KABANATA 17
“Thank God you called.”
“And thank God, natawagan na rin kita. Ano bang klase ‘yang probinsya niyo? Sobrang layo ba talaga sa sibilisasyon kaya walang signal?” Parang nabawasan nang kaunti ang takot ko nang marinig ko ang boses ni Rina. Parang kahit papaano ay nakakita ako ng pag-asa.
“Tama na muna ‘yang reklamo mo. Rina, I need your help.”
“Help? Why?”
Lumayo muna ako sa pintuan para makasiguradong walang makakarinig sa magiging usapan namin.
“Hindi ko ma-explain ‘yung nangyayari sa parents ko. Bigla na lang nagbago ‘yung mga ugali nila.”
“I can ralate. Ganyan din si Mommy sa ‘kin. Papayagan ako lumabas then biglang magbabago ang isip. Pati nga allowance ko balak niya bawasan.”
“No Rina. Iba ‘to,” pabulong kong sabi na hindi ata niya narinig dahil tuloy pa rin siya sa pagsasalita.
“Wala naman daw pasok at wala naman akong dapat pagkagastusan. May merch pa naman akong binili online.”
“Rina…”
“My God ang hirap maging fangirl! Hirap maging marupok!”
“Rina stop!” Medyo nilakasan ko ng kaunti ‘yung boses ko para mapatigil ko siya sa pagsasalita.
“Oh, sorry.”
“Iba ‘tong nangyayari sa ‘min. ‘Di tulad ng iniisip mo.”
“What do you mean?”
“They’re acting weird. Mismo sa harapan ko nagsisinungaling sila and nagiging bayolente pa.”
“Gwen? Hello? I’m waiting for your answer.”
“Aren’t you listening?”
“Gwen? Nandyan ka pa ba?”
“I’m still here Rina.”
“Hello? Can you still hear me?”
“Yes. I’m still here. I can hear you.” Naglakad ako sa loob ng kwarto. Trying to get better signal. “Please don’t hang up on me.”
“Ano ba ‘yan. May good news pa naman ako sa ‘yo. Hey Gwen, if you can still hear me, maupo ka muna.
“I can’t. Hangga’t ‘di ako nakakahanap ng pwesto na maganda ang signal. Kailangan mong malaman kung ano’ng nangyayari sa ‘kin.”
“Nakaupo ka na? Heto na?”
“Hello Rina. Hindi mo ba talaga ako naririnig?”
“Pupuntahan ka ni Liam d’yan.”
“What?!”
“Parating na prince charming mo to save you sa pagkainip d’yan sa lugar na ‘yan.” Natatawa niyang sabi.
“No! Hindi siya pwedeng pumunta rito.”
“Ano ba ‘yan? Paka-tahimik. Hindi ko man lang marinig ‘yung reaction mo. Pero sure ako kung naririnig mo ‘ko, nagsisisigaw ka na d’yan sa sobrang kilig.”
“Stop him Rina! Please!”
“Sige na nga. Bye na. Call me kapag nandyan na siya.”
“No! Rina, please, don’t hang up! Tell him not to go!”
Tunog ng pagkaputol ng tawag na lang ang narinig ko. Tulala na lang akong napaupo sa kama nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Dad. Nasa kamay pa niya ang susing ginamit niya para buksan ang pinto.
“Sino’ng kausap mo? Nagsusumbong ka? Humihingi ka ng tulong?!”
“No Dad. Kausap ko lang si Rina. You know her ‘di ba? Nangangamusta lang po siya.”
Naglakad siya palapit sa ‘kin. Isang dipa lang ang layo niya nang huminto siya sa harapan ko. “Akin na ‘yang cellphone mo,” sabi niya sabay lahad ng palad.
“No…” Itinago ko ‘yung hawak kong cellphone sa likuran ko.
“Akin na!” Hinampas niya ‘yung lampshade kaya tumalsik ito at bumagsak sa sahig. Napapikit ako dahil sa magkahalong gulat at takot.
