CHAPTER 2

1123 Words
SUNNYDALE Nakatitig lamang ako sa kawalan. Iniisip ko pa rin ang lalaking nakasama ko kagabi. He’s fantastic and gentleman. Ano ba kasi nangyari sa akin kagabi? I can’t forget his tantalizing and chocolate eyes, his lips looks soft and swe—— “Hey, Bff! Kanina pa kita kinakausap. Magsisimula ka na. Andoon na yung customer mo.” Muntik ko nang makalimutan na kasama ko si Samira at kadadating niya lamang sa table namin galing sa dance floor. Nasa bar kami at naghihintay ng customer. Walang patutunguhan ang buhay kung magpapahinga kaya hangga’t maaari, itinutuon namin ang sarili sa pagtatrabaho——ang maging dancer sa bar. “Sorry, may iniisip lang. Papunta na ak——” Tatayo na sana ako nang higitin nito ang kamay ko. “What?” iritable kong sabi. Kailangan ko nang puntahan ang customer dahil madalas dito ay nagagalit kapag pinaghihintay sila. “Are you thinking of Helios? Ano bang masasabi mo sa kanya?” Umigting naman ang pandinig ko nang kumawala siya ng nanunuksong tanong. “Helios? No.” I lied. Halos hindi ko na nga makalimutan ang mukha at boses ng lalaking yun. Bakit ba kasi ang lakas ng presensya niya sa akin kahit isang beses ko pa lang siya nakasasama? “Stop lying, bff. I know you,” natatawa niya pang sabi sabay tinuro ang sarili ko. “Go for Helios na, bff. He’s totally hot and of course, a billionaire man!” Medyo nagulat pa ako sa huli niyang sinabi kahit alam ko naman na galing sa marangyang pamilya si Helios. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magtatagpo. I can say that I am physically attractive to him, he’s like a hunk in my own eyes. “Hintayin mo ako dyan. I need to go.” Tuluyan na akong tumayo. Mag-isa lang siya sa table ngunit alam kong dadating naman ang customer niya. “Go, bff. Keep grinding,” sumasayaw pang sabi niya kasabay ng pagtaas ng iniinom na alak. Natawa ako sa sinabi niya kaya tumalikod na lang ako saka tinungo ang private room. Here we go again. Nang makarating sa pintuan, bumuga muna ako ng hangin saka kumatok. I knocked the door twice before someone opened it. Nakayuko ako nang gawin iyon kaya tanging paanan niya lamang ang aking nakikita. “There you are, my sunshine.” Napaawang ang bibig ko nang marining ang pamilyar na boses na yun kasabay ng pag-angat ko ng tingin. He’s looking at me while smiling. Natutop ko ang sariling dila, bahagya akong umatras, at napahawak sa aking dibdib. Pilit kong iniiwas ang tingin ko ngunit bahagya siyang lumalapit sa akin sa tuwing umaatras ako. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Hindi ko rin inaasahang siya ang magiging customer ko sa gabing ito. “Bakit ka lumalayo? Are you scared?” Parang dinuduyan ako sa alapaap nang sabihin niya iyon. Lumunok ako ng ilang beses, bagay na hindi nakaligtas sa paningin niya. Sa ilang buwan kong pananatili sa bar, hindi ko kakikitaan ang sarili ko ng hiya at pag-aalinlangan; ngunit bakit sa lalaking ito ay kusang umuurong ang dila ko kapag siya na ang kaharap ko? Sunny, this is for your sake. Kailangan mo ng pera. “Join me,” he said in authoritative voice. Asking me to join him in this gloomy room. Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay sa aking bewang at agad akong hinigit papunta sa kanya dahilan upang masubsob ako sa matitipunong niyang dibdib. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Mabibigat ang aking paghinga nang bitawan niya ako at tuluyan na akong nakaharap sa kanya. Madilim ang kanyang ekspresyon, hindi ko nababasa kung ano ang nais iparating. “Talk to me,” ma-awtoridad niyang sabi habang ang kanyang paningin ay parang lumalagpas sa aking kabuuan. Umigting ang kanyang panga saka pinaglapat ang mga labi. “W-What do you want, Helios?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Ang kaninang madilim na ekspresyon ay napalitan ng mapupungay na mga mata. “You,” simpleng sagot lamang iyon ngunit nag-uunahan ang kaba sa aking dibdib. Huminga ako nang malalim; iniiwasan kong mapansin niya ang kabado kong ekspresyon. “Fine. If you want me, own me,” matigas kong sabi dahilan upang siya’y ngumisi. Kitang-kita ko ang pagkurba ng kanyang labi at ang pagtaas ng kilay. “I’m sure you want it now. Work with me.” Naguguluhan man ay nanatili ang aking mga tingin sa kanya. “Work with me, Sunnydale,” pag-uulit niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. Lumabi siya dahilan upang mabasa ito. Parang napakasarap halikan ng mga labi niya. Sa tagal kong nananatili rito, wala pang lalaking nagparamdam sa akin nang ganito, ang magkaroon ng interes hindi lamang tungkol sa pera. “Gusto kitang halikan,” sabi ko sa malamyos na tono. Matapos kong sabihin iyon ay agad niya akong hinila dahilan upang masubsob na naman ako sa matitipuno niyang dibdib ngunit agad niyang inangat ang ulo ko saka maalab niyang hinalikan. Mapusok. Malalim. Nalilimutan ko kung nasaan ako. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang halikan namin ni Helios. Sa gitna ng aming halikan, agad niyang hinawakan ang aking pang-upo dahilan upang ako’y mapadaing. “Sunny!” Agad akong natauhan nang marinig ang sigaw na yun. Humiwalay ako sa halikan namin ng kasama ko. That voice. “Who’s that?” inis na tanong niya. Ilang beses siyang napamura dahil tinigil ko ang halikan namin. “It’s Carlos, my ex customer.” Nang sabihin ko iyon ay dumilim na naman ang ekspresyon niya. “Why he’s here?” Naramdaman ko ang inis sa kanyang tono. Sasagot na sana ako nang pumunta ito sa likod ko, mabibigat na hakbang ang kanyang ginawa bago matunton ang pinto. Sinundan ko siya ng tingin nang padabog niyang buksan ang pinto. “Where is Sunny? I know you‘re hiding her!” Mababakas ang galit sa tono ng pananalita ni Carlos. “She’s with me and she don’t want to see you,” kalmadong sabi ni Helios. Natagpuan ko silang magkaharap sa labas ng kwarto. Agad na napatingin sa akin si Carlos na may naguguluhang tingin. “Sunny, what are you doing here? Why you are with a stranger?!” Bakas ang galit sa pananalita niya. “And why are you kissing other girl, Carlos?” My hands are shaking. Natigilan siya sa sinabi ko. I met Carlos in a bar three years and the same experience now was our story. Hanggang ngayon ay ako pa rin ang hanap niya. “Wala yun, Sunny. Please, come back to me.” I chuckled. Puno iyon ng pagmamakaawa. “Hindi mo ako pagmamay-ari. We‘re done, Carlos. Please, leave us alone.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD