CHAPTER 4

1118 Words
SUNNYDALE Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa mensahe kagabi. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi sa text dahil hindi naman naka-save ang number nito. Baka nan-ti-trip lang? Napatingin ako sa aking pouch dahil may nag vibrate kaya tiningnan ko kung sino ang nag text. :I hope you‘re outside. I’m coming. Naihilamos ko ang magkabilang kamay sa aking mukha matapos mabasa iyon. Paano niya ako masusundo? Bakit parang alam na alam niya kung saan ako nakatira? Maniniwala ba ako? Baka mamaya isa siyang sindikato. Okay, I think, it’s a customer. Paano kung si Carlos ulit iyon? Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa labas. I turned around in front of my circular mirror to see my whole appearance. I wear a simple purple dress and a flat-white sandal, it reveals my shape and it enlighten my skin by wearing this. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko ang aking kapatid na nagbabasa ng libro sa sala. She turned her face on me. Tiniklop niya ang binabasang libro saka iyon ibinaba. “We need to talk, Sunny.” Inayos nito ang kanyang salamin kahit hindi naman nagalaw o natabingi. “What do you want from me?” Akmang tatalikod na ako ngunit agad niyang hinigit ang aking braso. “Umuwi ako para maging maayos tayo. Please, maging maayos ka naman. Dahil ba ito kay Carlos at ganyan ka? Look, wala kayong relasyon. You prefer being a prostitute, dancing in front of the crowd.” Pero sana ay iba na lang ang pinatulan niya. Bakit yung lalaking galing pa sa akin? “Alam mo, sayang ka. Batas nga ang inaaral mo ngunit hindi mo maayos ang sarili mo, nang-agaw ka pa. Legal ba sa inyo ‘yan?” Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Kumuyom ang kanyang mga kamao at bago pa man lumapat ang kanyang mga palad sa aking pisngi ay agad ko itong napigilan. “Inagaw mo na lahat sa akin, ate. Ano pa ba gusto mo?” Hindi siya nakakibo habang hawak ko ang kanyang braso. “Just leave us here. Hindi ka namin kailangan.” Magsasalita sana siya nang biglang may bumusina sa tapat ng bahay. Tumingin ako sa labas at may nakita akong itim na kotse, ibinalik sa kanya ang tingin. Lumuwag ang kapit ko sa kanyang braso kaya agad niya itong binawi. Mabibigat na hakbang ang aking ginawa papunta sa gate. Mas minadali ko ang aking lakad at tuluyan na nga akong nakalabas. “There you are, my sunshine.” Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa nito ang isang gwapo at matipunong lalaki. Lumunok ako ng laway nang papalapit ito sa akin saka inaabot ang aking kamay. “Give me your hand, I wanna hold it,” utos niya. Tumingin naman ako roon, at parang hindi iyon sayang sa oras nang sandaling ito. His hands looks soft. “Helios?” nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi ko napansing nahawakan niya na pala ang aking kamay saka ito dinampian ng kanyang labi. Paano niya nalaman ang bahay ko? Agad niyang binuksan ang pinto at pumasok naman ako roon. Hindi ko lubos akalain na hindi ko agad naisip na posibleng si Helios ang nagpadala ng mensahe kagabi. “What are you thinking?” tanong niya habang nagmamaneho. Kumunot naman ang aking noo sa tanong niya. His voice is captivating my soul. I can’t help it. “How did you get my address?” “Because I have a power to know it.” “Tell me who you are, Helios. Sindikato ka ba?” inis kong sabi. He chuckled. Tumingin ito sa daan bago ako tapunan ng tingin. “Of course, I’m not. Wanna know me better?” Lumunok ako nang marinig ko iyon. “What do you want from me, Helios? Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin? Hindi ako interisado sa ‘yo.” Sa lahat ng lalaking nakasama ko sa bar ay isang beses ko lang sila nakita. Ngunit bakit ang lalaking ito ay nandito pa rin? “I want you to work with me.” Yun lamang ang kanyang sagot at ibinalik agad atensyon sa pagmamaneho. Sa pagiging abala ko sa pag-iisip tungkol sa lalaking ito, hindi ko namalayang inihinto nito ang kotse. I suddenly looked outside, it’s a parking lot. “Bakit ba tayo nandito? Ki-kidnap-in mo talaga ako?” Sa halip na sagutin ang tanong ko, bumaba ito at lumibot upang pagbuksan ako ng pinto. “Every thing has a reason, Sunny.” “Then, tell me what are your reasons behind!” Medyo napalakas ang aking boses ngunit wala namang ibang tao sa parking lot. Napamaang ako nang bibig nang makita ko ang isang mansyon. Napalunok ako nang mapansin kong itim na itim ang kulay nito. Mansyon na mansyon ang datingan ngunit ang nakatatakot ay ang kulay nitong puro itim. “Anong iniisip mo?” tanong niya ang makapasok kami sa loob. Mas umawang ang aking bibig sa nakita ko. The interior of the house is a combination of black and white, but color black is the color of the house. Mas pinatingkad lamang ng kulay puti ang loob ng bahay. Napansin ko ang sala, lahat ng bagay ay kulay itim. Bihira lamang makita ang kulay puti. Maybe he loves black. Bakit ba ako nandito? Bakit ba sumama ako? Napatingin ako sa kabuuan ng bahay. Is it impossible that he’s alone in this huge house! “Wala ka bang kasama rito?” “Bakit? Gusto mo ba akong samahan DITO?” Sumilay ang nakalolokong ngiti. Umirap lamang ako at ipinagpatuloy ang paglilibot sa kabuuan ng sala. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Habang abala sa pagtingin sa mga larawan na nakapatong sa lamesa, napansin kong umalis siya at tumungo sa taas at pumasok sa isang kwarto. Inabala ko na lamang ang sarili habang wala siya. “Here, fill-out this form.” Nakatingala ako sa kanya nang may i-abot itong form. Namilog ang aking mga mata dahil sa nakasulat. “What is this?” May halong inis ang tono ng pagtatanong ko. “A contract,” simpleng sagot niya habang hawak pa ang papel. “I know, Helios. What is the meaning of this?” Wala akong matandaan na may sinabi siyang kontrata. Wala nga rin siyang sinabi kung bakit niya ako dinala rito. Sunnydale, bakit ang bilis mo sumama? Bakit ba kailangan niya pa akong dalhin sa bahay niya kung ito lamang ang sadya? Hindi ko rin agad naisip ang bagay na iyan. “I want you to be my mistress.” Mistress? Wait! May asawa siya?! Hindi ko magagawa ang bagay na ‘yan. “Fill-out the form, be my mistress.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD