CHAPTER 6

1041 Words
CARLO POV Nailang akong mag open ng tungkol dito sa harapan ni Cindy dahil na rin sa naubos ko na halos ng mga naipadalang pera ni Mary. At baka isipin niya pa na mapera akong tao kahit na ang totoo ay pinang iinom ko lang at nilulustay ang mga perang pina padala ng asawa ko. Nilapag niya ang kape at tumabi sa akin. "Mahal, baka pwede natin itong pag usapan sa ibang pagkakataon? Eh may ibang tao kasi dito eh. Pero wag kang mag alala, hindi ko sasabihin ang pag dating mo dito sa mga kaibigan ko," sagot ko. Kumain na kami ng tahimik hanggang sa mag salita muli si Cindy. "Teka lang, ikaw ba, Mary, ipinaalam mo na ang tungkol dito sa agency mo ha? Oh nag book ka lang ng flight pauwi?" "Nag book lang ako ng flight ng mabilis, basta ayaw ko nag ikwento kasi medyo mahabang storya. Ang mahalaga lang naman dito ay naka uwi na ako dito sa Pilipinas." "Bakit pala wala ka nang planong bumalik sa Singapore?" tanong ni Cindy ulit. "Oo nga, bakit ayaw mo? Maganda naman ang sahuran doon di ba? Dollars pa ang kinikita mo, eh dito sa Pilipinas, kulang pa ang kinikita. Kahit may experience ka, kaunti lang ang kikitain mo. Balik ka na doon para sa future natin," dugtong ko pa. "Nako, wala na talaga pramis. mas gusto ko ang buhay dito sa Pilipinas kesa sa Singapore kahit mas simple rito at mas marami akong kakilala. Doon nga, kapag di ko day off, talagang hindi ako lumalabas ng bahay. At di rin ako nag susubok na mag gala kasi bawat galaw ay literal na gastos. Ang mamahal ng mga gamit doon kaya kahit na gusto kong bumili ay tinitiis ko lang din talaga." "Ewan ko sayo Mars, masyado mong pinag kakaitan ang sarili mo eh sayang lang din kasi sa Singapore, marami kang mga pwedeng pasyalan doon. Unlike dito sa Pilipinas, no comment na lang." "Well, hindi rin talaga siguro ako yung tao na palabili ng gamit At least ngayon, hindi ako nag sisi kasi marami din akong mga naipon-" Tiningnan ko ng matalim si Mary at natahimik siyang bigla. Kakasabi ko lang din kasi sa kanya na wag siyang mag sasalita tungkol dito lalo na sa harap ni Cindy. Nag ring bigla ang cellphone ni Mary at muli siyang napa tingin sa akin. Parang mayroon siyang gustong sabihin at maya maya pa, ibinulong niya ito. "Mahal, pinapa punta ako ni tita saglit sa bahay niya? Baka pwede ko lang saglitin, eh kasi importante yata ito kasi ngayon niya ako gustong mag punta eh," bulong niya. "Sige ayos lang sa akin. Gusto mo ba ihatid kita sa kanila," mahinang tanong ko. "Ay hindi, ayos na sa akin, kahit di na. Babalik din ako kaagad dito," sabi niya pa. Bago ko siya pina alis, humalik muna ako sa kanyang pisngi. At pasimula pa lang ito, sa mga susunod ay mas magiging masarap na ang halikan naming dalawa at aabot ito ng mga ilang minuto lalo na ngayon na nag iinit ako sa kanya. Nang umalis siya, sinarado ko kaagad ang pintuan upang maka sigurado lang din ako na wala siyang maririnig sa usapan naming dalawa ni Cindy o mahuhuli kaming dalawa. "Bakit sinara mo ang init kaya?" taas kilay na tanong ni Cindy, "Buksan mo lang kaya at chaka saan ba pupunta yang si Mary? Mag papasikat ba siya sa iba ninyong kapitbahay? Naiirita ako sa kanya ha? Hindi man lang niya sinabi na pauwi na siya dito sa Pinas!" Sumandal ako sa pintuan, "Ewan ko rin sa babaeng yan, sa tingin ko nga ay gusto niya lang hulihin kung mayroon akong iba eh." "Ano ka ba? Sa tingin ko ay gusto ka lang talaga niyang i suprise kaya lang siya ang na suprise. Kasi kung alam ko lang sana na darating siya ngayon, tinulungan na sana kitang mag linis dito sa bahay mo kasi parang dugyutin talaga. Wala ka namang masyadong ginagawa di ba? Ayaw mo pang mag hanap ng trabaho?" Nayamot ako sa sinabi niya kaya naupo ako, "Ayan ka na naman ha? Ilang beses na nating pinag uusapan ang tungkol dito di ba? Tapos ano? Kukulitin mo lang din ako ulit?" "Aba malamang kasi sobrang concern lang din ako sayo, kaya sana ay wag ka nang maging tambay jan. Mahirap na iasa mo sa ibang tao ang buhay mo kasi magiging kawawa ka lang din sa bandang huli." "Depende sa asawa ko yan, kung wala na siyang planong mag abroad, itutuloy niya yung palagi niyang sinasabi sa akin na mag nenegosyo na lang daw kaming dalawa." "Sa tingin mo ba papayagan ko na ikasal kayong dalawa? And speaking of that, siguro naman ay malaki na talaga ang naipon niyo di ba?" Napa hinto ako at napa tingin ako sa kanya. "Yung totoo? Ano bang iniisip mo ha? Kasi yung pinapadalang pera sa akin ng asawa ko, nilulutsay ko rin rin. Ang huling check ko sa bank account naming dalawa ay nasa 20 thousand na lang yung perang naka save sa joint account namin. Kaya nga, natatakot akong sabihin ito sa kanya. Sure akong mag wawala siya-" "Aba eh di kailangan na tumakas na tayong dalawa bago pa yan mangyari, Carlo!" "Takas? At saan naman tayo pupunta ha? Mas okay na na ganito muna tayo ngayon, baka malay mo ay may pera pang natabi yang si Mary pero di niya lang sinasabi sa akin. Balak ko na maunahan kong makuha yun bago niya malaman na wala na siyang ipon sa akin." "Eh di kuhain natin tapos chaka tayo umalis? Mas maganda nga na may pera tayong dalawa bago tayo mag sama." "Saan nga tayo pupunta?" tanong ko, napa taas pa ako ng boses sa kanya kasi panay siya ganito sa akin. "Malamang, pwede tayong pumunta sa probinsya namin sa Leyte at doon tayo mag tago. Sure ako na di na niya tayo makiita doon. At di niya alam na magkasama tayong dalawa." "Paano ang asawa mo ha? Si Caloy? Ano ang gagawin mo sa kanya?" "Iiwan ko siya sa ere, Carlo! Malamang, wala na akong nararamdman para sa kanya kaya mas maigi pa na iwan ko na siya sa ere! Ayaw mo ba noon? Ikaw ang gusto kong makasama?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD