DIANNEUpdated at Mar 9, 2021, 03:54
Limang taon mo akong niligawan. Oo Lima, akalain mo 'yun? May ganoon pa palang lalaki na kayang manligaw sa loob ng limang taon. I can say, ang tatag mo. Hindi naman ako maganda, sexy, at kagustu-gusto pero ang hindi ko lang malaman kung paano ko nakuha ang atensyon mo. Noong nagpapansin ka sa akin, dine-deadma lang kita dahil wala akong balak intertainin ka, ayokong lumalim pagkakakilala ko sa'yo, ayokong mahulog sayo. Takot ako magmahal. Takot akong magmahal dahil ayoko matulad kay Ate, na iniwanan ng long-time boyfriend niya. Ako ang saksi kung paano siya naging lugmok noon at ayoko mangyari 'yun sa akin. Isama mo na rin yung mga kaklase kong babae na umiiyak para lang sa lalaki kaya nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako papayag na balang araw makikita ko yung sarili ko sa kanila. Mas mamahalin ko muna sarili ko kesa piliin ang sandaling kasiyahan na may kapalit namang sakit na pang-matagalan.
Pero ewan ko ba. Hinanda ko na noon 'yung puso ko upang maging bato ito, pero di ko alam kung anong ginawa mo at unti-unti itong lumambot. Kumbaga ako' yung matigas na tinapay at ikaw naman 'yung nagsilbing mainit na kape na may kakayahang palambutin ako.
Bago mo nakuha yung' OO ko, naging pulido muna ang lahat. Simula sa pagpapakilala mo sa magulang at sa kaibigan ko, pang haharana, pagbibigay ng mga paborito kong pagkain, at mga letters. Kaya di na ako magtataka kung paano ako kantyawan ng mga barkada ko, ang haba raw ng buhok ko.
Nang dahil sayo, nawala lahat ng doubts at what if's ko. Naging kampante ako dahil sa limang taong panliligaw mo sa akin na pakiramdam ko noon na ako lang ang nakaranas, kaya nagpasiya akong sagutin ka