CARLO POV
"Ano?"
"Anong ano?" tanong niya, "Di ba matagal na natin itong pinag uusapan ha? Bakit ngayon na dumating ang asawa mo bigla kang nag alangan? Wag mo sabihin sa akin na nag bago ang isip mo ha?"
"Hindi naman sa ganun! Pwede ba mag relax ka lang jan? Problema lang kasi ako ngayon-"
"Alam ko kaya nga tatakasan tayong dalawa eh! Di mo ba naisip na pwede ka niyang ipakulong sa ginawa mong ito ha? Ngayon pa lang, sinasabi ko sayo, magiging mala impyerno ang buhay mo. For sure magagalit talaga sayo si Mary niyan."
Takot ako noon pero mas naging matindi ang takot ko ngayon dahil sa sinabi sa akin ni Cindy. Tama siya, magiging matindi ang galit sa akin ni Mary kung magkataon na alam niya ang tungkol dito. Ngayon lang ako nahihimasmasan sa mga nangyayari. Mabuti na lang din at isang napaka talinong babae nitong si Cindy. Talagang nakikita na niya kung ano ang mga posibleng mangyari.
"So, ikaw na ang bahala sa ating dalawa. Alam mo naman ako, hanggang dito lang ako eh, para bang wala rin akong mararating sa buhay," dismayadong sabi ko pa sa kanya.
"Ano ka ba? Please wag kang mag salita ng ganyan. Kapag naka uwi na tayong dalawa probinya, mag hanap ka na ng work. O kaya ay mag tanim ka sa bukid ng tita ko. Tahimik lang ang buhay sa probinsya at sure akong mas magugustuhan mo ang ganong klase ng set up kesa dito sa Manila na sobrang gulo."
"Di ba tayo matutunton ni Mary doon? Paano kung mag tulungan silang dalawa at matunton nila tayo? Ang asawa mo, sure akong nabanggit mo na sa kanya ang tungkol jan di ba?" tanong ko.
"Si Caloy? Hindi niya alam ang tungkol dito kasi umpisa pa lang ay sinabi ko sa kanya na laking Manila ako. Naniwala siya sa akin at chaka pwede bang wag mong problemahin ang tungkol dito kasi kung ano man ang nangyayari sa akin o sa asawa ko ay labas ka na? Anak lang naming dalawa ang importante sa akin, gets mo ba? Pasalamat ka nga ay ikaw ang pinili ko kesa sa kanya na tatay ng mga anak ko kasi mas mahal kita sa kanya."
Kahit na maypagka masungit na babae si Cindy, nararamdaman kong mayroon siyang malalim na pag tingin sa akin. At habang wala ang asawa ko, mabilis kong dinikit ang labi ko sa labi niya. Gusto kong maramdman niya ang init ng aking halik sa pag lalapat ng labi naming dalawa.
Sa ngayon, wala na akong pakialam sa pinag samahan naming dalawa ni Caloy, malas niya kasi nasa akin na ang asawa niya at mag sisiimula na kaming dalawa ng magandang buhay ng kami lang magkasama. Tutal may malasakit din naman ako sa kanyang mga anak. Baka kapag dumating pa ang panahon na muli kaming mag kita ay pasalamatan niya pa ako dahil sa pag aalaga ko sa mga ito.
Sobrang lasap na lasap ko ang matamis na halikan naming dalawa ni Cindy. Ilang beses na kaming ganito kasabik sa aming pag hahalikan subalit ngayon, mas lalo akong nagiging hayok sa kanyang labi. Iba siguro talaga kapag ginagawa namin ito sa mga nakaw na sandali. Mas damang dama ko ang kanyang pag mamahal sa akin. Napa pikit lang ako, gusto kong namnamin ang bawat sandaling ito subalit ikinagulat ko lang din ng bigla siyang napa hinto at tinulak niya pa ako.
"Oh tama na yan, binura mo na ang kaunting lipstick na nilagay ko sa labi ko. Buksan mo ulit ang pintuan at baka mamaya ay mag taka an asawa mo kung bakit bigla na lang sinara ang pintuan eh ang init init dito sa loob," sabi pa ni Cindy.
Nayamot ako sa kanya, "Ano ka ba naman ha? Di ba sinabi ko na sayong ayaw na ayaw kong binibitin ako? Tapos ito yung gagawin mo sa akin? Pumunta siya sa tita niya kasi may importante daw silang pag uusaapn. Sure akong mamaya pa siya uuwi dito. Kaya pwede pa tayong mag loving loving, kakatok naman din siya kung sakali."
"Yun na nga eh! Ano ang sasabihin mo kapag kumatok siya?"
"Alam niya na maraming mga chismosang mga tao dito sa lugar natin kaya yun ang sasabihin ko sa kanya."
Tinaasan niya ulit ako ng kilay, "Alam mo ang purol talaga ng utak mo eh no? Kahit na anong ipaliwanag mo sa kanya, maghihinala at maghihinala siya."
"Isang kiss na lang pramis, pagkatapos nito ay bubuksan ko na ang pintuan," huling hirit ko pa sa kanya.
Ayaw ko lang na mabitin ako at kukulitin ko ng kukulitin si Cindy hanggang sa pumayag siya sa gusto kong mangyari.
"Isa na lang ha," sabi niya sabay kagat sa labi niya kasi halatang naiinis na siya sa akin.
Di na ako nag salita pa, bagkus ay muli kong sinunggaban ng halik ang kanyang labi ulit. Mas naging palaban naman si Cindy this time at natutuwa lang din ako sa kanya sapagkat nagiging palaban na siya ngayon sa pakikipag laplapan sa akin.
Gustong gusto ko ang ginagawang ito ni Cindy, halatang nag iinit na rin ang kanyang katawan sa galing kong humalik. Sa katunayan nga, palagi niyang sinasabi sa akin noon na di hamak raw na mas masarap pa akong humalik kesa sa kanyang asawa at minsan pa nga raw, kapag sinusubukan siyang halikan nito ay umiiwas siya dahil sa baho ng hininga nito.
Di kagaya ko, kahit na isa lang akong guard, sobrang iniingatan ko talaga ang hygiene ko. Nasanay kasi ako na maraming mga kinakausap sa loob ng isang araw at masakit pumuna ang boss ko dati kaya nasanay akong maging ganito. Nang ako ang tumigil, sabay kaming dumilat at sabay din kaming nag nginitian.
Sobrang tamis ng halik na ito, sintamis ng unang beses na kaming dalawa ay nag halikan.
"Linis muna tayo dito bago ako umuwi, pero siya nga pala, nag dala ako ng alak ngayon sayo kasi itong araw ang second monthsary natin," sabi niya pa.
Napa kamot ako sa ulo at napa tingin ako sa dala niyang tandu@y na alak sa lamesa.
"Wag ka nang choosey, ganyan lang talaga ang kaya ng budget ko ngayon kaya pag tiyagaan mo na," dugtong niya.