CHAPTER 3

1107 Words
SUNNYDALE “What?! Ginawa niya yun?” Hindi makapaniwalang tanong ni Samira habang nagtitipa sa kanyang laptop at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nasa kwarto niya ako dahil mag-isa lamang siya rito at ayoko naman manatili sa bahay namin. “Yes. You know Carlos, lahat gagawin niya para bumalik ako.” Ngumiwi ako nang banggitin ko ang pangalan niya. “Si Carlos lang ang tumatagal sa ‘yo hanggang ngayon. Ano pa bang gusto niya?” Naramdaman kong umangat ang kanyang kaliwang kilay kahit nakatalikod siya sa akin. “I don’t know,” I answered. Doon na siya tumigil sa ginagawa niya at nagtatakang humarap sa akin. Naramdaman ko naman ang kumikibot-kibot kong labi. “Kailangan mong sabihin sa kanya na it’s just a one-night stand.” Ibinalik niya na ang pagtitipa sa kanyang laptop at tinalikuran ako. Ngumuso ako. Bakit parang hindi kasalanan ko na naman? I know that Carlos is a good man. Naging karamay ko rin siya sa panahong kailangan ko ng kausap. At hindi matatawag na one-night stand iyon dahil ilang beses kaming gumawa ng milagro. “Nagtataka pa nga siya kung anong ginagawa ko roon.” Medyo natawa ako sa aking isipan. “Masarap ba si Helios? Mukhang may ipinalit ka na kay Carlos, ah,” she teased me. I frozzed when I heard his name. Naalala ko na naman ang mainit na halikan namin kagabi. Kung hindi lang dumating si Carlos, baka hindi lang yun ang nangayari. “You planned it? Alam mo na siya ang customer ko kagabi?” Tumaas ang kabila kong kilay. Kumawala ang malakas niyang tawa sa buong kwarto. I glared at her. “Relax, alam kong gusto mo rin iyon. Ano, masarap ba?” “We just kissed.” F*ck that moment. Kung hindi lang talaga dumating si Carlos. Parang nababaliw ako sa presensya ni Helios. Nawala ang nakakalokong ngiti ni Samira, napalitan ito ng pagngiwi. “Bakit kiss lang? Ang hina mo naman!” Umirap ito sa akin at tumingin na sayang yung pagkakataon. “Dumating si Carlos, eh. Papunta na sana sa exciting part.” Ngumuso ako. “Yun lang.” Lumipas ang ilang oras ay sumapit na ang gabi; hindi ko man lang namalayan. Sinilip ko si Samira kung abala pa siya sa kanyang laptop ngunit napansin kong ako na lamang ang tao sa kwarto niya. Hindi na ako nag-abalang hanapin siya dahil alam kong nandito lang naman siya sa bahay niya. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong bumaba at pumunta sa kusina ngunit natigilan ako nang may marinig akong malalakas at sunod-sunod na ung*l sa isang kwarto na dalawang kwarto lamang ang pagitan sa kwarto ng aking kaibigan. “Spread your legs, baby...” Namilog ang aking mga mata nang makarinig ng boses ng isang lalaki. Hindi ito pamilyar kaya hindi ko masasabing si Adam yun. Napapikit ako nang kumawala na naman ang sunod-sunod na ung*l na naging dahilan upang mabuhay ang aking p********e. Maya’t-maya ay naramdaman ko na lamang ang pamamasa nito kaya napamura ako sa aking isip. That’s intense! I remembered Helios touching my body. I want him to do that again! Bakit parang napakabilis naman ng nararamdaman ko. Attracted lang ako sa kanya, yun lang. I’m aware that he’s sexy and hot man with appealing aura that I can longing his presence. Matapos kong uminom ng tubig ay naisipan ko nang umuwi. Tumingin ako sa aking relo at alas nuwebe na pala ng gabi. Nagpaalam naman ako sa guard nila Samira na uuwi na ako. D*mn it! Dahil sa narinig ko kanina ay parang nananabik na naman ang sarili ko at si Helios lamang ang tanging nasa isip ko. ‘I know Helios likes you.’ Naalala ko ang sinabi ni Samira kanina. That’s weird. How can I love someone who still stranger to me? Maybe that’s only an attraction. Attract ako sa kanya dahil sa gwapo at malaki ang katawan niya. Nang makarating sa tapat ng bahay ay naabutan kong may kasiyahan sa loob. Tsk! Kailan pa naging masaya ang pamilyang ito? Pumasok ako at lahat sila ay nasa akin na ang tingin. Umangat ang kaliwa kong kilay saka isa-isa ko silang tiningnan. Si papa na nakahawak sa microphone habang si mama naman ay may hawak na plato na may lamang pagkain. Natutop ko ang aking bibig nang makita ang aking ina. Nakalabas na siya? Sino ang nagbayad sa hospital? Napukaw ang aking atensyon sa babaeng lumabas galing sa kusina. May dala itong champagne glass. Lumunok ako ng laway nang tumingin ito sa direksyon ko. What is she doing here? “Sunny, nandito ka na pala. Halika at saluhan mo na kami.” Inaabot na sana sa akin ni mama ang plato ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nanatili ang aking paningin sa aking nakatatandang kapatid. “Bakit ka ba umuwi?” deritso kong tanong. “Sunny, i-respeto mo nga ang Ate Michelle mo.” Lumingon ako kay papa na halos sigawan na ako. Ayan, dyan kayo magaling; ang pagkaisahan ako. “Sunny, umuwi ang ate mo dahil nakapasa siya sa bar exam. Abogado na ang kapatid mo.” Mapait akong ngumiti sa sinabi ni mama. Edi siya na magaling. Siya naman lagi, eh. Habang ako ay pinagkakaabalahan ay mga lalaki. “Sunny...” pagtawag niya sa akin. “Hinihintay mo bang batiin kita? Edi congratulations..., ATE.” “Sunny!” Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking kaliwang pisngi. Agad ko iyong hinawakan dahil halos dumugo na ito sa sobrang lakas. Galit na galit na tumititig ang aking ama at handa pang gawin iyon sa pangalawang pagkakataon ngunit pinigilan siya ni mama. Agad akong umalis sa sala at padabog na pumunta sa kwarto. Malakas kong isinara ang pinto upang mahalata nila ang galit ko. Ngunit alam kong hindi naman nila iyon papansinin dahil isa lamang akong hamak na anak. Agad kong isinalampak ang aking sarili sa kama saka mahinang umiyak. That’s unfair. That’s truly unfair! Matapos kong siya ang nakita kong kahalikan ni Carlos ay mas nagalit ako. Mapait akong ngumiti sa kawalan. Habam-buhay akong magsisisi na naging kapatid ko siya. Sa kalagitnaan ng aking pag-iyak ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Agad ko iyong kinuha sa aking pouch. :What are you doing, my sunshine? I miss you. Kumunot ang noo ko nang basahin ang mensahe. Baka wrong number lang. Ilalagay ko na sana ito sa aking mesa nang mag vibrate ulit ito. :Are you wondering who I am? Better get your self ready. I’ll fetch you tomorrow. Good night. Who is this? Inilagay ko na lamang ang aking cellphone sa aking mesa at hinayaan ang sariling dalawin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD