CARLO POV
"Oo nga eh, ang dami pala talagang kalat. Ganito pa ang nadatnan ni Mary, kahit ako ay magagalit eh," sabi ko. "Happy monthsary pala sa ating dalawa, stay strong lang din."
"Haha! Ang lakas maka bagets ng stay strong!" natatawang sabi niya.
"Oh bakit parehas pa lang tayong 28 ha? Kung mayroon mang matanda rito, si Mary yun, 33 na siya sa December hahaha!"
"Ay, oo nga pala, napag lipasan na rin siya ng panahon ngayon, pero wag mong ipapa inom yan asawa mo ha?"
"Oo, di ko talaga ipapa inom sa kanya ito. Taliwas sa sinabi ko sa kanya kanina, gusto ko talagang imbitahan yung iba kong mga kaibigan. Eh siyempre bagong dating ang asawa ko kaya di naman pwedeng di ko siya ipag yabang no!"
"Ang gago mo talaga hahaha! Baka magalit sayo ang asawa niyan."
"Eh mag sisinungaling na lang din ako sa kanya kasi maniniwala naman siya nito sa akin. Dakilang uto uto din yan si Mary at di niya ako matitiis, maniwala ka sa akin."
"Oh siya, bahala ka na sa buhay ninyong dalawang mag asawa. Basta, darating din yung panahon na tayong dalawa naman ang mag sasama. Mag tiwala ka lang."
Nag linis kaming dalawa sa loob ng bahay nang matapos kaming kumain.
Para sa akin, ito na yung isa sa mga bonding naming dalawa. Kahit na medyo masakit pa ang ulo ko dulot ng labis kong pag inom ng alak.
Literal na madumi man ang bahay, binilisan na lang namin ito. Gusto ko, bago dumating dito sa loob si Mary, malinis na ang madadatnan niyang bahay, malayong malayo sa pagiging dugyot.
At mukang magiging daily routine ko na rin ang pag lilinis ng madalas sa bahay habang mag asawa pa kaming dalawa.
"Sya nga pala, pag tapos nito ay uuwi na ako Carlo. Ipapa ubaya muna kita sa asawa mo sa loob ng isang linggo. Sulitin niyo na kasi sure akong na miss ka rin niya. Sa phone muna tayo mag chat at ugaliin mong mag tago sa cr kapag magsesend ka ng message sa akin upang di ka mahalata, okay?"
Mabilis akong nag reklamo sa sinabi niyang ito.
"Ano? Isang linggo kong titiisin na di tayo mag kikita? Ganyan ba ang gusto mong mangyari sa relasyon natin?"
"Nalamang, di ka naman bingi di ba? Ipapa ubaya muna kita sa kumare ko. Dalasan mo na ang pag halik sa kanya kahit masakit sa akin. Ayaw mo nun makaka tikim ka ng ibang putahe habang wala tayo?"
"No, pupuslit na lang tayo ng pag kikita. Di pwede, di magiging kumpleto ang araw ko kapag wala ka sa tabi ko, kapag di kita makita, kapag di ko masunggaban ng halik ang labi mo," pag papaliwanag ko pa sa kanya.
Namutla siya sa sinabi ko. Halata ding kinilig siya sa akin. Ganito naman ako ka sweet sa kanya, kahit na minsan ay sinasabihan niya ako na over acting o napaka corny, sobrang seryoso ako lalo na kapag tungkol na sa relasyon namin ang usapan.
"Nako ikaw talaga, ang korni korni mo eh no? Wag kang oa ha? Pwede siguro tayong mag kita kung kasama mo ang asawa mo. Kasi sure akong di mo ako matitiis niyan tayong dalawa lang ang nagkita. Mas maigi na rin ito kesa sa mahuli pa tayong dalawa," paliwanag niya pa.
"Hindi ako papayag, mas maganda nga yung ganito kasi may thrill ang relasyon nating dalawa. Wag ka nang mangamba kase gagalingan lang natin sa pag tatago. Pangako ko sayo, no di ka mapapahamak kasi sagot kita."
**************************************
**************************************
MARY POV
Nandito ako sa bahay ngayon ni tita Vivian, at nandito rin sa loob ang mga kambal niyang anak na sila JM at JC, tatlong taon na akong wala rito pero ang bibilis nilang lumaki.
Mas matangkad na silang dalawa sa akin at mas malulusog na ang kanilang mga katawan.
Subalit hindi sila ang dahilan ng pag punta ko dito kung di si tita. Ang sabi niya sa akin, sobrang importante daw ng pag uusapan namin kase tungkol ito sa parents ko.
Kaya kahit nahihiya akong lumabas kasi akala ng mga tao ay isa akong napaka yamang artista, napilitan akong sumugod sa lugar na ito.
"Sige na JM at JC, doon muna kayo sa labas at mag laro muna kayo sa computer shop, mag uusap lang kami ng ate Mary niyo," sabi ni tita Vivian.
Sa isang utos niya lang, mabilis siyang sinunod ng kanyang mga anak. It reflects kung paano niya pinalaki ang mga ito. At masasabi ko na isa siyang mabuting nanay kasi naging mabait at magalang ang kanyang mga anak.
"Sana all tita Vivian, maraming mga kabataan ngayon ang nagiging suwail sa kanilang mga magulang pero kayo po, sa isang salita niyo lang ay sumunod sila. Kaya lang, mahirap maadik sa computer shop ngayon."
Umupo sya sa sofa, sa tabi ko, at ngayon ko lang napansin yung envelope sa kanyang kamay.
"Naku, ganyan naman palagi ang ginagawa nang mga yan dito. Eh kung wala ka pa nga, di titino ang mga yan. Lulong na lulong din sila sa kanilang mga barkada. Ganyan ang mga kabataan ngayon, kahit na anong turo mo ng kagandahang asal sa kanila, matututo sila sa mga barkada nila. Nakaka konsumisyon nga na nandito sila sa bahay. Mas gusto ko silang nasa galaan para walang kalat dito sa loob ng bahay ko."
"Naku tita, baka ngayon mo lang yan sinasabi sa akin. Pero ang totoo niyan, kapag nag abroad ka, maho home sick ka at malulungkot kasi wala ang mga mahal mo sa buhay. Ikaw na lang mag isa at pakiramdam mo ay kalaban mo ang mundo. Ganun kasi ang nararamdaman ko habang ako ay nasa ibang bansa."
"Oh siya, wala akong planong mag abroad pero kung ako sayo ay pumunta ka ng agency at mag reklamo ka sa kanila kasi sinaktan ka ng amo mo. Malay mo ay mayroon kang makuhang pera sa kanila tapos idagdag mo na lang sa ipon ninyong mag asawa," sabi niya.
"Pag iisipan ko po tita, pero matanong ko lang din sana kayo, ano po ba ang dahilan kung bakit ninyo ako pina punta dito at ano ang envelope na hawak ninyo?"