CHAPTER 1
SUNNYDALE
Nakatitig lamang ako sa screen ng aking cellphone, pilit kong iniintindi ang mensahe ng isang customer noong nakaraang gabi na si Carlos.
“Bahala ka sa buhay mo!” Inis kong ibinato iyon sa aking higaan. Ayaw niya akong tantanan.
Lumabas ako ng kwarto ko at naabutan si papa na naghahanda ng hapunan.
“Saan ka pupunta, Sunny? Gabi na ah, kain na,” malumanay niyang sabi. I rolled my eyes. Sawang-sawa na ako sa buhay na ganito, wala man lang maayos na pagkain.
“Saan pa ba? Edi maghahanap-buhay.” Dahil sa sinabi ko ay parang natigilan siya.
Kailangan ko ng pera para maipagamot si mama na nakaratay ngayon sa hospital.
Nag-iimpake siya ng mga gamit at pagkain para dalhin dito.
Masaya naman ang gumiling sa maraming tao. Halos kaluluwa mo ay kailangan mong i-sakripisyo; bagay na pinandidirihan ng mga tao.
Sabihin na nilang marumi ako, dahil yun naman ang totoo at wala akong pakealam.
Inis kong nilisan ang bahay. Narinig ko pa ang pagtawag ng aking ama ngunit hindi ko na lamang ito inintindi.
Maya’t-maya ay may nakita akong puting kotse. Pumarada ito sa tapat ko kaya kumunot ang noo kong tumingin dito.
“Hey, girl!” malakas na sigaw sa akin ni Samira. Doon ko lang napansin ang lalaking driver niya. Bagong boyfriend niya ba ito? Bago na naman ang kotse niya?
“Hey!” Agad akong pumasok sa kotse.
Habang nasa loob ng kotse ay hindi ko maiwasang suriin ang lalaking nagmamaneho. He’s freaking handsome! He looks like good in bed.
Natawa ako sa naisip ko. Yeah, s*x is addictive once you tried it.
“Sunny, I want you to meet Adam, my boyfriend. Adam, this is Sunnydale, my bestfriend,” pagpapakilala niya sa lalaking driver namin. Mukhang galing sa marangyang pamilya si Adam. I wander if he’s good in handling relationship especially in s*x.
“Papunta tayo sa bar at nandoon na naman ang lalaking habol nang habol sa ‘yo,” panunukso niya sabay hawak sa kanang braso ng kanyang nobyo kaya napatingin naman ako roon.
“Bahala siya sa buhay niya. Ang kulit nga sobra eh,” napairap ako sa kawalan nang sabihin iyon.
“Ang lakas naman kasi ng alindog mo. Swerte ang magiging boyfriend mo, alam mo iyon.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya kaya bigla siyang humalakhak. Well, that’s true.
“Hindi ko siya type. Tsaka, alam mo ako; pang isang gabi lang,” paninigurado ko kaya agad siyang humarap sa akin mula sa passenger seat.
“Siguraduhin mo lang. Alam kong hindi ka hahayaan ni Carlos dahil magaling ka sa kama.” I rolled my eyes because of what she said. Maging si Carlos ay magaling din. I’m f*cking pissed off about what I saw in the internet.
“I saw him on the internet; kissing other girl, you happy?” Nakita ko na lamang ang pagngiwi niya.
Samira looks disappointed. Dahil kasi sa kanya ay nakilala ko si Carlos at botong-boto naman siya sa lalaking yun.
Tumigil ang sasakyan sa parking lot ng isang bar na lagi naman naming tinatambayan.
“Forget about Carlos. May ipapakilala ako! He’s Adam’s friend,” masayang sabi ni Samira. Ano bang tinutukoy niya? “Wait for him, ha?”
Nang makaupo na kami sa loob ng bar ay may isang lalaking lumabas mula sa isang private room sa itaas. Napansin kong madilim ang ekspresyon nitong nakatingin sa amin at papunta sa pwesto kung nasaan kami.
Ito ba yung kaibigan ni Adam?
“Hey, dude!” bati ni Adam sa kanya na ngayon ko lang narinig ang boses niya.
Lumunok ako ng laway nang nasa akin ang tingin ng lalaki, he’s seriously looking at me!
“It’s nice to meet you again, Helios. Have a seat.” Tumingin ako sa kanilang tatlo habang nakatayo. “By the way, this is Sunnydale, my bestfriend. Sunny, this is Helios, Adam’s friend.” Tumingin ako sa nagngangalang Helios. He’s handsome and freaking hot! Malaki ang kanyang katawan at hindi ko maiwasang sabihin sa aking isipan kung magaling ba siya.
“Nice to meet you, Sunnydale.” Inilahad nito ang kanyang kamay. Sa akin siya tumabi at hindi na ako nakapalag doon.
“Nice to meet you, too, Helios.” Napakalambot ng kamay niya nang hawakan ko. Agad na nagtama ang aming mga mata habang ang mga kamay namin ay magkahawak pa rin, hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya, may kung anong dulot iyon sa akin na nagpaubayang titigan siya.
“Shall we start?” Naputol lamang ang aming titigan nang magsalita ang kaibigan ko. I immediately pulled my hand from him.
Nagtataka akong tumingin kay Samira kaya nagsalita ito, “Come on, Sunny. We need to drink. I love seeing you drunk.” Tumawa pa ito matapos sabihin iyon. Nahihiya akong sumulyap kay Helios na hindi naman natawa dahil mababakas ang pagkaseryoso nitong awra.
Hindi naman bago sa akin ito, at hindi sa pagmamayabang ay ako ang paborito ng karamihan sa mga lalaking pumupunta rito.
“Ipakita mo alindog mo!” sigaw ni Samira habang papunta sa gitna kasama si Adam.
I took a deep sigh. Now, I’m with a stranger.
“Wanna have some talk?” Narinig ko ang boses niya. Bakit napakasarap pakinggan nito? Agad ko siyang nilingon at nakita kong may hawak siyang vodka at ibinibigay sa akin.
Kinuha ko naman iyon saka ngumiti. “Thanks.” Agad kong nilagok iyon na dahilan upang siya ay matawa.
“Hey, that’s too much. Dahan-dahan lang,” saway nito. Huli na nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan. Napaigtad ako nang may kakaiba akong naramdaman sa kanyang simpleng paghawak sa kamay ko, para akong kinu-kuryente sa kanyang haplos.
“Okay lang ‘yan. Para saan pa at uubusin ko lang naman.” I heard him chuckled. Nang wala akong marinig sa kanya ay tumingin ako sa dance floor at nakangiting pinagmamasdan ang kaibigan ko kasama si Adam. They are enjoying the music.
Saan niya ba nakilala ang boyfriend niya?
Parang matagal na silang magkakilala. Sabagay, kilala ko ang kaibigan ko, ang bilis niya maging komportable.
“Are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo.” Parang nawala sa isip ko na may kasama pala ako. Agad nawala ang presensya niya sa isip ko.
“Yes, I’m good. Cheers.” Nakangiti akong tumingin sa kanya.
“Cheers,” sabi niya habang seryosong nakatitig sa akin.
Agad namang nawala ang mabigat na tensyon sa amin ni Helios. Napuno ito ng tawa at kwentuhan ang mesa kung saan kami naka-pwesto.
Hindi ko alam ngunit parang mabilis akong nalasing sa mga oras na ito. Unti-unti ring lumalabo ang itsura niya sa paningin ko.
“Are you okay?” Iyon na lamang ang narinig ko kasabay ng biglang pagdilim ng paligid.