Unti-unti akong dumilat. Nangingilid na ang luha ko. “Dad…”
“Sa susunod baka hindi na lampshade ang mahampas ko.”
“Please Dad.”
Bingi siya sa pakiusap ko. Inilahad niya lang uli ang kamay niya sa harap ko. “Akin na!” sigaw niya kasabay ng pandidilat ng mga mata.
Sa labis na takot ko, wala na akong nagawa kundi ibigay ang hinihingi niya kahit labag sa kalooban ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang iabot ko sa kanya ang hawak kong cellphone na natitira ko sanang pag-asa para makahingi ng tulong sa labas, lalo pa’t ikinukulong nila ako rito.
Wala nang paraan para makausap ko pa uli si Rina. Hindi ko rin mapipigilan ang pagpunta ni Liam. Panibagong problema na naman ang dumating sa ‘kin.
Lumabas na ng kwarto ko si Dad. Akala ko’y hindi na siya babalik pero pumasok uli siya at may dala nang mga tabla, pako at martilyo. Isinarado niya ang lahat ng mga bintana at pagkatapos ay isa-isang niyang ipinako ang mga tabla roon.
“Dad, what are you doing?”
“Ang dapat ginagawa sa mga batang matitigas ang ulo tulad mo. Ikinukulong.”
“Dad, stop! Please! Hindi ikaw ‘to. ‘Yung Dad na kilala ko, hindi gagawin ‘to.”
Biglang niyang inihinto ang ginagawa at umikot paharap sa ‘kin. Seryoso ang mukha niya at diretsong tumingin sa ‘kin. “’Yung Gwen na kilala ko, hindi sinusuway ang mga utos ko. Mabuting anak siya. Ikaw? Mabuting anak ka ba? Ikaw ba talaga ang anak ko?”
“Dad, what are you saying? You’re scaring me.” Humakbang siya nang isang beses palapit sa ‘kin kaya napaurong ako. Akala ko tuluyan siyang lalapit pero nilagpasan niya ako at lumabas ng kwarto. Pagbalik niya isang bulto na naman ng mga tabla ang dala niya. Mukhang sisiguraduhin niyang hindi ako makakalabas gamit ang bintana. Ang tanging daanan ko na lang palabas ay ang pintuan ng kwarto ko. Wala akong takas kung babantayan nila ito.
Nang matapos si Dad halos wala nang makapasok sa liwanang sa kwarto ko. Ang dilim, kahit na alam kong maaraw pa sa labas dahil nang mapatingin ako sa orasan ay alas-quatro pa lang naman nang hapon. Pero dahil sa dami ng pinagdikit-dikit at pinagpatong-patong na tabla na nilagay ni Dad ay katiting na liwanag na lang ang pumapasok sa malilit na siwang sa pagitan ng mga tabla.
Pagkaalis ni Dad, pag-iyak na lang ang tanging nagawa ko hanggang sa sumapit ang gabi.
“Gwen.” Napabalikwas ako ng tayo sa kama nang marinig ko ang boses ni Ate Rose. Nagmamadali kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang may hawak na tray na may pagkain. “Ako ang nagluto niyan. Pagpasensyahan mo na ‘yan lang ang magagawa ko para sa ‘yo,” pabulong niyang sabi habang inaabot ang tray sa ‘kin. “Pasimple kong pinalitan ‘yung pagkaing hinanda ng Mommy mo.”
“Salamat Ate Rose.”
Saglit siyang tumingin sa may hagdan bago ibinalik ang tingin sa ‘kin. “Nandyan na rin ‘yung sinasabi ko kanina. Ilang beses ko nang narinig ‘yung pangalang Anita dito sa bahay na ‘to, kaya nang makita ko ‘yan sa gamit ng lola mo kinuha ko.”
“Saan mo nakita? Paano?”
“Hindi ko kasi itinapon agad ‘yung mga gamit ng lola mo na ipinapatapon ng Mommy mo. Nanghinayang kasi ako. Naisip ko na baka may makita ako na pwede pang magamit o maibenta. Mula sa mga ‘yon, ‘yan ang nahanap ko, pati na rin ‘yung picture na una kong naibigay sa ‘yo kanina. Susubukan ko pang maghanap ng iba. Hindi ko pa kasi tapos tingnan. Isinisingit ko lang sa tuwing wala akong ginagawa at hindi nakatingin ang Mommy mo.”
May sasabihin pa sana ako kay Ate Rose pero narinig namin na may papanik ng hagdan. Sa tunog ng sapatos nito alam kong si Mommy ‘yun. Walang sabi-sabi ay umalis na si Ate Rose at at nagmamadali naman akong pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto kahit na alam kong wala naman itong saysay dahil may hawak silang susi. Pero kahit papaano, pakiramdam ko ligtas ako kapag naka-lock ito.
Inilapag ko sa kama ang tray at tinanggal ang plato na nakatakip sa mangkok. Instant noodles ang laman nito. Ayos na rin. Mabubusog pa rin naman ako. At least hindi ako matatakot na malason o may makain na hindi dapat.
Mula sa loob dinig ko ang maingay ngunit mabagal na mga hakbang ni Mommy na palapit sa kwarto ko kaya nagmamadali kong kinuha ‘yung tablecloth na nasa tray at isinaksak sa loob ng punda ng unan ko. Halos bumaon na sa unan ang mga kuko ko sa higpit ng pagkakahawak ko rito habang nakatitig sa pintuan at hinihintay ang pagbukas nito lalo pa’t tumigil sa tapat ng kwarto ko ang yabag ni Mommy. Pigil ang hininga ko nang marinig ko uli ang paglakad niya. Mukhang papunta na siya sa kwarto nila. Mabuti na lang.
Mabilis kong kinuha ‘yung mangkok ng noodles at nagmamadali ko itong kinain. Halos ‘di ko na ito nginuya at saglit lang na dumaan sa bibig ko dahil nilulunon ko agad sa takot na bumalik si Mommy at tuluyan nang pumasok sa kwarto at makita ang dinalang pagkain ni Ate Rose sa ‘kin. Natakot ako para kay Ate Rose. Ayokong mapahamak siya dahil sa pagtulong sa ‘kin. Natakot din ako para sa sarili ko dahil kapag nalaman ni Mommy ang ginagawang pagpapalit ni Ate Rose ng pagkain ko, baka sa susunod, siya na ang maghatid ng pagkain sa ‘kin. Wala na akong kakainin, mawawalan pa ako ng pagkakataon na makausap si Ate Rose.
***
Alas-dose na nang madaling araw. Pinilit kong hindi makatulog. Gusto kong makasigurado na tulog na sina Mommy at Daddy bago ko tingnan ‘yung ibinigay ni Ate Rose na galing sa mga gamit ni Inang. Mabuti na ang maging maingat kesa mahuli nila ako kapag biglaang silang pumasok o ang isa sa kanila rito sa kwarto ko.
Kinuha ko ang tablecloth sa loob ng unan ko at binuklat ito. Isang sobre ang nakaipitdito. Tiningnan ko ‘yung kabilang side. Isa pala ‘tong sulat na galing kay Anita at nakapangalan kay Mommy. Binuksan ko ‘yung sobre pero wala naman itong laman.
Nakaka-frustrate. Nagpakapuyat ako para sa isang sobreng walang laman. Proof nga ito na totoong may Anita pero, wala namang nadagdag sa mga bagay na alam ko sa kanya. Ano’ng maitutulong nitong sobre na ‘to sa problema naming pamilya?
Nalamukos ko ‘yung sobre. Pumikit ako at huminga nang malalim para ikalma ang sarili. Nang idilat ko ang mga mata ko wala na ako sa kwarto ko. Nasa ibang bahay na ako.
May narinig akong babaeng umiiyak. “Madame, I’m sorry. I’m sorry. I will not do it again. Please forgive me.”
Naglakad ako papunta sa lugar kung saan nanggagaling ‘yung boses. Isang babaeng nakasuot nang pangkasambahay ang nakita kong umiiyak at sinasabunutan ng isang dayuhang babae.
Kinaladkad siya ng dayuhang babae. “You need to be punished!” sigaw nito sa kanya.
“Madame. Please! Not the room. Do not lock me in the room.”
Tumakbo ako palapit sa kanila para tulungan ‘yung babaeng minamaltrato pero nang hawakan ko sila, tumagos lang ang mga kamay ko.
Biglang nagbago ‘yung paligid at napunta na ako sa isang madilim na kwarto. Wala itong laman na kahit na anong gamit. Sa isang sulok naroon ‘yung babaeng kasambahay. Nakaupo siya sa sahig at sa paanan niya may piraso ng tinapay na maitim na dahil sa amag. Iyak siya nang iyak.
Bigla akong napalingon nang bumukas ang pintuan sa likuran ko. Isang dayuhang lalaki ang pumasok na may dalang tray ng pagkain.
“No! No! I don’t need that. I’m not hungry!” Sigaw ng babae na ngayon ay yakap-yakap na ang mga tuhod at pilit na nagsusumiksik lalo sa sulok.
“I won’t hurt you. I just want to play,” sabi ng lalaki. Inilapag nito ang tray na may pagkain sa sahig. Akala ko’y aalis na siya pagkatapos pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Unti-unti ay isa-isa niyang hinubad ang kanyang damit at para siyang isang leon na dahan-dahang lumapit sa inaasam na pagkain.
Kahit anong takip ko sa mga tenga ko at pinid sa mga mata ko, parang nakikita ko pa rin sa isipan ko ang ginagawang kababuyan ng lalaki sa walang kalaban-labang kasambahay. Sumigaw ako ng ubod nang lakas upang pangibabawan ang naririnig kong palahaw galing sa babae.
Biglang tumahimik ang paligid. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nasa banyo na ako. Naroon din ‘yung babaeng kasambahay. Nakaluhod siya habang kinukuskos ang inidoro. Bakat sa suot niyang damit ang mamumukol niyang tiyan. Nagbunga ang kawalanghiyaan ng amo niya sa kanya.
“Anita!” Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng amo niyang babae pero mas nagulat ako sa pangalang binanggit nito. Anita. Ang babaeng kasambahay na ito ay si Anita.
Nagmamadaling tumayo si Anita kahit na halatang hirap na siya. “Yes madame?”
“Where’s my pink dress? Find my pink dress,” utos ng amo kaya nagmamadaling tinanggal ni Anita ang suot na gloves at hinanap sa cabinet ang damit.
“Is this the dress madame?”
“No. I need the one with sleeves.”
“This madame?”
“That is not pink. That is red! Stupid!”
“Madame, maybe it is still in the laundry.”
“You haven’t washed my clothes?!”
“I plan to wash it after cleaning the toilet madame.”
“Lazy!” Biglang sinabunutan ng amo si Anita. “I need that dress now. Why didn’t you washed it! You’re so lazy! I will not give you your salary!”
Marahas siyang itinulak nito kaya napasadlak si Anita sa sahig. Hindi siya makatayo at namimilipit siya sa sakit. Dinudugo na si Anita. Umiiyak siya habang sapo ang sinapupunan.
Naiyak ako. Wala akong magawa para sa kanya. Gusto ko siyang lapitan at tulungan pero sa isang iglap lang nabalik na uli ako sa kwarto ko. Wala na si Anita sa harapan ko.
Ang sakit sa dibdib. Iyak ako nang iyak habang nakahiga sa kama ko. Parang totoo lahat ng nakita ko at alam kong hindi panaginip ito.