa lugar na ito eh," pag iiba niya ng usapan matapos kaming mag yakapan ng mahigpit. "Tapos, chaka natin pag usapan ang sa naipon nating dalawa pagkatapis?"
Mas lalo tuloy akong nag tataka sa ipinapakita niyang ito. Nakakapag taka lang na para bang iniiwas niya ang pag sasabi sa akin ng mga naipon naming dalawa. Kinabahan tuloy ako, ito lang yung perang naipon namin sa loob ng tatlong taon at ayaw kong ma disappoint sa kanya.
"Hindi mahal, yung naipon natin, kahit sana mag punta lang tayo sa malapit na ATM machine para mai check lang natin kung magkano ang lamat. Tapos niyan, mapapa natag na ako at pwede na tayong gumala sa kahit saang lugar na gusto mo."
Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napa litan ito ng pagka bugnot.
"Ayan ang mahirap sayo eh, masyado kang seryoso sa buhay? Wala ka bang tiwala sa akin ha? Di ba sinabi ko sayo na chaka na natin pag usapan ang tungkol jan?" sabi niya sabay labas, pumunta siya sa sala at naupo.
Sinundan ko naman siya at naupo din ako sa sala, "Hindi naman sa hindi kita pinag kakatiwalaan kaya lang ay gusto ko lang talagang malaman yung ipon nating dalawa. Basta kapag nakita ko ito ay mapapanatag na ako."
Di niya ako pinansin, bagkus ay nanatili lamang siyang seryoso. Mas lalo na akong nagtataka sa kanya.
"Yung totoo, ano ba talaga ang nangyari ha? Ang simple lang ng hinihingi ko sayo pero bakit di mo ito maibigay?" mahinahong tanong ko pa sa kanya.
"Kasi ang kulit kulit mo eh, bahala ka nga jan!" sabi niya pa sabay alis.
Sa loob ng mahigit isang linggo, patuloy kong kinukulit ang asawa ko tungkol dito subali kahit na anong pilit ko ay ayaw niya talagang umamin sa akin. Palagi na lang mainit ang ulo niya at madalas pa nga ay nag papapunta pa siya ng mga kaibigan niya sa bahay. Sabay sabay silang nag iinuman, palagi siyang lasiing at tila ay wala lang ako sa kanyang paningin. At maging ang kasal namin, parang nag aalangan na akong gawin ito.
Bilang asawa, sobrang sakit lang ng mga nangyayaring ito sa akin kaya lunes ng hapon, nag punta akong muli sa bahay ni tita Vivian. Naka yuko ako habang nasa loob ako ng kanyang pamamahay. Pinag timplahan niya pa ako ng kape.
"Oh ano ka ngayon, Mary? Mukang stress ka na sa buhay mo dito sa Pilipinas ha? Ano na naman ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon?" tanong ni tita.
Tumingin ako sa kanya na bagsak ang mga mata ko, para akong isang nakaka awang nilalang na siya lang ang bukod tanging matatakbuhan.
"Tita bakit po ganun? Bakit sa tuwing tinatanong ko ang asawa ko tungkol sa ipon naming dalawa, palagi niya na lang akong iniiwasan? Hinahabaan ko ang pasensya ko sa asawa ko pero tila ay nasasagad na rin ako kahit papaano."
"Nasasagad? Nako, ikaw kasi ang bait bait mong tao at masyado kang nag papaniwala sa asawa mo! Kita mo, nagawa nga niya na makapag sinungaling sayo sa trabaho niya, pupusta rin ako na nilulustay niya ang perang naipon mo sa abroad. Kaya pag isipan mo kung mag papakasal ka pa sa kanya."