CHAPTER 9

1024 Words
MARY POV Naging seryoso ang mukha ni tita Vivian. At alam kong magiging seryoso ang usapan naming dalawa. Kung may alam man siya tungkol sa mga magulang ko na dapat kong malaman, dapat sabihin na niya ito kaagad sa akin. "Bago mamatay ang parents mo, hinabilin ka nila sa akin. Pero mayroon pa silang isang hinabilin na kailangan mong malaman," sabi niya sabay abot sa akin ng envelople. Tinanggap ko ito pero sobrang nababagabag ako kung ano ba ang laman nito. Lalo na't hindi ko alam ang tungkol dito. "Wait lang po tita, ano po ba ang ibig nitong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya, "At chaka, bakit ngayon niyo lang po sinabi sa akin ang tungkol dito?" "Eh gusto ko naman kasi talagang sabihin sayo kaya lang, alam kong bibigag ang pakiramdam mo kapag nalaman mo ang tungkol rito. Hindi man madali pero dapat ay kayanin mo ito, sana ay mapatawad mo ako kung ano ang mga mali kong nagawa sayo. Naging duwag ako sa umpisa pa lang." Di ko na pinatagal pa, talagang binuksan ko na ang envelope na ito sa harapan ni tita at bumungad sa akin ang napaka daming letter, mga bill statements, at mga threats sa parents ko. "Alam kong masakit ito para sayo, marami ka nang napag daanan sa buhay mo sa Singapore, sa kamay ng mga amo mo. Pero ano ba ang magagawa ko kung sinisingil tayo ng ating nakaraan?" Namumula na si tita habang nag papaliwanag siya. At mas lalo tuloy akong nalalabuan sa mga nangyayari ngayon. Kaya, muli akong napa tingin sa mga papeles na hawak ko at ngayon ko lang din napag tanto na mahigit 50 million pala ang utang na iniwan sa akin ng mga magulang ko. Halos mang hina ang buo kong katawan sa nangyari. Para na yata akong hihimatayin ngayon subalit pilit kong nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko. Nanginginig din ang mga kamay ko na para bang mabibitawan ko ang mga hawak kong mga dokumento sa ano mang sandali. "Parehas na nalulong sa sugal ang mga magulang mo at naisangla nila maging ang kidney nilang parehas, ang isa sa mga dahilan kung bakit sila maagang nagka sakit at namatay. Ang akala ko nga ay malilimuta na ni Mr. Rafael ang utang ng mga magulang mo subalit ngayon ay muli siyang nag paparamdam. Alam niya ang tungkol sayo, kaya pinag handaan niya ang kanyang pag babalik upang ikaw ang singilin sa utang ng mga magulang mo noong nabubuhay pa sila. Siya ay nag ma may ari ng casino na kung saan nalulong ang mga magulang mo," mahabang pa liwanag niya pa sa akin. "Te teka lang po... tita... una, di niya pwedeng ipasa sa akin ang utang ng mga magulang ko. Magpapa consult po ako sa Public Attorney upang masigurado na hindi tayo iha harrass ng taong sinasabi ninyo sa akin," sagot ko pa. "Mary, mas maganda kung makikipag kita ka kay Mr. Rafael ng personal upang mapa kiusapan mo siya tungkol dito. Nanjan din ang address ng kanyang mansyon. Natatakot lang din ako na nadamay sa ganitong klase ng gulo, mahal na mahal ko ang mga anak ko at hindi ko hahayaan na mayroong mangyaring masama sa kanila. Kaya sana ay naiintidihan mo ang pinanggagalingan ko." "Pero tita, 50 million po ang pinag uusapan nating dalawa. Saan po ako kukuha nang ganung kalaking pera para ipam bayad sa kanya? Baka pwedeng idaan na lang namin ito sa usapan?" "Kaya nga kailangan mo siyang puntahan upang makapag usap kayong dalawa. Kasi kung ako lang, di kita kayang bigyan ng sagot sa tanong mong iyan. Basta ang sa akin lang, gusto kong manahimik na ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko lang na matahimik ang aking buhay, pasensya ka na talaga kung ngayon ko lang sinasabi sayo ang ganito. Hindi ko talaga iyon intensyon. Mali ko ito, Mary." Nag didilim ang paningin ko. Mabuting tao ako, wala akong ginagawang masama. Hindi ko deserve na maranasan ang ganitong klase ng bagay. Jusko po, kung kelan naman ako naka uwi dito sa Pilipinas, sunod sunod na mga gastusin ang bumubungad sa akin. Simula sa asawa ko hanggang sa dito, hindi na ako tinantanan ng pag subok. "Sige po tita, pag iisipan ko po ang tungkol dito," sabi ko sa kanya sabay tayo. Mabigat kong iniyayapak ang mga paa ko palabas, ang bigat ng pakiramdam ko at tuloy na nag didilim ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito. Nang maka uwi ako sa bahay, nag taka ako na parehas na wala sila Carlo at Cindy. Subalit napaka linis naman ng loob ng bahay. Malayong malayo na ito sa nadatnan ko kanina na literal na madumi talaga. Medyo napa ngiti ako ng slight ngayon at ito yung unang magandang nangyari sa akin. Pumasok akong muli sa loob ng bahay at naupo ako sa sala. Muli kong binuksan ang envelope at titig na titig pa rin ako rito, hindi ko lang din lubos akalain na talagang ganito kalala ang problemang iniwan ng mga magulang ko sa akin. 50 million? Napaka labong kumita ako ng ganitong kalaking pera sa loob ng isang taon o kahit na habang buhay pa. Napaka imposible, maliban na lang kung manalo ako sa lotto, mababayaran ko ang utang ng parents ko. Subalit pwede ba talaga itong ipasa sa akin? Ano ang gagawin ko? Kung mayamang lalaki si Mr. Rafael, baka hindi niya ako labanan ng patas. At kung mapapahamak sila tita sa gulong ito, wala akong ibang choice kung di ang kitain ang lalaking ito na naging sanhi ng problema naming lahat. "Hi mahal, nandito na ako ulit," ang sabi ni Carlo na dumating sa harapan ng pintuan. Nata ranta ako sa kanya, sa sobrang lutang ko ay hindi ko rin namalayan na nandito na pala siya. Niligpit ko ang mga laman ng envelope na ikinalat ko sa lamesa at muli akong napa tingin kay Carlo na lumapit sa akin. "Sabi sa akin ni Cindy, sa ibang araw mo na lang daw ibigay kung ano man ang iaabot mo sa kany," sambit ni Carlo. "Pero teka lang, ano ba yung laman ng envelope na yan at bakit parang tinatago mo yan sa akin, mahal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD