Story By Lhera Layderos
author-avatar

Lhera Layderos

bc
Sunshine In The East
Updated at Nov 27, 2024, 06:08
Si Eliana Anatola Addison ay isang simpleng babae na nangangarap makapunta sa Maynila upang siya ay makapag-aral, makapagtrabaho at higit sa lahat ay makalayo sa kanyang tiyahin na kulang nalang ay isumpa siya simula nang mamatay ang kanyang ina. Hindi siya sinasaktan nito sa pisikal na paraan ngunit siya'y pagod na pagod na sa pagiging mayabang at pang-aalipin sa kanya sa loob ng bahay kasama ang tatlo nitong anak. Naging kataka-taka rin ang nangyayari sa kanya sa loob ng bahay ay hindi siya naglakas-loob na gumanti. Hindi naglaon ay natagpuan niya na lamang ang sarili na kinakausap ang isang lalaki dahil hindi siya mahilig makipag-usap kahit kanina dahil bahay at paaralan lamang ang kanyang destinasyon. Sa  hindi inaasahang pangyayari ay ang lalaking ito na si Lucas Roshan Sandoval, isang bilyonaryo ang susundo sa kanya para makaalis sa isang trahedya sa kanyang buhay. Nang masagip siya ng lalaking ito ay nabago ang kanyang buhay. Naging malaya at maganda ang buhay niya ngunit sapat na ba ito upang siya'y maging masaya kahit may nakaabang na matinding pagsubok?
like
bc
THE BILLIONAIRE’S CONCUBINE
Updated at Sep 6, 2024, 03:34
Hindi nagsasawa si Sunnydale sa pag giling at pagpasok sa bar club upang maalis ang kanyang ina sa sakit na dinaranas nito. Inilagay niya ang kanyang sarili sa bawat sitwasyon kung saan kaya niyang makipag-usap gabi-gabi sa bawat lalaking hindi niya naman kilala para lamang magkaroon ng pera. Pagkalipas ng ilang linggo, nagkaroon ng maraming komplikasyon ang kanyang ina dahil sa kanyang sakit. Ngunit nandiyan siya, ginagawa ang kanyang makakaya at naghahanap ng taong magliligtas sa kanya mula sa kanyang mga problema. Sa kabutihang palad, natagpuan niya ang nagngangalang Helios Servie Bringston, isang gwapo at bilyonaryong lalaki dahil sa kanyang kasipagan. Si Sunnydale ay binigyan ni Helios ng kontrata upang siya ay maging kabit nito sa loob ng limang taon; sinabi ni Helios na siya ang bahala sa lahat ng gastusin. Magiging sapat ba ang isang relasyon kung labag ito sa batas at bubuo ng pangmatagalang problema sa kanyang personal na buhay?
like