CINDY POV
Ngayong araw, plano kong sopresahin ng isang boteng alak si Carlo. Alam kong lasing pa siya kagabi pero ngayon ang second monthsary namin.
Gusto ko sana siyang pag lutuan kaya lang ay naalala ko nga pa lang nasa bahay ang asawa ko, nag aalaga sa dalawa naming mga anak.
Pero wala na akong planong mag seryoso sa relasyon naming dalawa ni Caloy, di ko na siya mahal at pina kikisamahan ko na lang siya dahil sa mga anak namin.
Si Carlo na ang tinitibok ng puso ko at pangako namin sa isa't isa na kapag umabot kami ng isang taon ay ibubunyag na namin ang aming relasyon at mag sasama.
Nang mag bukas ang pintuan, halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Mary, ang kaibigan kong tinulungan kong maka pasok sa Singapore bilang isang domestic helper.
Isang ngiti at mahigpit na yakap ang ibinungad niya sa akin bilang pag bati. Niyakap ko siya habang hawak ko pa rin sa kaliwang kamay ko ang bote.
Itinaas ko ang isa kong kilay, bakit ngayong araw pa siya dumating? Sa huling pag uusap naming dalawa, sinabi niya sa akin na nag extend pa siya ng two years sa amo niya? Pero ngayon, bumalik pa siya kung kelan nasa kalagitnaan na kami ng saya ni Carlo? She shouldnl never come back!
"Sobrang salamat sa opportunity Mars, di ko talaga makaka limutan ang kabutihan mo sa akin at tatanawin kong malaking utang na loob sayo ang pag a abroad ko. Ang gandang bansa ng Singapore at malaki ang naipon namin ng asawa ko."
Nahilo ako sa pabango niyang cheap kaya pumiglas ako sa higpit ng yakap namin. Duh! Never ko kayang mami miss ang isang kagaya niya, tinulungan ko lang siya kasi may referral fee akong nakuha mula sa agency at may bayad pa sana ito kapag nag 5 years na siya sa kanyang trabaho.
"Wait lang, bakit biglaan yata ang pag uwi mo dito sa Pilipinas? Akala ko ba ay mag e extend ka pa?"
Tinipid niya ang ngiti niya sa akin, sing tipid ng budget namin ngayon sa bahay.
"Na miss lang kasi kita kaya bumalik ako kaagad dito sa Pilipinas," pabirong sagot niya pa sa akin kaya mas lalo akong nang gigil sa galit.
"Seryoso ba ito ha? Kasi pag di mo sa akin sinabi, pupunta talaga ako sa agency. Baka may ginawa kang kalokohan sa Singapore, sa amo mo, tapos umuwi ka rito? Eh di shempre ako ang mapapahiya sa kanila," pabalang na sagot ko pa.
Nalingat ako sa likuran ni Mary at nakita ko na nandito pala ang chismosa niyang tita. Makati pa naman ang dila nito kaya hinatak ko muna palabas si Mary upang dito ipag patuloy ang seryosong pag uusap naming dalawa.
"Ay grabe ka naman, Cindy, umuwi lang talaga ako ng biglaan kasi na home sick ako. At may plano na kasi kami ng asawa ko na maikasal kaya ako nag madaling umuwi," napa simangot siya, "Kaya lang, imbes na ako ang magsu suprise sa kanya, ako pa itong na suprise ng perwisyo kasi nadatnan ko siyang lasing at marami pang kalat sa bahay."
"Nako sorry, nag inuman kasi kami kahapon sa bahay niyo at napa sarap din kami sa aming kwentuha kaya di na namin namalayan yung oras. Marami kaming uminom, wag kang mag alala, Mars, di ko sinolo ang asawa mo at kaya yang patunayan ng asawa ko at mga kaibigan namin," ani ko, mahirap na at baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
Kaya kailangan ko ring depensahan ang sarili ko kasi naniniwala ako sa woman's instinct.
"Di ayos lang sa akin, ganyan din ang sinabi ng asawa ko. Ikaw lang naman ang pinag kakatiwalaan ko sa lahat ng mga babaeng makaka inuman niya. Kung ibang babae nga siguro, sinugod ko na kaagad at kinalbo. Kilala mo ako, nagiging tigre din ako lalo na kapag niloloko ako. So, hindi mo na kailangan maging defensive jan."
Napa smile ako ng awkward. Medyo tanga lang din siguro ako sa part na yun na hinayaan kong maging defensive ako kahit na wala naman siyang hinala.
"Kaya lang, wala ka bang nababalitaan na babaeng lumalandi sa asawa ko? O kahit kung mayroon siyang ibang kinakalantari?" dugtong na tanong niya pa.
"Wala...." mabilis kong tugon sa tanong niya, medyo pinag pawisan ang dibdib ko sa kaba.
Di ako handa sa muli naming pag kikita ni Mary, hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako. Paanong nangyari na ang babaeng nasa Singapore ay mabilis naka lipad pabalik sa Pinas ng di ko man lang natunugan? Bagamat nandito na siya ngayon, di ito nangangahulugan na matatapos na ang mga masasayang sandali namin ni Carlo.
Siguro nga ay mas magiging intense pa ang bawat eksena dahil may bagong twist na ang aming love story.
Pero titiyakin ko na mauuna pang pumuti ang buhok ni Mary bago pa niya kami mahuli ng kanyang asawa.
Kung alam niya lang kung gaano ko nilasap at pinapak ang masarap na labi ng kanyang asawa, kung paano ako nito paligayahin sa nakaw naming mga sandali at mga pinag daanan naming kami lang ang nakaka alam, tiyak akong mamamatay siya sa inggit.
On the very first place, wala na talagang pag tingin para sa kanya si Carlo simula nang akitin ko ito. Isang malanding tingin ko nga lang sa kanya, para na siyang isang linta na sunod ng sunod sa akin kahit na saan ako mag punta.
"Good, sapat na ang isang salitang sinabi mo para mawala ang kabang nararamdaman ko. Halika, kain tayo sa loob, may chocolates din akong dala, bibigyan kita, di ba paborito mo yun?"
Chocolate? Akala niya ay madadaan niya ako sa pa chocolate niya eh halos diabetic na ako.
"Ay wag na chocolate, common na kasi yan sa mga binibigay ng mga galing sa abroad. Baka pwede sana kung cash na lang?" pag bibiro ko sa kanya.
"No problem, ako ang bahala sayo, basta pumasok muna tayo sa loob ng bahay kasi maraming chismosa dito. Akala nila isa akong milyonaryang artisang nag bakasyon dito."
Napa lingon ako sa paligid at marami na pa lang mga taong naka tingin sa amin.