MARY POV
Hayz, unang araw ko pa lang dito sa Pilipinas subalit ganito na kaagad ang bumungad sa akin, isang problema na talaga namang nag papasakit ng ulo ko ngayon.
Mahal ko si Carlo pero ang hirap lang tanggapin na parang wala siyang pagbabago, kung ano ang ugali niya noon, ganito pa rin ngayon.
Pagod na pagod pa ako sa biyahe pero parang wala rin akong ibang choice ngayon kung di ang linisin ang buong bahay ng ako lang mag isa.
Di rin kasi ako makakapag pahinga ng ganito, ang gulo ng paligid, sanay ako sa malinis.
Nang matapos kong linisin ang sala, dumating si tita Vivian at may dala siyang isang tray. Naamoy ko na isa itong adobo.
Masarap pa naman yung adobo na palagi niyang niluluto sa akin dati. Sobrang paborito ko talaga ito. At ngayon, napa ngiti ako dahil sa muli ko itong matitikman.
"Tita, sorry po sa gulo ha? Medyo marami lang akong ligpitin. Ang ganda ng pasalubong sa aki ng asawa ko, konsumisyon. Akala ko ay masu suprise ko siya pero ang ending, ako ang na surprise sa kanya," naka ngising sabi ko pa. Subalit sa likod ng ngiti ko ay nagkukubli ang pagkainis ko.
Lumapit siya sa akin at nilapag niya ang dala niyang tray. Napa tingin siya sa kwarto kung saan natutulog ang asawa ko. Nalingat siyang muli sa akin
"Nako, ang sakit talaga ng ulo ko jan sa asawa mo, no di naman ito ang unang beses na nag lasing yan. At chaka, alam mo ba, sobrang dalas kaya mag punta ni Cindy dito! Ewan ko ba, minsan ay sila lang dalawa sa bahay mo. Kaya bantayan mo iyang si Carlo ha? Sa panahon ngayon, no di mo sure kung sino ang ahas sa paligid mo."
Mariin ko kaagad na pina bulaanan ang sinabi niya sa akin.
"Ay grabi ka na man tita, di magagawa ni Carlos yung pakiki apid sa ibang babae lalo na si Cindy na dahilan kung bakit ako nakapag abroad. So wala akong dapat na ikabahala," mahinahong sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinatak ako papunta sa sofa. Naupo kaming dalawa.
"Nako ikaw ha? Akala mo ba di ko napansin yung pasa mo sa likod mo? At yung paso sa may bandang siko mo? 'Yung totoo, kaya mo akong ngitian ng ganyan subalit alam kong may tinatago ka sa akin."
"Tita..." Halos manginig na ako sa kaba, nangangatog ang mga tuhod ko ngayon.
Si tita, mayroon talagang kakatihan ang kanyang dila ngunit wala akong magagawa, nahuli kaagad ako ng mga matatalas niyang mga mata.
"Oh ano? Marami akong nababalitaan na domestic helpers na inabuso ng kanilang mga amo. At natatakot ako para sayo. Kaya sabihin mo sa akin, ano ang mga hirap na dinanas mo sa amo mo?"
Isang malapad na ngiti ang binigay ko sa kanya, "Tita, pramis ko sa inyo, okay lang po talaga ako. Wala kayong dapat na ikabahala sa akin kasi maayos po ako-"
Hinampas niya ang hita ko pero di masakit. Ito yung nagpa hinto sa aking pag sasalita.
"Nako, sa lahat pa talaga ng tao sa mundo, sa akin ka pa mag sisinungaling eh kilalang kilala ko ang bawat kilos mo. Simula nang mawala ang mga magulang mo at ako ang tumayo mong nanay at tatay, di ka na makakapag sinungaling sa akin. Yung totoo? Mag sisinungaling ka pa ba o isusumbong kita sa agency mo na isang sakay lang ng jeep mula rito?"
Wala na talaga akong takas pa sa kanya. Nabuking na niya ako, di ko na ito maitatago pa sa sarili ko. Ngunit, para lang din sa ikaka tahimik ng lahat, gusto ko munang mayroon kaming kondisyon bago ko simulan ang malagim kong kwento.
"Iku kwento ko po sa inyo ang tungkol rito pero sa kondisyon po na sana ay wag niyo itong ipag sasabi sa iba, lalo na kay Cindy o sa asawa ko kasi ayaw ko talaga ng gulo. At bukod rito, di ko na talaga planong mag abroad kasi may ipon na kaming dalawa ng asawa ko."
Tumungo lang siya at parang naiinip na siya sa kung ano man ang ikukwento ko.
"Hmm... alam niyo tita," pag uumpisa ko ng kwento, kasabay nito ang pag alala ko sa mga masasakit kong karanasan. Pini pigilan ko lang din talaga na maging emosyonal kahit na sobrang trauma ang inabot ko sa pag a abroad ko, "Mahirap po talaga ang buhay sa ibang bansa, lalo na sa isang kagaya ko na di nakapag tapos ng hayskul. Sa unang pasok ko pa lang sa bahay, sobrang kalat ang nadatnan ko.
Yung literal na parang mga hayop ang naka tira. Shempre, nagpa kitang gilas ako sa unang araw ko at puro lang ako linis. Nakaka pagod kasi mismong yung pahinga ko pa nga, kakatukin pa ako ng amo ko para lang ipag timpla siya ng kape o may iuutos sa labas."
"Aba, bakit kung ganyan pala ang trato sayo ng amo mo eh di sana ay ni report mo kaagad sa embassy. Sure akong mapapa rusahan yang mga taong yan kesa naman sa tiniis mo ang pang aalipusta nila sayo. Nako, mas masakit kung mas malala pa ang gawin nila sayo jan."
"Tita, ang importante dito ay may ipon po ako. Gagamitin ko yun sa pag papakasal naming dalawa ni Carlo. Tapos, mag nenegosyo na lang siguro kaming dalawa."
"Ipon? At sino namang may hawak ng ipon niyo ha?" tanong ni tita.
"Eh sa aming dalawang mag asawa, si Carlo talaga ang magaling humawak ng pera kaya siya po ang pinag kakatiwalaan ko. Siguro naman, pag dating sa ganitong bagay ay naiintindihan niyo ako di ba? Kahit kayo, si tito ang humahawak ng pera ninyo."
"Nako, wag mong idadamay si Robert dito kasi mabait ang asawa ko at walang bisyo. Di kagaya ng lalaking yan, ang maganda pa ay tanungin mo siya o hingian ng bank account details para maniwala kang naipon talaga ang lahat ng perang ipinadala mo sa kanya," pag tataas ni tita ng boses.
Tutugon pa lang ako sa kanya ngunit may biglang kumatok sa pintuan.